Mahalaga ang safety ni baby, kaya nga isa sa mga unang tinitignan at sinisiguradong malinis ay ang kanilang baby bottles. Malaking tulong ang bottle sterilizer upang mas makasiguradong malinis at free from harmful microorganisms ang mga ito.
At kung on the hunt ka for the best bottle sterilizer brand na siguradong pasok sa budget mo, tignan ang aming top picks dito!
[caption id="attachment_483521" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online | Image from iStock[/caption]
Ang mga babies ay prone sa infections dahil ang kanilang immune system ay nagde-develop pa lamang. Kaya talagang mahalaga na panatilihing germ-free at malinis ang kanilang paligid at mga gamit.
Mula sa pacifiers, milk bottles, breast pumps, paboritong mga laruan, at maging mga damit ay dapat ma-sanitize bago at matapos gamitin. Malaking tulong ang sterilizers para panatilihing malinis ang mga bagay na ito. Narito ang aming listahan ng best bottle sterilizer brands in the Philippines.
The good news? Karamihan dito ay hindi lang para sa baby bottles. Pwede rin sa kanilang toys, mga damit, at iba pa!
Paano pumili ng best baby bottle sterilizers?
As a guide, siguraduhin na ang mga panuntunang ito ay makakamit ng chosen sterilizer mo:
- Kind and functionality
- Bukod sa nakasanayan nating steam sterilizer, mayroon na ring UV sterilizers ngayon. Para sa mga on the go at nais i-sterilize hindi lang ang mga baby bottles pero pati na ang toys, books, at iba pang gamit ni baby,
kapaki-pakinabang ang UV sterilizers. Mayroon ding kaniya-kaniyang strong points ang bawat sterilizers gaya ng display, cleaning functionalities, at iba pa.
- Ease of use
- Bilang isang nanay, marami kang iniintindi kaya dapat na madaling gamitin ang sterilizer na pipiliin mo. Alamin kung easy to operate ito. Gayun din, dapat madali itong linisin dahil mahalagang panatilihing malinis ang sterilizers that come into contact sa mga gamit ni baby.
[caption id="attachment_483522" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online| Image from Pexel[/caption]
- Size
- Kung para sa bahay lang ang gamit mo sa sterilizer, mainam ang mas malaking sterilizer dahil mas madaming baby bottles ang pwede mo ilagay rito. Pero kung nais mong dalhin ang sterilizer sa ibang lugar, pumili ng handy at madaling bitbitin na portable sterilizer.
- Cost
- Ano ang pasok sa budget mo? Ano ang komportable kang gastusin para sa gamit na ito ni baby? Tandaan, hindi lang ito ang must-haves para sa iyong little one. I-consider mo ang iyong budget sa pagpili.
Ngayong alam mo na ang pointers na ito, ready ka na para makita ang best bottle sterilizer brands in the Philippines at pumili ng para sa iyong little one.
Function of Bottle Sterilizers
Hindi pa fully developed ang immune system ng iyong baby kaya mas susceptible siya sa infection at sakit. Kaya important ang pagtangal ng harmful bacteria sa mga gamit ni baby.
- Gumamit ng bottle sterilizer upang tanggalin ang bacteria sa baby bottles.
- Mainam din gumamit ng sterilizer if you use borrowed o second-hand feeding bottles. Importante na i-sterilize ang pre-used bottles bago ito gamitin ni baby. Dapat ring i-sterilize ang mga ito kung ang mga bottles ay ginamit ng older babies sa inyong household.
- Kung nagkasakit ang iyong little one. May risk of re-infection kapag gumamit ng unclean bottles. Kapag gumamit kayo ng bottle sterilizer, magkakaroon kayo ng peace of mind na wala nag germs at bacteria na posibleng maging sanhi ng kanyang relapse.
- Kung premature ang iyong baby o immunocompromised. Mahalaga ang sterilization para sa mga babies na may weak immune system.
Importante na i-sterilize ang feeding bottles at iba pang gamit ng iyong anak hanggang sa pagtungtong niya ng 1 year old upang ma-develop ang kanyang immunity.
Ito ang ilang mga sakit na pwedeng maiwasan kapag gumamit ng bottle sterilizer: food poisoning, diarrhea, hepatitis A, vomiting, rotavirus, at stomach flu.
Best baby bottle sterilizer brands
[product-comparison-table title="Bottle sterilizer brands"]
Best Space Saving
[caption id="attachment_483547" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online | Philips Avent[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
'Wag mong i-underestimate ang maliit na size ng Philips Avent Steam Sterilizer. Napaka spacious nito sa loob kaya naman kaya nitong i-accommodate ang hanggang sa 6 na Philips Avent bottles sa isang cycle. Automatic din itong namamatay pagkatapos ma-sterilize.
Features na gusto namin dito
- Kind and functionality
- Ito ay isang steam sterilizer. Pinapatay nito ang 99.9% germs sa loob ng 10 minuto.
- Kaya ang anim na baby bottle.
- Kung sarado ito, mapapanitiling malinis ang laman nitong mga bote sa loob ng 24 oras.
- Ease of use
- May automatic power-off feature ito kaya safe ito.
- Madali din itong linisin dahil sa open design na mayroon ito.
- Size
- Compact ito kaya maliit na space lang ang kailangan nito sa kitchen mo.
Best for Working Parents
[caption id="attachment_482657" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online | Tommee Tippee[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Good news para sa mga working parents! Nakahanap din kami ng below Php 10,000.00 na steam sterilizer with dryer. Sa Tommee Tippee Bottle, maaari kang mamili sa three functions na mayroon ito: sterilize only, dry only or both in one cycle. Malaking tulong ang dryer para sa inyo lalo na kung nagmamadali para pumasok at magtrabaho.
Features na gusto namin dito
- Kind and functionality
- Ito ay steam sterilizer na kayang puksain ang 99% germs sa loob ng 35 minuto.
- Mayroon itong auto power-off at sterilization indicator light.
- May kasama itong dryer.
- Kasya rito ang anim na baby bottles.
- Ease of use
- Hassle-free ito at mabilis gamitin. Mayroon itong easy-to-lift handles.
- Madaling ding linisin ito.
- Size
- Compact ito at hindi nangangailangan ng malaking space for storage.
Best Multifunctional
[caption id="attachment_483548" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online | Monarc[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Sulit nga rin talaga kung UV sterilizer ang iyong bibilhin dahil bukod sa baby bottles ay marami ka pang maaaring pag gamitan nito. Kaya nga isinama rin namin sa aming recommended brands ang Monarc UV sterilizer box. Pwede din itong gamitin para i-sterilize ang iba pang gamit ni baby tulad ng stuffed toys, teethers, kahit mga damit.
Mas magugustuhan mo ito dahil napakadali nitong gamitin. Isang push lang sa button ang kailangan para i-sterilize at tuyuin ang mga gamit. Stylish din ito dahil available ito in pastel pink and blue colors. Pwedeng-pwede i-display sa iyong kitchen.
Features na gusto namin dito
- Kind and functionality
- Isa itong UV sterilizer. Gumagamit ito ng Philips UV lamp para i-eliminate ang 99.9% ng harmful bacteria sa gamit ni baby.
- Pwede mo rin itong gamitin sa ibang everyday objects tulad ng toothbrushes, makeup brushes, mobile phones, at kung anu-ano pa.
- Ease of use
- Isang pindot lang at sa loob ng 50 minuto, ang bottles ni baby ay sterilized at tuyo na paglabas. Ready to use na ito.
- Pwede mo rin itong gamitin na storage ng mga gamit ni baby dahil malaki ito .
- Size
- May katamtamang laki ito at maaaring i-store katabi ng ibang kitchen appliances.
Best Easy Touch Button
[caption id="attachment_482660" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online | Babybee[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Isa pang UV sterilizer sa aming listahan ay ang Babybee UV Sterilizer. Makakasigurado kang safe na safe si baby from harmful bacteria kapag ginamit mo ang sterilizer na ito sa kanyang feeding bottles at iba pang gamit.
Magugustuhan mo rin ito dahil sa two available neutral colors nito: white at teal. Maaari mo itong itabi sa room ni baby o di kaya ay sa kitchen.
Features na gusto namin dito
- Kind and functionality
- Mayroon itong transparent protective glass para doble ang safety ang security ng bottles kapag iniisterilize.
- Sinisigurado nitong mapapatay niya ang 99.9% ng germs dahil sa UV light na mayroon ito sa loob.
- May filtration system na rin ito para maprotektahan ang bottles laban sa hazardous bacteria outside.
- Ease of use
- Madali lang ito i-operate because of the easy touch button na feature.
- May easy open lid at comfortable rin ang angle ng sterilizer.
- Size
- Kaya nitong maensure ang bottles up to 7 liters.
Best for Automatic Shut-off Feature
[caption id="attachment_482661" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online | Chicco[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Mabilis na nasasa-sanitize nito ang feeding bottle, toys, teethers, at iba pang gamit ni baby. Inaalis nito ang 99.9% ng harmful household germs na maaaring kumapit. Dalawa na rina ng configurations nito, mayroong convenient full-size mode at ang energy efficient compact mode. Talaga namang useful for babies.
Features na gusto namin dito
- Kind and functionality
- 30% less time and energy ang nagagawa nito sa tuwing ang sterilizer ay nasa compact mode.
- No need for chemical aditives para sa sterilization ng inyong product.
- In just 5 minutes clean and secured na ang baby bottles ni baby.
- Ease of use
- Maaaring maoperate sa quiet mode kaya less disturbance
- Mayroong automatic shut-off para sa safety.
- Size
- Nasasanitize nito ang 6 bottles kasama ang mga parts nila.
Most Budget-Friendly
[caption id="attachment_482663" align="aligncenter" width="1200"] Bottle Sterilizer: Best Brands Na Swak Sa Budget At Mabibili Mo Online | Bebeta[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Sino ba namang hindi matutuwa na sa halagang di aabot ng Php 2,000.00 , sigurado na ang safety ng babies niyo? Kaya nitong mapatay ang halos lahat ng household bacteria na maaaring kumapit sa feeding bottles ni baby. Iwas sa infection at iwas sa kahit anumang sakit dahil BPA-FREE!
Features na gusto namin dito
- Kind and functionality
- Sa loob lamang ng walong minuto ay kaya na nitong ma-sterilize ang feeding bottles ni baby.
- Ease of use
- May kasama nang tong para madali mapick-up ang bottles na iisterilize.
- Simple and easy-to-operate design
- Size
- Kasya ang 6 regular bottles or 6 wide neck
Price Comparison Table
Kung plano ninyong bumili ng bottle sterilizer, pwedeng makatulong ang listahan na ito para mahanap ang produktong tama para sa inyo ni baby.
Brand |
Price |
Philips Avent |
Php 5,759.00 |
Tommee Tippee |
Php 5,500.00 |
Monarc |
Php 4,990.00 |
Babybee |
Php 4,499.00 |
Chicco |
Php 2,999.00 |
Bebeta |
Php 1,800.00 |
Sterilization Options
Narito ang ilang options para i-sterilize ang baby bottles at ibang gamit ng inyong little ones.
Ang pag-boil ng mainit na tubig ang pinakamatagal na paraan ng pag-sterilize. Pinakamatagal na paraan ng pag-sterilize ang pagboil. Dito, inilalagay ang bottles sa pot at pinakukuluan. Siguraduhin na ang bottles ay tuluyang nakalubong sa water for at least 10 minutes.
Remember na hindi lahat ng baby bottles at bottle teats ay pwedeng pakuluan. May tendency na masira ang mga teats dahil sa kumukulong tubig.
Steam ang ginagamit to clean baby bottles para masigurado na germ-free sila. May mga electric sterilizers na pwedeng mag-sterilize ng bottles at pacifiers for up to 12 hours basta hindi pa nabubuksan ang equipment.
Ang UV sterilization ay gumagamit ng ultraviolet light upang patayin ang mga germs, bacteria, at viruses na pwedeng maging sanhi ng mga sakit at mga infections. Mas practikal nang gumamit ng UV sterilization lalo na sa panahon ngayon dahil maaring ma-eliminate ng UV light ang coronavirus sa mga kagamitan.