Mosquito repellant safe for babies
Top mosquito repellant for babies
Bukod sa pag-iingat at pag-iwas sa mga lamok, mabuting malaman rin ng mga magulang ang pangontra sa mga lamok. Upang makasiguro na 24/7, protektado ang anak mo laban sa mga lamok.
Narito ang listahan ng mga mosquito repallent na safe para sa mga babies at bata:
OFF! for Kids Insect Repellent Lotion
Isa sa pinakakilalang mosquito repellant ng mga bata ay ang OFF! Available ang OFF! for Kids sa tatlong sizes. Ito ay 6 ml (sachet) , 50 ml at 100 ml. Ang bisa ng repellant na ito ay tumatagal ng tatlong oras sa balat ng bata. Bagay na bagay rin ito sa mga outdoor activities nila. No need to worry na rin para sa product na ito mommies dahil dermatology tested rin siya.
Bite Block Kids Insect Repellent Lotion

Suitable ang Bite Block para sa mga 6 months old baby, toddler at kahit na mga preschooler. Bagay na bagay ang insect repellant na ito sa’yo lalo na kung ikaw o anak mo ay sensitibo sa amoy dahil ito ay Deet-free. No mild odor and harmful effect! Kadalasang ring nakikita ang Deet sa mga insect repellant o nail polish remover.
Mapoprotektahan nito ang anak mo sa mga lamok during playtime o outside activities ni baby. Availabe ito s talong sizes, 100 mL at 50 mL.
Cycles Sensitive Anti Mosquito Patches

Paniguradong matutuwa ang inyong baby sa Cycles Sensitive Anti-Mosquito Citronella Patches. Ang repellant kasi na ito ay parang stickers lamang ngunit nakakapigil ng kagat ng lamok. Pwedeng pwede rin ito para sa mga baby. Sobrang simple lamang kung paano ito gamitin. Ididikit lamang ito sa damit, bag o stollers na malapit sa iyong baby. No need to worry mga mommy! Ito ay dermatologist tested at Deet-free rin!
BabyGanics Natural Insect Repellent

Maganda ang BabyGanics Insect Repellant dahil ito ay gawa sa mga natural essential oil. Availble ito sa dalawang sizes, 59 mL at 177 mL. Kaya nitong maprotektahan ang iyong baby sa mga lamok, langaw at gnats.
MoskiShield Mosquito Repellent Patch

Isa pang safe na gamiting insect repellant ng baby ay ang MoskiShield. Ito ay gawa rin sa natural oil at Deet-free. Idikit lamang ang MoskiShield patch sa damit ni baby at ready na ito maglaro nang walang kumakagat na lamok. Bukod sa patch, available rin ito sa spray. Safe gamitin ang MoskiShield dahil sa ingredient nitong lemon eucalyptus.
Tumatagal ang patch ng 8 hanggang 12 na oras.
SOURCE: Mosquito Magnet
Kahit na tapos na ang tag-ulan at papasok na naman ang summer, laging tatandaan na hindi pa rin makakaiwas sa lamok ang mga bata. Isa sa dahilan nito ay ang environment na kinakalakihan ni baby. Kaya mga moms and dads, narito ang listahan ng mga mosquito repellant na safe para sa babies.
When are mosquitoes most active?
Isa sa mga factor to remember ay ang kinakalakihang environment ng isang bata. Kung kayo ay nakatira malapit sa mga estero, matubig na lugar o malapit sa ilog, mataas ang risk na malamok sa area niyo.
Kadalasang aktibo ang mga lamok sa araw. Dahil ito sa matinding sunlight sa isang area. Mayroon namang ibang uri ng lamok na mas aktibo sa gabi dahil sensitive sila sa sikat ng araw na maaaring makapatay sa kanila. Ang mga lamok na lumalabas sa gabi ay kadalasang nagtatago sa umaga kung saan tirik ang araw.
Kaya mahalagang mag ingat ang mga magulang na makapasok ang lamok sa inyong bahay. May iba kasi na nagtatago lang sa umaga atsaka sa gabi lalabas at mangangagat.
Tungkol naman sa season ng paglabas ng mga lamok, karamihan sa atin ay akala na tuwing summer lang mas aktibo ang mga lamok. Ngunit tandaan na hindi ito sa season, ang paglabas ng mga lamok ay nakadepende sa temperatura ng isang lugar.
Sintomas ng Dengue
Ang isang kagat ng lamok ay maaaring magdala sa’yo ng sakit. Kung sakaling matagal na ang lagnat ng anak mo at pakiramdam mong Dengue na ito, maaari lang na ipakonsulta na siya agad sa doctor. Ang mga sintomas ng dengue ay karaniwang nakikita pagkatapos ng anim hanggang sampung araw.
Narito ang mga sintomas ng dengue:
- Mataas na lagnat
- Pagsusuka ng bata
- Skin Rashes
- Pananakit ng mga muscles
- Pagdurugo ng ilong o gums
- Pananakit ng ulo
- Fatigue
- Pananakit ng mga mata
BASAHIN:
Surviving Dengue: how to protect your kids from mosquitoes
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.