Best Maternity Lingerie: Sexy, Sporty, at Komportable for Mommies

Pregnancy brings a lot of changes sa katawan ng babae. That is why, mahalaga ang maternity lingerie para sa comfort ni mommy. Alamin dito saan makakabili!

Unique experience ang pregnancy at breastfeeding para sa bawat mommy. Ang effects nito sa katawan may vary from one mom to another. Some may feel sexy sa paglaki ng dibdib at belly, while others may not.  That is why, importante ang pagsusuot ng best maternity lingerie to suit your growing curves.

Maraming maternity lingerie available in the Philippines na akma sa iba’t ibang body types and sizes. Gusto mong i-celebrate ang iyong hot momma bod? Kailangan ng little boost? Sexy maternity lingerie can do the trick! Siguraduhin lang na pareho kayong kumportable ni baby sa pipiliing maternity lingerie.

 

Pagpili ng Best Maternity Lingerie

Bilang mommy, hindi lang ang comfort mo ang mahalaga sa pagpili ng susuotin. Importante rin ang delicate skin at breastfeeding needs ng iyong anak. Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng best maternity lingerie.

  • Material – Pumili ng fabric na flexible sa iyong changing body. Pregnancy can make your skin sensitive. Avoid synthetic fabrics to prevent skin irritation. Piliin ang cotton underwear dahil mas marami ang discharge during pregnancy. More breathable at absorbent ang cotton to keep you dry.
  • Size – Siguraduhing fit sa iyo ang maternity lingerie na bibilhin for added comfort. Kung bibili ng maternity bra, avoid buying masyadong malaki o maliit. Make sure sapat ang sukat to support your growing breasts.
  • Style – Dapat komportable ang iyong growing bump. Plus points kung may easy breastfeeding access. For maternity bras, piliin iyong walang underwire for extra comfort. Tingnan din kung may extra hook-and-eye closures for your growing mid-section.
  • Postpartum use – Mahalaga rin na matibay ang pipiliing maternity lingerie. Makatitipid kung magagamit ito mula pregnancy hanggang postpartum.
  • Price – Challenging for most parents ang pagba-budget. Pumili ng maternity lingerie na abot-kaya pero convenient sa iyong motherhood journey.

 

Best Maternity Lingerie: Sexy, Sporty, at Komportableng Options

Narito ang choices namin ng iba’t ibang klase ng maternity lingerie na maaari mong pagpilian.

Best maternity lingerie: sexy, sporty, at komportableng options
Seamless Hands Free Pumping Bra
Buy on Shopee
Low Waist U-shaped Panties Review
Buy Here
SO-EN Maternity Panty Review
Buy Here
mamme Racerback Sports Maternity Nursing Bra
Buy Now
Kaibo Nursing Bra Plus Size Pregnant Women's Underwear
Buy Now
Gentleman Nighties for Women Sexy Nighty
Buy Now

Mama’s Choice Seamless Hands-Free Pumping Bra

Best Pumping Bra

Ang Mama’s Choice Seamless Hands-Free Pumping Bra ay ang best solution para sa mga busy mamas na gustong makapag express ng breast milk habang may ibang ginagawa sa loob ng bahay.

Gawa ito sa malambot at komportable na materyal (90% nylon, 10% spandex). Mayroon din itong “easy to adjust straps" at “adjustable hooks" para mapadali ang pag-pump.

Available ito sa dalawang kulay: cream at black. Available din ito sa tatlong sizes: M, L, at XL.

Mga nagustuhan namin:

  • Seamless material.
  • Pumping solution.
  • Soft and comfortable.

 

Low Waist U-shaped Panties Review

Most comfortable

Highly-recommended for pregnant women ang Low Waist U-shaped Panties. Gawa ito sa high quality fabric na soft at comfy sa balat. It is made of 87 percent ice silk at 13 percent spandex. Meanwhile, ang crotch area at lining nito ay gawa sa 100 percent cotton fabric.

Elastic ang Low Waist U-shaped Panties at hindi madaling ma-deform. In addition, durable at hindi madaling kumupas ang kulay ng tela.

And because cotton ang crotch nito, breathable at maiiwasan ang bad odor sa vaginal area. There is also an anti-bacterial layer sa crotch area.

Best of all, may U-shaped waistline ito for additional comfort sa growing baby bump. Available in medium, large, at extra-large. Mayroong size chart ang online store na maaaring tingnan para tiyak na angkop ang size na mabibili.

Mga nagustuhan namin:

  • Seamless panties.
  • Anti-bacterial crotch.
  • Available in different colors (skin tone, black, grey, white, at pink).

 

SO-EN Maternity Panty Review

Best belly support

Kilala ang SO-EN na isa sa best underwear brands sa Philippines. Ang SO-EN Maternity Panty ay designed para sa mga mommy-to-be. Mayroon itong extra front space para sa iyong growing belly. It also has a high waist, at stretchable for extra support sa iyong lumalaking bump.

Malambot at komportable sa balat ang poly-cotton fabric material nito. Available ito sa tatlong kulay: melon, white, at black. Best of all, meron itong small hanggang extra-large sizes.

Mga nagustuhan namin:

  • Full panty na may extra room for growing bump
  • Durable

 

Mamme Sports Nursing Bra Review

Best for workouts

For active moms na patuloy sa light workout during pregnancy at nursing, best pick ang Mamme Sports Nursing Bra. Komportable ito sa balat at nagbibigay suporta sa bust area during pregnancy at breastfeeding. Madaling magpasuso in between workouts with this sporty maternity lingerie.

Mayroon itong front drop-down clasps for easy breastfeeding. Not only that, may wide straps ito bilang suporta kung gagamit ka ng wearable breast pump. Additionally, seamless ang nursing bra na ito. Walang steel ring at wireless din.

Gawa ang Mamme Sports Nursing Bra sa nylon-spandex. Wide at stretchable ito to give way sa changes sa breasts size. Add to that, durable ito and built to maintain its shape kahit ilang beses labhan.

Available ang nursing bra na ito sa medium, large, at extra large sizes. Tingnan ang measurement chart ng online store para matiyak ang angkop na sukat.

Mga nagustuhan namin:

  • Full figure cup.
  • Racerback style for additional support.
  • Adjustable back button at lower circumference length.

 

Kaibo Nursing Bra Review

Best plus size maternity lingerie

Kung plus size maternity lingerie ang hanap mo, para sa iyo ang Kaibo Nursing Bra. Especially made ang maternity lingerie na ito para sa plus size women. Available ang Kaibo nursing bra sa sizes na XXL, 3XL, at 4XL. In addition, may size chart ang online store para matiyak ang iyong size.

Gawa sa breathable cotton material ang Kaibo Nursing Bra. Stretchable ito at mayroong anti-slide strap. Moreover, ideal for breastfeeding ang maternity lingerie na ito. Mayroon itong front drop-down clasps para madaling mapasuso ang iyong anak.

Best of all, seamless ang Kaibo Nursing Bra at wala itong steel ring. Available in eight colors.

Mga nagustuhan namin:

  • Full figure cup.
  • 4 rows of 3 buckles.
  • Elastic and breathable.
  • Plus size maternity lingerie.

 

Baby Doll Lace Bow Nightwear Review

Best sexy maternity lingerie

Kung nais paghandaan ang sexy night with daddy, best pick ang Baby Doll Lace Bow Nightwear. You can flaunt your hot mom bod sa sexy maternity lingerie na ito. Pwede itong suotin during pregnancy dahil open-front nightie ito na komportable pa rin sa iyong growing bump.

You can also use Baby Doll Lace Bow Nightwear bilang pantulog during postpartum. Dahil sa open-front at deep V-neckline, good for easy breastfeeding. Ang sexy maternity lingerie na ito ay gawa sa sheer lace. May adjustable straps for additional comfort.

Best of all, plus size maternity lingerie din ito na suitable for women of various sizes. Available mula small hanggang  double XL.

Mga nagustuhan namin:

  • Sexy at preskong suotin.
  • Available sa iba’t ibang kulay: red, green, blue, black, white, at purple.
  • Pwedeng gamitin sa maternity photoshoot.

 

Price Comparison

Challenging ba ang pagpili? Narito ang price list ng best maternity lingerie to guide you sa selection process.

Product Price
Low waist U-shaped Panties (4pcs) Php 193.00
SO-EN Maternity Panty Php130.00
Mamme Sports Nursing Bra Php 399.00
Kaibo Nursing Bra Php 306.00
Baby Doll Lace bow Nightwear Php 214.00

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

 

Changes sa Katawan ng Babae Dulot ng Pregnancy

Maraming body changes during pregnancy. Ilan sa physical changes ay visible tulad ng paglaki ng belly at weight gain. Common din ang enlarged uterus, back pain, at morning sickness. However, may changes na uncommon at suprising for some mommies.

Ilan sa mga ito ay ang paglaki ng dibdib at pagkakaroon ng varicose veins. You may also have swollen veins malapit sa vagina o vulva. Maaaring maging uncomfortable ang swollen veins sa vaginal area. But it usually goes away pagkatapos manganak.

Furthermore, pwede ring magkaroon ng changes sa hair at skin. Tumataas ang estrogen level kapag buntis. So mas hahaba ang growing phase ng hair follicle resulting in stronger and healthier hair.

However, kapag bumaba ang estrogen level after birth, maaaring makaranas ng paglalagas ng buhok ang isang ina. But it goes back to normal within four to six months after giving birth.

Another common challenge ay ang stretch marks. Mas prone sa pagkakaroon nito ang mga babaeng obese, nakaranas ng rapid weight gain during pregnancy, o may malaking fetus. Possible cause ang breakdown ng collagen or connective tissues supporting the skin.

Common struggle for mommies ang body changes but that doesn’t mean na they cannot wear sexy maternity lingerie. Deserve ng bawat mommy na i-flex ang kanilang sexy mom bod or boost their self-esteem even during and after pregnancy.

 

Kailangan ding ng leggings? Basahin ito: 7 Best Maternity Leggings for your Pregnancy

Written by

Jobelle Macayan