Mas madaling mag-pump ng gatas para sa iyong baby habang nagtatrabaho, nagpapahinga, o nasa labas kasama ng pamilya mo gamit ang wearable breast pump. Sa article na ito, tutulungan ka naming makahanap ng wearable breast pump na para sa’yo. Kung ikaw ay isang bagong mama o naghahanap ng mas convenient na breast pump, basahin mo ito!
Ang pagpapadede ng gatas ng iyong baby ay isa sa pinakamahalagang gawain. Ang breastfeeding ay makakatulong upang protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng iyong baby. Ngunit ang pagpump ng gatas ay hindi madaling gawain, lalo na kung ikaw ay nasa trabaho o nasa ibang lugar.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo ng isang magandang breast pump. Ang breast pump ay isang kagamitan na nagbibigay-daan sa iyo na mag-pump ng gatas sa iyong mga suso nang walang kahirap-hirap.
Maraming magagandang wearable breast pumps na p’wede mong pagpilian. Ngunit paano mo nga ba malalaman kung ano ang pinaka-okay para sa’yo?
Kaya narito ang aming listahan ng mga pinakamahusay na wearable breast pumps upang matulungan ka na pumili ng tamang produkto para sa iyo at sa iyong sanggol.
Mga Bagay na Dapat Hanapin sa Isang Wearable Breast Pump
Kapag pumipili ng isang magandang wearable breast pump, kailangan mong tandaan ang ilang mga bagay upang matiyak na makakahanap ka ng tamang produkto para sa iyong pangangailangan.
- Siguraduhin na ang wearable breast pump ay may tamang sukat para sa iyong dibdib.
Hindi lahat ng wearable breast pumps ay magkakasya sa lahat ng mga babae. Kaya mahalagang suriin ang sukat nito bago bumili. Maghanap ng isang produkto na may iba’t-ibang sizes upang matiyak na mayroong bagay para sa iyong dibdib.
- Tandaan na ang tamang presyo ay hindi palaging nangangahulugan ng magandang kalidad.
Mahalaga na magkaroon ka ng balanse sa pagitan ng presyo at kalidad ng wearable breast pump. Hindi mo naman kailangan ng sobrang mamahaling produkto kung mayroong magandang alternatibo na mas abot-kaya.Hindi rin maganda kung bibili ka ng mura pero may mga depekto dahil mapipilitan ka lang bumili ulit.
- Dapat maganda ang quality ng breast pump at mayroong magandang customer feedback.
Mahalagang suriin ang mga review ng iba upang malaman kung may mga problema ang wearable breast pump. Kung marami ang mga positibong review, malamang na maganda ang quality ng produkto.
Ang Mga Paborito Naming Wearable Breast Pump
Kami ay nag-try ng iba’t-ibang mga wearable breast pump upang malaman kung alin sa mga available ngayong ang pinakasulit. Narito ang ilan sa aming mga top picks:
Best Wearable Breast Pump
Features We Love
- may tatlong intelligent modes at 12 na intensity levels
- gawa sa food-grade at BPA-free na materyales
- kayang mag-hold ng 180ml ng breast milk
Ang Mama’s Choice Wearable Breast Pump ay perfect para sa busy mamas na nais mag-express ng gatas ng kanilang anak kahit saan at kailanman. Ito ay may dalawang intelligent modes at siyam na intensity levels na mag-a-adjust depende sa kagustuhan ng inang nagpupump.
Bukod pa dito, ito ay gawa sa food-grade at BPA-free na silicone material at may dalawang silicone pads para mag-fit sa lahat ng mga mama. Mayroon ding soft silicone breast shield na nakakatulong para maiwasan ang milk leakage.
Ang flange size nito ay 24/27mm at kayang mag-hold ng 180ml ng breast milk — sapat upang makakolekta ng tamang dami ng breast milk sa isang session.
For even more savings, get the Mama’s Choice Hands-Free Pumping Bundle which comes with this Wearable Breast Pump and a box of Breast Milk Storage Bag for only Php2,599!
Swety Handsfree Wearable Breast Pump
Features We Love
- nafo-fold rin ito at puwedeng ilagay sa ibabaw ng baby bag o stroller
- may 1200 mah lithium battery
- p’wedeng magamit ang breast pump na ito ng 40-210 beses sa loob ng isang araw
Magandang produkto ang Swety Handsfree Wearable Breast Pump para sa mga nanay na palaginng umaalis ng bahay dahil magaan at portable gamitin. Nafo-fold rin ito at puwedeng ilagay sa ibabaw ng baby bag o stroller.
Higit pa d’yan, ang breast pump na ito ay may 1200 mah lithium battery na maaring magamit ng hanggang limang beses sa isang buong charge. Maari itong icharge gamit ang Type C charger.
Gusto rin namin na p’wedeng magamit ang breast pump na ito ng 40-210 beses sa loob ng isang araw.
Dr. Isla EB15 Wearable Breast Pump
Features We Love
- may tatlong mode na pwede mong i-adjust base sa iyong kagustuhan
- may 9 levels ng vacuum pressure
- mayroong low noise na 45db – 50db
Malaking tulong ang Dr. Isla EB15 Wearable Breast Pump para sa mga nahihirapan maghanap ng oras para mag-pump ng gatas. P’wede itong gamitin kahit nasa byahe ka man, nagtatrabaho, nagluluto, o ano pa man.
Meron itong tatlong mode na pwede mong i-adjust base sa iyong kagustuhan. May 9 levels din ng vacuum pressure na pwedeng pagpilian.
Hindi mo na rin kailangan pang mag-alala sa ingay dahil ito ay mayroong low noise na 45 db – 50db lang. At dahil sa malaking milk storage capacity nito na 200ml, hindi mo na kailangang mag-alala kung saan mo ilalagay ang iyong napump na gatas.
Imani i2 Plus
Features We Love
- maliit at magaan na wearable breast pump
- mayroong LED display na nagpapakita ng battery life, mode of use, timer at suction level
- mayroong libreng charging dock
Ang Imani i2 Plus ay isang maliit at magaan na wearable breast pump. Gusto namin na p’wede itong isuot sa ilalim ng bra habang nagpupump nang walang kahirap-hirap.
Ang mga nanay ay mas magkakaroon ng kontrol sa kanilang pumping session dahil mayroong LED display na nagpapakita ng battery life, mode of use, timer at suction level. Mayroon ding memory function, pause function, at backflow prevention design para sa karagdagang kaligtasan at kaginhawaan ng mga nanay.
Ang charging dock ay nagbibigay ng isang malinis na lugar para mag-charge ng dalawang motors nang sabay-sabay. Maganda rin na sa bawat pagbili ng Imani i2 Plus pair ay mayroong libreng charging dock.
EvianAngel Wearable Breast Pump
Features We Love
- mayroong 1200 mah lithium battery
- kailangan lang ng dalawang oras para punuin ang charge
- may kasamang wide-neck na bote at digital display touchscreen
Ang EvianAngel Wearable Breast Pump ay isang must-have para sa mga nanay na palaging busy. Ito ay maliit at magaan kaya madaling isuot sa ilalim ng damit para sa tunay na hands-free na karanasan.
Mayroon itong 1200 mah lithium battery, na maaring gamitin ng hanggang limang beses kapag puno na ang charge — bagay sa mga kailangang mag-travel. Madaling mag-charge gamit ang Type-C charging port, at kailangan lang ng dalawang oras para punuin ang charge.
Ang sukat ng breast shield ay 24mm, at may kakayahang maglagay ng 5oz (180ml) sa bote. May kasamang wide-neck na bote at digital display touchscreen, na nagbibigay sa’yo ng pagpipilian sa pag-adjust ng lakas at bilis ng suction na gusto mo.
Boboduck Handsfree Electric Wearable Breast
Features We Love
- may kasamang mga accessories kapag binilil
- gawa sa PPSU ang baby bottles
- gawa sa superior antibacterial nanosilver silicone ang flange
Ang Boboduck Handsfree Electric Wearable Breast ay isang tool para sa pagpapadede na maaring isuot sa katawan ng mga nanay na maraming ginagawa. Gusto namin na may kasama nang dalawang wearable milk collector, sampung milk powder storage bag, sampung ziplock breast storage bag, at iba pa kapag bumili ka nito.
Bukod dito, gawa ito sa PPSU na inangkat mula sa Alemanya. Habang ang flange naman ay gawa sa superior antibacterial nanosilver silicone.
Maaring itong gamitin kahit saang posisyon, kahit na nakahiga ng 45 degrees. Hindi rin ito nakakaleak ng gatas dahil sa magandang fit nito sa dibdib.
Magaan lamang ito at may timbang na 335 g lamang — madaling dahilhin kahit saan.
Sana ay nakatulong kami sa’yo, mama!
READ MORE
A Guide for Breastfeeding Moms: Best Breast Pump Brands in PH
Best manual breast pump brand sa Philippines at mga gabay sa pagpili
The Best Breast Milk Storage Bags in the Philippines