Mongolian blue spots sa sanggol: Mahalagang kaalaman

lead image

Alamin ang mga karaniwang birthmarks ng mga babies at kung anong maaaring ibig sabihin ng mga ito...

Ang mga bagong panganak na sanggol ay hindi naman laging flawless ang balat. Marami rin silang posibleng skin problems, tulad ng dry skin, pamamalat, o acne. Isa rin dito'y Mongolian blue spots, balat o birthmarks, na maaaring nakakabahala para sa mga magulang.

Ang balat o birthmarks ay pangkaraniwan naman. Pero minsan, nag-aalala ang mga magulang dahil dito, lalo na kung kakaiba an itsura at kulay na ito.

Sa article na ito, malalaman niyo ang importanteng impormasiyon tungkol sa birthmark na Mongolian blue spots. 

Balat ng Baby: Ano ang Mongolian Blue Spots?

Tinatawag ding slate gray nevi o dermal melanocystosis, ang Mongolian blue spots ay uri ng pigmented birthmark ng baby. Ang mga ito ay bluish-gray ang kulay, pero maaari ding maging sobrang dark o light gray. Kadalasan ay iisa lamang ang kulang ng buong birthmark. 

Ang Mongolian blue spots ay iba-iba ang laki, pero kadalasan ito ay konting sentimetro lamang. Flat lamang sila at di maumbok. 

Kadalasan, nakikita ang birthmark ng baby na ito sa puwet o lower back. Pero puwede din naman itong mapansin sa braso at binti ni baby. 

Maaaring andyan na ang birthmark ng baby pagkapanganak pero puwede rin naman malipas ang ilang araw pa ito lumabas. 

Ano ang sanhi ng Mongolian Blue Spots?

Habang nasa sinapupunan pa si baby, ang mga cells na bubuo ng kaniyang balat ay umaalsa. Ayon sa mga eksperto, ang tinatawag na dermal melanocyte ay umaangat sa top layer ng balat sa ika-11 o 14th week ng pagbubuntis.  Kadalasa'y nawawala ito sa ika-20 week ng pagbubuntis.

Kapag hindi ito nawawala, nagiging birthmark, o Mongolian blue spots ito. Dahil na-trap sila sa layer ng balat, kaya bluish-gray na ang kulay nito. 

Madalas ang birthmark na ito ay nakikita sa bata mula sa Asia, Middle East, African o kids of Mediterranean descent. Nangyayari ito sa 75% ng babies mula sa ganitong lahi. Bihira naman ito sa mga batang galing sa Europe. Maaari ito mangyari sa babae man o lalaki pero mas madalas daw ito sa mga baby boys, pero hindi pa klaro kung bakit. 

Mga alamat tungkol sa Mongolian Blue Spots

Ayon sa alamat sa Korea, ang Mongolian blue spots daw ay lumalabas kapag ang isang shaman na ispirito ay pinapalo ang baby sa puwet para lumabas na ito sa sinapupunan. Sa China naman, ang balat ng baby na ito ay tinatawa na "taiji" at nangyayari daw kapag pinapalo ng Diyos ang bata bilang panimula sa buhay.

Ang Japan naman ay may sariling paniniwala. Ayon sa alamat nila, ang balat ng baby na ito ay "asshirigaaoi" o "blue bottom" at nangyayari kapag nagtatalki ang mag-asawa habang pinagbubuntis ni mommy ang bata. 

Dapat bang mabahala dahil sa Mongolian Blue Spots? 

Para sa mga ibang magulang, maaaring nag-aalala sila kapag nakikita nila itong balat ng baby dahil mukha silang pasa o kung ano pa mang sintomas. Pero huwag mabahala, mga mommies at daddies, dahil hindi ito hudyat ng malubhang sakit tulad ng kanser o ano pa man. 

Paminsan-minsan, maaaring mapagkamalan pa itong spinal condition na spina bifida occulta. Pero ayon sa Spina Bifid Association, ang mga markang ito ay namumula at hindi tulad ng bluish-gray na Mongolian blue spots. 

Madalas, nawawala rin nang kusa ang Mongolian blue spots kapag five years old na ang bata. Para sa iba, maaaring matagalan pa, minsan kapag teengaer na sila. 

Minsan naman, ang Mongolian blue spots ay maaaring hudyat ng sakit sa metabolismo, pero bihira lamang ito. 

Kumunsulta sa doktor kapag ang iyong baby ay magkaroon nito pagpanganak para makasigurong ito nga ang kondisyon nila. Para na rin malaman ang mga options kung magtagal man ang balat ng baby hanggang sa lumaki na siya. 

Bakit kailangan kunan ng pictures ang balat ng baby?

Gaya ng sinabi kanina, ang Mongolian blue spots ay maaaring mapagkamalang pasa o "spank marks." Ang mga maalagang teachers o yaya maaaring matakot na sign ito ng abuse kaya mas mabuti nang makasiguro at idokumento ito. 

Itago ang mga larawang ito at ipakita kapag kinakailangan para maiwasan ang misunderstandings. Maaari rin itong maging useful para ma-monitor mo ang anumang pagbabago sa balat ng baby. 

Ipagbigay alam sa doktor if magbago man ang kulay o itsura nitong balat ng baby.

Isinalin sa wikang Filipino mula sa orihinal na Ingles ni Bianchi Mendoza.

sourcesIndian Journal of Dermatology, Venereology and LeprologyMedlinePlus, Healthlinegosh.nhs.uk

Featured image from Stanford Medicine (Janelle Aby)

BASAHIN: Eczema sa mga bata: 10 bagay na dapat malaman tungkol sa sakit sa balat na ito

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!