Best Pregnancy Journal for Your Little One's 9-Month Journey

Check out these 5 best pregnancy journal that will help you and your child remember every memory and milestone.

Maituturing na isa sa mga most memorable moment ng isang babae nag pagbubuntis. Halo-halong emosyon ang maaaring pagdaanan ng isang ina. Kung minsan ay masaya, kung minsan naman ay pagkalungkot. Bukod pa sa emosyon, sunod-sunod na pagbabago ang nangyayari sa overall health ng babae at maging ang daily routine. 

Marami ring appointments at checkups na kailangang sunduin. May mga pagkakataon din na may mga kailangang tandaan ang mommy sa panahon ng kanyang pregnancy. Sa dinami-rami ng maaaring mangyari at alalahanin, isa sa magandang paraan upang malessen ito ay ang pagkakaroon ng pregnancy journal at diary. Ang pagbubuntis ay isang unique na journey at maaring once in a lifetime lamang sa ilan, kung kaya’t maganda na iyong i-cherish ang experiences through a pregnancy journal.

 

Ano ang pregnancy journal at bakit ito mahalaga para sa pregnant mommies?

Ang pregnancy journal o diary ay tumutukoy sa notebook kung saan isinusulat mo ang halos lahat ng nangyayari sa inyo ni baby. Kabilang diyan ang iyong karanasan, napagdadaanang emosyon, unforgettable memories, pregnancy milestones, photos, at marami pang iba. 

Kailangang i-consider na magkaroon ng pregnancy journal? Nakadepende ito sa iyo, pero mas nagiging madali kasi ang ilan sa changes na pagdadaanan ng buntis kung mayroon siya nito lalo sa first time mommies. Ang ilan pa sa maaaring maitulong ng pagkakaroon ng journal ay:

  • Makabubuo ng strong bond with your child kahit nasa tiyan pa lamang. 
  • Nakatutulong na magrelieve ng stress dahil maaari mong ilabas ang halo-halong emosyon dito lalo kung ito ay negative feelings. 
  • Magkakaroon ka ng record sa unti-unting pagdedevelop ng iyong baby. 
  • Madaling natatandaan ang mga daily, weekly, at monthly routines na maaaring i-record dito. 
  • Mayroong mababalikang memory kahit nanganak na. 
  • Magsisilbing guide ito kung mayroong plano para sa next pregnancy.

 

Paano dapat sinisimulan ang isang pregnancy journal?

Kung ito ang first time mong gagamit nito, don’t worry narito ang ilang tips kung paano ito sisimulan:

  1. Pumili ng best time kung kailan ito maiisipang gawin nang hindi pinipilit bilang isang task na kailangang gawin. 
  2. Isulat maging ang mga biglaang ganap ninyo ni baby. 
  3. Huwag masyadong mag-isip nang sobra sa pagsusulat, dapat lang na makatulong ito sa iyong stress at hindi makadagdag. 
  4. Write even the small details about your pregnancy. 
  5. I-customize at i-organize ang journal, maaari ring maglagay ng ilang pictures, receipts, o kung ano mang tungkol sa pregnancy. 

 

5 best pregnancy journals for your little one’s journey

Simulan na ang journey ninyo ni baby at i-shop ang best pregnancy journal this 2022!

Brand Category
Snapteria Pregnancy Journal Best for blank week page
RosyPosy Shop Journal with Magnetic Lock Best for waterproof feature
Hinkler My Baby Record Book Best for hardcover feature
Lenwa 365 Journal Notebook Best for whole year diary
Pocket Size Travel Notebook Most travel-friendly

5 best pregnancy journals
Pregnancy Journal
Best for blank week page
Buy Now
Shop Journal with Magnetic Lock 
Best for waterproof feature
Buy Now
My Baby Record Book
Best for hardcover feature
Buy Now
365 Journal Notebook
Best for whole year diary
Buy Now
Pocket Size Travel Notebook
Most travel friendly
Buy Now

 

Snapteria Pregnancy Journal

Best for blank week page

You can just write freely with the blank week page na mayroon ang Snapteria Pregnancy Journal. You can also celebrate your happy memories with your baby using this journal para bawas na rin sa stress. May mga section din itong hinahayaang matrack ang iyong progress. Makapaglagay ka rin ng goals na plano mo para sa iyong little one. 

In addition, nasa notebook na rin ang tracker para sa appointment mo sa check-ups with your doktor kaya maiiwasan na makalimutan ang mga schedule na tulad nito. Pwedeng-pwede mo na rin i-add ang mga photos like ultrasounds sa notebook. Ito ay upang nakikita mo ang development ni baby sa loob ng iyong tummy. Most importantly, you can plan your birth ideas and write and down sa notebook na ito. In short, ready na ready ka para salubungin si baby sa outside world.

Highlights:

  • Medical check-up appointment tracker.
  • Can add photos like ultrasound.
  • Plan your birth ideas.
  • Reduces stress.

 

RosyPosy Shop Journal with Magnetic Lock 

Best for waterproof feature

Extra ang protection ng iyong journal kung bibilhin mo ang Sois Belle Shop Journal with Magnetic Lock. Waterproof na kasi ang notebook at mayroon pang magnetic lock kaya mapoprotektahan ang iyong memories with your baby. May calendar section pa kung saan maaari mong ilagay ang lahat ng schedules na need mong maalala. 

Nakaaaliw pa dahil lahat ng sheets nito ay designed na talagang nakababawas ng stress dahil sa relaxing colors nito. Available ang journal sa iba’t ibang themes gaya ng snow, water, spring at bridge. In conclusion, tiyak na mag-eenjoy ka sa 196 pages na journal na ito.

Highlights:

  • With calendar section.
  • Relaxing colors and designs.
  • 4 different themes.
  • 196 pages.

 

Hinkler My Baby Record Book

Best for hardcover feature

Sa Ayine Online Shop My Baby Record Book, ang journal mo ay protektado ng hardcover nito. I-record na ang early days ni baby para natatrack mo kung ano pa ang need gawin upang mag develop siya nang healthy. Maaari mo rin dito ilista ang mga options para sa name ng iyong anak. Maganda rin ito para bumuo ng inyong family tree kung saan malalagyan mo ng photos ng pamilya. 

Pwede mo rin ituloy pa ang journal kung naipanganak mo na si baby. You can celebrate his or her milestones and every step na nagagawa niya. Isulat din lahat ng bagay na ikinatutuwa niya. Sa ganitong paraan kasi nagkakaroon ng chance na mabalikan niyo both ang memories na ito. 

Ang journal ay mayroong 48 pages at dimension na 9.45 x 0.39. X 9.45 inches. 

Highlights:

  • Baby’s name options.
  • Records all baby’s firsts.
  • 48 pages.
  • 9.45 x 0.39. X 9.45 inches.

 

Lenwa 365 Journal Notebook

Best for whole year diary

Kumpletuhin na ang 365 days ng isang taon gamit ang LSY School Supplies 365 Journal Notebook. Firstly, kayang-kaya mo na i-record ang pre and post natal memories dahil sa dami ng pages nito. Maaaring mailagay mo ang lahat ng memories niyo ni baby. Relaxing ang pagsusulat dahil vintage and brown ang bawat page nito. 

Doble pa ang protection sa privacy dahil may kasama itong lock para hindi bastaa-basta maacccess ng ibang tao ang journal mo. Above all, guaranteed na high quality pa. 

Highlights:

  • 365 journal pages.
  • Vintage theme and brown color.
  • With lock.
  • Guaranteed high quality.

 

Pocket Size Travel Notebook

Most travel friendly

Sa mommies na mahilig mag travel at the same time ay sumulat sa kanilang journal, nandito naman ang Steve Kyle Pocket Size Travel Notebook. You can just easily put this notebook inside your pocket at mae-enjoy mo nang maglagay ng entry sa 96 sheets na mayroon ito. Kahit pa maliit na may size na 145 x 110 x 75 millimeters leather at hard cover na ang notebook. 

Moreover, sa usapin naman ng quality, gawa ang notebook sa high grade quality material. Plus, mayroon na rin itong ribbon para magkaroon ng marking kung saan ang important note na need mo maalala kaagad. Para masecure naman ang closure ng notebook, kasama na rin ang elastric strap para easy to use habang nagtatravel ka. 

Highlights:

  • 96 sheets with leather hard cover.
  •  145 x 110 x 75 millimeters size.
  • Made from high grade quality material.
  • With ribbon for markings.
  • Elastic strap.

 

Price comparison table

Let’s go mommies at i-shop na ang journal na napili mo sa aming list! Check out ang kanilang prices sa table na inihanda namin below:

Brand Price
Snapteria Pregnancy Journal Php 318.00
RosyPosy Shop Journal with Magnetic Lock Php 229.00
Hinkler Online Shop My Baby Record Book Php 545.00
Lenwa 365 Journal Notebook Php 179.00
Pocket Size Travel Notebook Php 47.00 – Php 62.00

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

 

I-level up pa natin ang iyong memories by doing a pregnancy or baby photoshoot at home. Easy and quick lang, basahin: LOOK: Must-haves Para sa Iyong DIY Pregnancy Photoshoot

Written by

Ange Villanueva