Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

undefined

Alamin dito sa aming guide kung anu-anong mga gamot ang posibleng makaapekto sa bisa ng birth control pills na iyong iniinom.

Ang contraceptive pills ay isa sa pinaka-epektibong paraan ng contraception. Ngunit bukod sa pagsunod sa tamang pag-inom nito, alam niyo bang mahalaga rin na umiwas sa ilang mga gamot na nakakawala ng bisa ng birth control pills?

Anu-ano nga ba ang mga gamot na ito, at ano ang iba pa nilang epekto sa birth control pills? Ating alamin.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Mga gamot na nakakabawas sa bisa ng birth control pills

Antibiotic

Karamihan ng mga antibiotic ay wala namang epekto sa bisa ng birth control pills, kaya’t okay lang na uminom ka nito.

Ngunit ang gamot na rifampin, na isang antibiotic na ginagamit sa paggamot ng tuberculosis, ay nakakaapekto sa iyong menstrual cycle. Kaya’t kung inumin mo ang rifampin kasabay ng birth control pills, posibleng mabawasan ang bisa ng iniinom mong pills.

Kung kailangan mong uminom ng rifampin, mabuting gumamit na lang ng condom o iba pang paraan ng birth control. 

Gamot anti-HIV

Ang mga sumusunod na gamot, na ginagamit para sa HIV, ay nakakaapekto rin sa birth control pills:

  • Darunavir (Prezista)
  • Efavirenz (Sustiva)
  • Lopinavir/ritonavir (Kaletra)
  • Nevirapine (Viramune)

Anti-fungal na gamot

Ang anti-fungal medicine na mayroong griseofulvin at ketoconazole ay posibleng makabawas sa bisa ng mga birth control pills. 

Pero mayroon pa ring mga research na nagsasabing hindi naman malaki ang epekto nito. Kaya’t para siguradong safe, mabuting magpakonsulta muna sa iyong doktor bago ka gumamit ng ganitong mga gamot.

Anti-seizure na gamot

Ang mga sumusunod na gamot ay nakakaapekto sa mga hormones na nasa loob ng birth control pills. Dahil dito, posibleng mabawasan ang kanilang bisa.

  • Carbamazepine (Carbatrol, Epitol, Equetro, Tegretol)
  • Felbamate (Felbatol)
  • Oxcarbazepine (Trileptal)
  • Phenobarbital (Luminal)
  • Phenytoin (Dilantin, Phenytek)
  • Primidone (Mysoline)
  • Topiramate (Topamax)

Ang ibang paraan ng contraception, tulad ng paggamit ng condom at IUD ay mas mabuting gamitin kung kailangan mong uminom ng anti-seizure na gamot.

Halamang gamot

Pati ang ilang mga halamang gamot ay posibleng makaapekto sa bisa ng mga birth control pills. Ito ay dahil ang ilan sa mga halamang ito ay mayroong kemikal na nakakaapekto sa mga hormones ng katawan at sa birth control pills.

Isa na rito ang St. John’s Wort, na isang halamang ginagamit sa mild depression at mga sleeping disorders.

Heto pa ang ilang halamang gamot na dapat iwasan:

  • Saw palmetto
  • Alfalfa
  • Garlic
  • Flaxseed

Ang dapat palaging tandaan ay magpakonsulta sa iyong doktor bago sumubok ng bagong gamot. Ito ay para masigurado mong walang side effect ang gamot na ito sa iniinom mo na contraceptive pills.

Mainam din na may backup contraceptive tulad ng condom kung sakaling kinakailangan mong uminom ng gamot na nakakawala ng bisa ng birth control pills.

 

Source: WebMD

Basahin: Anu-ano ang iba’t ibang klase ng contraceptives?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!