First-time mom ka man o may karanasan na sa pagiging nanay, ang pagpapadede kay baby ay pwede pa ring makaapekto sa iyo. Isipin niyo na lang kung gaano ka-demanding ang breastfeeding. Gumugugol ito ng madaming oras sa isang araw mula sa pag-pump ng gatas hanggang sa paghahanda ng milk stash para kay baby at sa paglilinis ng mismong breast pump.
Breast pump prices in the Philippines | Image from iStock
Kaya naman mahalagang pumili ng pinakamagandang breast pump para sa iyo. Bawat breastfeeding nanay ay may kanya-kanyang pangangailangan at mga pamantayan sa pagpili ng breast pump na babagay sa kanya.
Basahin n’yo ito para matulungan kayong pumili ng best breast pump at malaman ang breast pump prices in the Philippines.
Uri ng mga breast pumps
Maraming pagpipilian sa mga iba’t ibang brands ng breast pump. Pero bago pa ‘yan, kailangan mo munang suriin kung ano ang bagay sa mga pangangailangan mo. Bukod sa mga brands, mayroong tatlong pangunahing uri ng breast pumps.
1. Manual
Ito ang pinakamurang option para sa breast pump. Perfect ito para sa mga nanay na concerned sa kanilang budget. Mas maliit at mas tahimik din ito kumpara sa ibang uri ng breast pumps. Pero importanteng malaman niyo na kailangan ng mas maraming effort para sa mga nanay na gagamit ng manual breast pumps dahil ikaw mismo ang pipisil sa pump para sa suction na gaya ng pagdede ni baby.
Breast pump prices in the Philippines | Image from Unsplash
2. Electric
Isa sa mga pinakakilalang uri ng breast pumps ang electric. Ang suction nito’y pinapatakbo ng motor kaya hindi mo kailangang manually pisilin ang pump mechanism. May mga uri din ng electric breast pumps na may kakayahang i-adjust and speed at suction. Mayroong single at double breast pump options kaya bagay ito sa mga working moms.
3. Hospital-grade pump
Kung ang hanap mo ay ang pinaka-efficient na breast pump, piliin mo ang hospital-grade. Mas mabilis at mas madalas ang frequency nito, dahilan para maging mas maingay rin ito. Bukod pa riyan, mas mahal ito kumpara sa manual at electric breast pumps.
BASAHIN:
Think you’re pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!
5 best baby wash brands for newborns, according to Pinoy moms
LIST: Mosquito repellant na safe para sa baby at bata
Mga factor na dapat isaalang-alang sa pagpili
Sa tulong ng tamang breast pump, mas mapapadali ang pag-breastfeed mo kay baby. Ito ang mga bagay na dapat mong isipin sa pagpili ng breast pump.
Design
Para sa maraming nanay, investment din na maituturing ang breast pump kaya mahalagang gusto mo ang itsura nito. Pero bukod dito, dapat din suriin kung ang design ba nito ay makakatulong padaliin ang breastfeeding journey mo. Madali ba itong gamitin?
Presyo
Alamin ang breast pump prices in the Philippines. Magkano ang budget mo para sa breast pump? Mahalagang i-consider ito sa pagpili. Pinakamalakas at effective ang hospital-grade pumps pero kadalasan sila din ang pinakamahal.
Breast pump prices in the Philippines | Image from iStock
Gaano kadaling linisin?
Para siguradong safe ang breastmilk para kay baby, dapat palaging nililinis ang breast pump. Pumili ng brand na hindi ka mahihirapang linisin.
Comfort
Kung ika’y nagpa-pump ng milk at masakit ito para sa iyo, ibig sabihin hindi tama ang breast pump or ang size ng breast shield na nabili mo. Siguraduhin na ang breast pump mo ay hindi makakapagdulot sa iyo ng discomfort.
Ang choices namin at mga breast pump prices in the Philippines
Ang choices namin at mga breast pump prices in the Philippines

Bakit magugustuhan mo ito?
Hindi lamang sa ito ay affordable, ito rin ay napakadaling gamitin! Ang Mama’s Choice Manual Breast Pump ay madali ring dalin, sa loob man ng bahay o kung lalabas.
Design
Innovative ito at ergonomic ang handle, kaya napakadaling gamitin nito gamit ang isang kamay. Ang pag-pump gamit nito ay tulad lang ng pag breastfeed kay baby – hindi masakit at napaka-komportable gamitin.
Gaano kadaling linisin?
Madaling linisin ang bote pagkatapos gamitin.
Comfort
Komportable itong gamitin. Sure na safe ito para sa iyo at para kay baby dahil wala itong BPA at hazardous chemicals.
Presyo: Abot-kaya ito sa halagang P549.
Hegen Manual Breast Pump Module

Bakit magugustuhan mo ito?
Bago ang lahat, pag-usapan natin kung gaano kaganda ang manual pump ng Hegen. Minimalist at sleek ang design nito kaya eye-catching talaga. Pero bukod diyan, may mga breastfeeding moms na itinuturing itong isa sa best manual breast pumps dahil sa ergonomic design at single-handed operation nito.
Design
Idinesenyo ito para maging magaan at portable, at dahil manual breast pump ito, hindi ka mag-aalala sa ingay pag ginagamit mo ito. Madaling gamitin at hindi na kailangan ilipat ang milk kung Hegen bottles din ang gamit ni baby sa pagdede.
Gaano kadaling linisin?
Hindi ka mahihirapan linisin ito lalo na’t hindi madami ang parts na kasama ng Hegen Manual Breast Pump.
Comfort
Maraming moms ang nagsasabing komportable itong gamitin. Walang masakit na “pinching sensation" pag gamit ito.
Presyo: Abot-kaya ito sa halagang P1,599.75.
Haakaa Silicone Breast Pump Milk Collector

Bakit magugustuhan mo ito?
Walang kailangan i-assemble para gamitin kaya handa agad itong magamit. Simple man tingnan ang Haakaa, pero epektibo.
Design
Kung ano ang nakikita niyo rito, iyon na ang Haakaa pump. Wala itong kasamang maliliit na parts. Basta i-suction lang siya sa dibdib at iwan mo na ito. Makikita mo na lang na lumalabas ang gatas gamit ang suction at dahil maliit at magaan ito, perfect ito para sa traveling!
Gaano kadaling linisin?
Dahil walang maliliit na parts, madali itong linisin. Pwede rin itong ilagay sa dishwasher.
Comfort
Gawa ito sa 100% food-grade silicone kaya malambot and komportable ito.
Presyo: Kung breast pump prices in the Philippines ang pag-uusapan, isa ito sa pinaka-affordable. Sa halagang P1,250, mayroon ka nang Haakaa Gen 2.1 Silicone Breast Pump 150ml.
Pigeon United Manual Breast Pump

Bakit magugustuhan mo ito?
Simple at madali itong gamitin kung hindi ka naman madalas mag-pump ng gatas.
Design
Payak pero elegante ang disenyo nito. Madaling pisilin ang handle at kayang gawin gamit ang isang kamay lang. Hindi ka mahihirapang lumipat mula sa pag stimulation mode papuntang expression.
Gaano kadaling linisin?
Konti lang ang mga bahagi ng pump na ito kaya maalwan itong linisin.
Comfort
Pumili mula sa regular at large flanges. Siguraduhin na tama ang flange na gagamitin para maging komportable sa pumping.
Presyo: Mabibili ito sa halagang P5,999.75.
Medela Harmony Manual Breast Pump

Bakit magugustuhan mo ito?
Napapatakbo ito gamit ang batteries. Magaan din ang breast pump na ito, madaling bitbitin kaya nga isa ito sa mga best breast pumps.
Design
Malinis at simple rin ang design nito. Ang kagandahan sa Medela Swing Maxi ay isa itong closed system na may milk barrier kaya makakasigurado kang hindi dadaloy pabalik sa tubing ang gatas habang ikaw ay nagpa-pump.
Gaano kadaling linisin?
Madaling kalasin ang mga bahagi ng pump na kailangang hugasan at dahil nga closed system ito at hindi dumadaloy sa tubing pabalik ang gatas, hindi ito mahirap linisin.
Comfort
Madalas, nakasalalay ang comfort ng nanay sa pag-pump sa tamang size ng breast shield. Ganun din sa Medela Swing Maxi. Basta tama ang breast shield na gamit mo, komportable itong gamitin.
Presyo: May kamahalan ito sa halagang P12,825 pero hindi ito kasing mahal ng top-of-the-line Medela Freestyle na double electric breast pump din mula sa Medela. Maaari ring bilhin ang kanilang manual breast pump na nagkakahalaga ng 1,800 pesos.
Philips Avent Single Electric Breast Pump

Bakit magugustuhan mo ito?
Sinasabi din na ito sa mga best breast pumps dahil compact ngunit epektibo ang Philips Avent Easy Comfort.
Design
Magaan at madaling bitbitin, yan ang palaging sinasabi ng mga breastfeeding moms tungkol sa breast pump na ito. Meron itong apat na simulation modes at apat na pumping settings kaya makakapili ka ng setting na efficient para sa iyo.
Gaano kadaling linisin?
Hindi ito magulong linisin. Kahit ang mga bagong breastfeeding moms kaya agad maintindihan kung paano ito gamitin at linisin.
Presyo: Mabibili ito sa halagang P10,417.32.
Spectra Hospital Grade Double Electric Breast Pump

Bakit magugustuhan mo ito?
Kinilala at aprubado ito ng US FDA at European CE bilang hospital-grade pump.
Design
Pwede itong gamitin nang hanggang sa 12 beses sa isang araw. Tahimik din ang motor nito kahit isa itong hospital-grade pump. Para sa tamang suction, meron itong 12-level pressure control and 5-level cycle control. Para sa inyong convenience, may ilaw ang LCD screen ng Spectra S1+. Closed system din ito.
Gaano kadaling linisin?
Lahat ng mga napili naming breast pumps sa listahang ito ay madaling linisin kaya gayun din ang Spectra S1+. Maalwan kalasin ang mga bahagi ng pump na ‘to.
Comfort
Hindi ito kasing gaan ng ibang mga breast pumps pero portable pa rin itong maituturing. Dahil sa letdown/massage mode nito, makakasiguradong hindi ka mahihirapan sa pag-pump ng gatas gamit ang Spectra S1+.
Presyo: Para sa hospital-grade pump hindi ito ganoon kamahal. Mabibili ito sa P14,500.
Iba pang bagay na dapat tandaan bago bumili
Frequency ng paggamit
Gaano kadalas mong gagamitin ang breast pump? Back-up mo lang ba ito kapag lumalabas ka ng bahay na hindi kasama si baby? Pumapasok ka ba sa opisina at hindi mo kasama si baby buong araw?
Kung hindi naman madalas ang pag-pump mo, simpleng manual breast pump lang ang kailangan mo. Pero kung kakailanganin mong mag-pump nang madalas, pwede kang mamili sa electric o hospital-grade na breast pump.
Open o closed system
Para sa hygienic na breast milk, mahalagang pumili ng breast pump na may milk barrier or closed system. Ibig sabihin nito, hindi papasok pabalik sa tubing ang gatas. Dahil rito, maiiwasan ang pagkakaroon ng amag at bacteria sa tubig. Sa madaling salita, mula sa dede ng nanay pupunta ang gatas deretso sa bote. Ang mga pumps na may milk barrier ay may closed system.
Gayunpaman, maaari ring i-consider ang open-breast pump. Ngunit siguraduhin mong malilinis nang mabuti ang mga tubing at tuyong-tuyo ito bago gamitin para safe ang breastmilk ni baby.
Size ng breast shield
Madaling ma-overlook ang size ng breast shield sa pagpili ng breast pump, ngunit ito ay napakahalaga. Nakasalalay dito kung masasaktan ka sa pagpa-pump at kung makakakuha ka ng sapat na gatas. Kaya importanteng suriing mabuti ang breast shield o flange bago bumili.