5 tips para maging mas masarap ang iyong mga orgasms

lead image

Hindi maitatanggi na masarap ang pagkakaroon ng orgasm. Ngunit alam niyo ba na mayroong mga tips upang magkaroon ng better orgasm?

Pagdating sa usapin ng sex, hindi maitatanggi na masarap ang pagkakaroon ng orgasm. Ngunit alam niyo ba na puwede pa itong maging mas masarap? Mayroong mga tips na makakatulong, lalong-lalo na sa mga misis, upang magkaroon sila ng better orgasm.

Makakatulong ang mga tips na ito para maging mas intimate ang mga mag-asawa, at upang mapabuti ang kanilang sex life.

Better orgasm tips para sa mga misis

1. Pagbutihin ang inyong communication

Alam niyo ba na malaki ang papel ng communication pagdating sa mas masarap na orgasms? Ito ay dahil importanteng ipaalam mo kay mister kung anu-anong mga posisyon ang gusto mo sa kama, at kung anong mga bagaya ang ginagawa niya ng tama o mali.

Hindi dapat mahiya pagdating sa ganitong mga usapan, dahil normal lang ito, at mabuti sa inyong pagsasama. Kaya't ugaliing ipaalam kay mister ang iyong mga turn-ons, at siguradong magkakaroon ka ng better orgasm.

2. Maging confident sa iyong katawan

Ang isa pang malaking problemang kinakaharap ng ilang mga misis ay ang kawalan ng confidence sa kanilang katawan. Madalas ito ay dahil nagbago ang kanilang katawan matapos manganak, kaya bumababa ang confidence levels nila.

Ngunit mahalagang mahalin ng mga nanay ang kanilang sarili, at huwag masyadong magfocus sa beauty standards ng iba. Tandaan, ikaw ay may sariling ganda, at lumalabas ito lalo kapag komportable ka sa iyong sarili.

3. Dagdagan ang iyong focus

Mahalaga ang pagfofocus kapag mayroon kang ginagawa. At pati na rin sa sex, importante ang pagkakaroon ng focus. Kung ikaw ay madalas na problemado, distracted, o kaya kung anu-ano ang iniisip, siguradong mas mahihirapan ka magkaroon ng orgasm, o kaya hindi ganung ka-satisfying ang magiging orgasm mo.

Kaya importante ang pagkakaroon ng focus kapag nagse-sex kayo ni mister, upang mas mabigyang pansin mo ang inyong ginagawa.

4. Makipag-flirt kay mister

Hindi porke't kasal na kayo ni mister ay hindi na kayo puwedeng mag-flirt sa isa't-isa! Puwede kang mag-send sa kaniya ng mga naughty na texts, o kaya ay lambingin mo siya kapag nasa bahay kayo.

Nakakatulong ang ganitong mga bagay upang hindi mawala ang init ng pagsasama, at mapanatili ang intimacy sa inyong dalawa.

5. Mag-focus rin sa inyong relasyon

Ang pinakahuling tip ay ang pagfofocus sa relasyon ninyong mag-asawa. Huwag itong pabayaan, at huwag rin hayaan na maging "boring" o routine ang inyong pagsasama. Mahalagang makipaglambing kay mister, at huwag hayaang mawala ang init ng inyong samahan, dahil makakadagdag ito sa sarap ng inyong sex life.

 

Source: Women's Health

Basahin: 8 sex tips to last longer in bed

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!