First-time mom ka man o may karanasan na sa pagiging nanay, kakailanganin mo ng best breast pump para sa pag express ng iyong liquid gold. Isipin mo na lang kung gaano ka-demanding ang breastfeeding. Gumugugol ito ng madaming oras sa isang araw mula sa pag-pump ng gatas hanggang sa paghahanda ng milk stash para kay baby at sa paglilinis ng mismong breast pump.
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Image from iStock
Kaya naman mahalagang pumili ng pinakamagandang breast pump para sa iyo. Bawat breastfeeding nanay ay may kanya-kanyang pangangailangan at mga pamantayan sa pagpili ng breast pump na babagay sa kanya.
Basahin n’yo ito para matulungan kayong pumili ng best breast pump at malaman ang breast pump prices in the Philippines.
Uri ng mga breast pump
Maraming pagpipilian sa mga iba’t ibang brands ng breast pump. Pero bago pa ‘yan, kailangan mo munang suriin kung ano ang bagay sa mga pangangailangan mo. Bukod sa mga brands, mayroong tatlong pangunahing uri ng breast pumps.
1. Manual
Ito ang pinakamurang option para sa breast pump. Perfect ito para sa mga nanay na concerned sa kanilang budget. Mas maliit at mas tahimik din ito kumpara sa ibang uri ng breast pumps. Pero importanteng malaman niyo na kailangan ng mas maraming effort para sa mga nanay na gagamit ng manual breast pumps dahil ikaw mismo ang pipisil sa pump para sa suction na gaya ng pagdede ni baby.
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Image from Unsplash
2. Electric
Isa sa mga pinakakilalang uri ng breast pumps ang electric. Ang suction nito’y pinapatakbo ng motor kaya hindi mo kailangang manually pisilin ang pump mechanism. May mga uri din ng electric breast pumps na may kakayahang i-adjust and speed at suction. Mayroong single at double breast pump options kaya bagay ito sa mga working moms.
3. Hospital-grade pump
Kung ang hanap mo ay ang pinaka-efficient na breast pump, piliin mo ang hospital-grade. Mas mabilis at mas madalas ang frequency nito, dahilan para maging mas maingay rin ito. Bukod pa riyan, mas mahal ito kumpara sa manual at electric breast pumps.
Mga factor na dapat isaalang-alang sa pagpili ng best breast pump
Sa tulong ng tamang breast pump, mas mapapadali ang pag-breastfeed mo kay baby. Ito ang mga bagay na dapat mong isipin sa pagpili ng breast pump.
Design
Para sa maraming nanay, investment din na maituturing ang breast pump kaya mahalagang gusto mo ang itsura nito. Pero bukod dito, dapat din suriin kung ang design ba nito ay makakatulong padaliin ang breastfeeding journey mo. Madali ba itong gamitin?
Presyo
Alamin ang breast pump prices in the Philippines. Magkano ang budget mo para sa breast pump? Mahalagang i-consider ito sa pagpili. Pinakamalakas at effective ang hospital-grade pumps pero kadalasan sila din ang pinakamahal.
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Image from iStock
Gaano kadaling linisin?
Para siguradong safe ang breastmilk para kay baby, dapat palaging nililinis ang breast pump. Pumili ng brand na hindi ka mahihirapang linisin.
Comfort
Kung ika’y nagpa-pump ng milk at masakit ito para sa iyo, ibig sabihin hindi tama ang breast pump or ang size ng breast shield na nabili mo. Siguraduhin na ang breast pump mo ay hindi makakapagdulot sa iyo ng discomfort.
Best Breast Pump Brands in the Philippines
Best Breast Pump Brands in the Philippines
Best Hands-Free Pump
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Mama’s Choice
Bakit magugustuhan mo ito?
Ito ay swak sa mga nanay na nais gumalaw habang siya ay nagpu-pump. Ito ay hands-free, kaya kailangan lang ilagay sa loob ng bra. Bukod pa riyan, tahimik din ito habang nagpu-pump. Ito ay angkop sa mga may flange size na 24mm at 27mm.
Design
Hands-free na disenyo na may 3 mode at 12 adjustable level sa bawat mode. Wireless at rechargeable na tumatagal ng hanggang 80 minuto ng buhay ng baterya.
Gaano kadaling linisin?
I-disassemble ang pump at tanggalin ang mga accessory para madaling malinis ang iba’t ibang bahagi ng pump.
Comfort
Mayroon itong banayad at walang sakit na pumping ritmo na ginagawang komportable itong isuot.
Para mas sulit, get the Mama’s Choice Hands-Free Pumping Bundle na may kasamang Wearable Breast Pump at isang box ng Breast Milk Storage Bag for only Php2,599!
Most Ergonomic Design
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Mama’s Choice
Bakit magugustuhan mo ito?
Kung naghahanap ka ng mabilis at madali gamitin, ang manual breast pump mula sa Mama’s Choice ang piliin mo. Wala itong kurdon o baterya na kailangan at hindi komplikado gamitin.
Design
Mayroon itong ergonomic na disenyo na nakakatulong na mabawasan ang pagkapagod sa kamay at pulso, na nagbibigay-daan sa iyong gamitin ito nang walang kahirap-hirap gamit ang isang kamay.
Gaano kadaling linisin?
Dahil ito ay may isang simpleng disenyo, maaari mong madaling i-disassemble at hugasan ang lahat ng mga bahagi ng pump.
Comfort
Nakakatulong ang disenyo nito upang matiyak na madali at walang sakit o ngalay tuwing ikaw ay magpu-pump. Wala rin itong BPA at anumang mapanganib na kemikal, tinitiyak na ligtas ito para sa iyo at sa iyong sanggol.
Most Affordable
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Dr. Isla
Bakit magugustuhan mo ito?
Bukod sa swak ito sa budget ng bawat breastfeeding moms, napakadaling gamitin ng breast pump na ito. Ang ergonomic design ng handle nito ay nakakatulong sa pagbawas ng ngalay sa kamay at braso habang nagpupump.
Design
Idinesenyo ito para maging magaan at portable, at dahil manual breast pump ito, hindi ka mag-aalala sa ingay pag ginagamit mo ito. Madaling gamitin at hindi na kailangan ilipat ang milk dahil may kasama na itong bottle at tsupon.
Gaano kadaling linisin?
Hindi ka mahihirapan linisin ito lalo na’t hindi madami ang parts g Dr. Isla Breast Pump.
Comfort
Napaka komportable gamitin dahil ito ay gawa sa high quality food grade silicone na malambot. BFA-free rin ito. Bukod pa roon ay maaari mong i-control at i-adjust ang suction.
Best Travel-friendly
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Haakaa
Bakit magugustuhan mo ito?
Walang kailangan i-assemble para gamitin kaya handa agad itong magamit. Simple man tingnan ang Haakaa, pero epektibo.
Design
Kung ano ang nakikita niyo rito, iyon na ang Haakaa pump. Wala itong kasamang maliliit na parts. Basta i-suction lang siya sa dibdib at iwan mo na ito. Makikita mo na lang na lumalabas ang gatas gamit ang suction at dahil maliit at magaan ito, perfect ito para sa traveling!
Gaano kadaling linisin?
Dahil walang maliliit na parts, madali itong linisin. Pwede rin itong ilagay sa dishwasher.
Comfort
Gawa ito sa 100% food-grade silicone kaya malambot and komportable ito.
Best easy to use
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Pigeon
Bakit magugustuhan mo ito?
Simple at madali itong gamitin kung hindi ka naman madalas mag-pump ng gatas.
Design
Payak pero elegante ang disenyo nito. Madaling pisilin ang handle at kayang gawin gamit ang isang kamay lang. Hindi ka mahihirapang lumipat mula sa pag stimulation mode papuntang expression.
Gaano kadaling linisin?
Konti lang ang mga bahagi ng pump na ito kaya maalwan itong linisin.
Comfort
Pumili mula sa regular at large flanges. Siguraduhin na tama ang flange na gagamitin para maging komportable sa pumping.
Most Comfortable
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Medela
Bakit magugustuhan mo ito?
Napapatakbo ito gamit ang batteries. Magaan din ang breast pump na ito, madaling bitbitin kaya nga isa ito sa mga best breast pumps.
Design
Malinis at simple rin ang design nito. Ang kagandahan sa Medela Swing Maxi ay isa itong closed system na may milk barrier kaya makakasigurado kang hindi dadaloy pabalik sa tubing ang gatas habang ikaw ay nagpa-pump.
Gaano kadaling linisin?
Madaling kalasin ang mga bahagi ng pump na kailangang hugasan at dahil nga closed system ito at hindi dumadaloy sa tubing pabalik ang gatas, hindi ito mahirap linisin.
Comfort
Madalas, nakasalalay ang comfort ng nanay sa pag-pump sa tamang size ng breast shield. Ganun din sa Medela Swing Maxi. Basta tama ang breast shield na gamit mo, komportable itong gamitin.
Best Single Electric Pump
Bakit magugustuhan mo ito?
Madali itong lumipat mula sa isang massage mode patungo sa isang suction mode depende sa iyong kagustuhan. Ang electric breast pump na ito ay maliit, compact, at nilagyan ng USB port na ginagawang maginhawa at madali ang pag-pump kahit saan man.
Design
Ito ay user-friendly na may 2 expression mode at 9 adjustable level sa bawat mode. Dinisenyo din ito para maging tahimik.
Gaano kadaling linisin?
Ang mga bahagi ng pump ay naaalis kaya madaling linisin.
Comfort
Ang flange nito ay hindi masakit sa balat kaya kapag pumping time, walang sakit na mararamdaman.
Best Electric Pump
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Philips Avent
Bakit magugustuhan mo ito?
Sinasabi din na ito sa mga best breast pumps dahil compact ngunit epektibo ang Philips Avent Easy Comfort.
Design
Magaan at madaling bitbitin, yan ang palaging sinasabi ng mga breastfeeding moms tungkol sa breast pump na ito. Meron itong apat na simulation modes at apat na pumping settings kaya makakapili ka ng setting na efficient para sa iyo.
Gaano kadaling linisin?
Hindi ito magulong linisin. Kahit ang mga bagong breastfeeding moms kaya agad maintindihan kung paano ito gamitin at linisin.
Best Hospital Grade
Best Breast Pump Brands: Durable & Affordable Choices Online | Spectra
Bakit magugustuhan mo ito?
Kinilala at aprubado ito ng US FDA at European CE bilang hospital-grade pump.
Design
Pwede itong gamitin nang hanggang sa 12 beses sa isang araw. Tahimik din ang motor nito kahit isa itong hospital-grade pump. Para sa tamang suction, meron itong 12-level pressure control and 5-level cycle control. Para sa inyong convenience, may ilaw ang LCD screen ng Spectra S1+. Closed system din ito.
Gaano kadaling linisin?
Lahat ng mga napili naming breast pumps sa listahang ito ay madaling linisin kaya gayun din ang Spectra S1+. Maalwan kalasin ang mga bahagi ng pump na ‘to.
Comfort
Hindi ito kasing gaan ng ibang mga breast pumps pero portable pa rin itong maituturing. Dahil sa letdown/massage mode nito, makakasiguradong hindi ka mahihirapan sa pag-pump ng gatas gamit ang Spectra S1+.
Price Comparison Table
|
Brand |
Price |
Dr. Isla |
Php 199.00 |
Haakaa |
Php 980.00 |
Pigeon |
Php 6,000.00 |
Medela |
Php 1,598.00 |
Philips Avent |
Php 16,399.00 |
Spectra |
Php 14,995.00 |
Iba pang bagay na dapat tandaan bago bumili
Frequency ng paggamit
Gaano kadalas mong gagamitin ang breast pump? Back-up mo lang ba ito kapag lumalabas ka ng bahay na hindi kasama si baby? Pumapasok ka ba sa opisina at hindi mo kasama si baby buong araw?
Kung hindi naman madalas ang pag-pump mo, simpleng manual breast pump lang ang kailangan mo. Pero kung kakailanganin mong mag-pump nang madalas, pwede kang mamili sa electric o hospital-grade na pump.
Open o closed system
Para sa hygienic na breast milk, mahalagang pumili ng pump na may milk barrier or closed system. Ibig sabihin nito, hindi papasok pabalik sa tubing ang gatas. Dahil rito, maiiwasan ang pagkakaroon ng amag at bacteria sa tubig. Sa madaling salita, mula sa dede ng nanay pupunta ang gatas deretso sa bote. Ang mga pumps na may milk barrier ay may closed system.
Gayunpaman, maaari ring i-consider ang open-breast pump. Ngunit siguraduhin mong malilinis nang mabuti ang mga tubing at tuyong-tuyo ito bago gamitin para safe ang breastmilk ni baby.
Size ng breast shield
Madaling ma-overlook ang size ng breast shield sa pagpili ng pump, ngunit ito ay napakahalaga. Nakasalalay dito kung masasaktan ka sa pagpa-pump at kung makakakuha ka ng sapat na gatas. Kaya importanteng suriing mabuti ang breast shield o flange bago bumili.