Bleeding o spotting: Ano nga ba ang panganib nito sa nagbubuntis

Share this article with other moms

Alamin kung kailan normal at kung kailan dapat ikunsulta agad sa iyong doktor ang pagdurugo habang buntis.

Lahat ng uri ng pagdurugo ay nakakapag-alala, lalo pa’t ikaw ay nagdadalantao. Bakit nga ba may spotting? Ito ba ay life-threatening kay baby?

Kahit na gaano kaliit na patak ng dugo, ang unang iniisip ni Nanay ay ang pagkalaglag o miscarriage. Ang tinatawag na light vaginal bleeding ay maaaring sanhi ng maraming dahilan.

Ano ang spotting?

Ito ay ang mahina o patak lamang na dugo, karaniwang sa unang mga buwan ng pagbubuntis, o sa pagitan ng buwanang dalaw. Kulay kape o di kaya’y di gaanong mapula, bagamat ang matinding spotting ay karaniwang mapulang mapula. Hindi ito tuloy-tuloy, katulad ng mensturation.

Ang good news: Ang spotting o magaan na pagdurugo ay madalas na HINDI naghuhudyat ng panganib sa bata o sa inang nagbubuntis. Karaniwang nararanasan ito ng isa sa bawat limang ina, lalo na kung aktibo sa pagtatalik, o di kaya’y may impeksiyon o sugat sa vaginal wall, na walang kinalaman sa sanggol o sa pagbubuntis. "Ang majority ng bleeding o spotting ay hindi naman mapanganib," paliwanag ni nurse Dianne Cortes, RN.

Kung sa unang 2 linggo ng inaakalang pagbubuntis

Kung may pink o brown na patak ng dugo at inaakalang ikaw ay buntis na, ito ay maaaring implantation bleeding o hudyat ng pagbubuntis. Nangyayari ito kapag ang sperm at ang itlog ng babae ay nagtagpo na, at naganap na ang fertilization—nabuo na ang embryo. Nagkakaron ng pagdurugo kapag kumapit na ang embryo sa uterine wall. Ito ay nangyayari mula sa ika-6 hanggang ika-12 araw ng conception, at kadalasang akala ay buwanang dalaw pa rin.

Wala itong panganib at hindi dapat ikabahala. Sabi ni nurse Dianne, "Kung may [heavy] bleeding at may kasamang pananakit, kailangang kumunsulta at magpatingin agad sa OB-Gyne dahil maaaring ectopic pregnancy ito." Ang ibang sintomas ay lagnat, cramps, at chills o ramdam na sobrang ginaw.

photo: dreamstime

Ano pa ang mga sintomas na dapat ikabahala?

Sa unang 20 linggo

  • Subchorionic hemorrhage o pagdurugo sa paligid ng placenta. Posible pa rin ang pagtutuloy ng pagbubuntis sa kabila ng ganitong pagdurugo, ngunit susi ang pagpapatingin at pagpapagamot ng maagap.
  • Chemical pregnancy o ang pagkakaron ng feritlized egg ngunit hindi ito tuluyang kumapit sa uterus.
  • Miscarriage o pagkalaglag ng bata sa sinapupunan. Kung ito ay miscarriage, may kasamang ibang sintomas tulad ng paninigas at labis na pananakit ng tiyan o abdominal pain.
  • Ectopic pregnancy ay ang pagkapit ng fertilized egg sa labas ng uterus, kadalasan sa fallopian tube kaya’t tinatawag na tubal pregnancy. Hindi maaaring magtuloy ang pagbubuntis, lalo’t may panganib ito para sa kalusugan ng ina.
  • Molar pregnancy o isang nonviable pregnancy dahils sa abnormal growth sa placenta, o kadalasan ay isang abnormal fetus.

Sa huling 20 linggo

Sa huling trimester ng pagbubuntis, hindi na malaki ang risk ng miscarriage at halos lahat ng mga nabanggit na komplikasyon sa unang 20 linggo ng pagbubuntis ay hindi na panganib, tulad ng ectopic at molar pregnancy). Ngunit kapag may spotting o pagdurugo sa panahon ng huling trimester, dapat magpatingin kaagad sa doktor.

Ang ilang sanhi ng pagdurugo sa huling 20 linggo ay pagtatalik at mga cervical check up ng OB-Gyne, na hindi dapat ikabahala. Maaari ding sanhi ito ng placenta previa, kung saan ang placenta ay nakatakip sa cervix. Ang placental abruption o paghiwalay ng placenta mula sa uterine wall ay sanhi din ng malalang pagdurugo na mapanganib para sa bata at sa ina.

Ayon sa Department of Health, ang placental abruption ang isa sa pinakakaraniwang sanhi ng pagdurugo sa huling trimester ng pagbubuntis. Ito ay isang rare condition, at nangyayari lamang sa isang porsyento ng kabuuang bilang ng mga nagbubuntis.

Kapag ang pagdurugo ay may kasamang contractions, diarrhea, pelvic pressure, at pananakit ng likuran, maaaring ito ay hudyat ng preterm labor, lalo kung wala pang 37 linggo ang pagbubuntis.

TANDAAN:

Ang kahit anumang spotting o pagdurugo kapag nagbubuntis ay maaaring sanhi o sintomas ng isang mas malaking problema, kaya’t mahalagang kumunsulta agad sa doktor. Isulat kung maaari, para matandaan lahat ng naramdaman o naranasang kondisyon upang masabi sa doktor.

sources: Dianne Gakit-Cortes, RN, Department of Health, Pregnancy: The Ultimate Week-by-Week Pregnancy Guide ni Laura Riley, M.D., U.S. National Library of Medicine. Medline Plus. Bleeding in Early Pregnancy

BASAHIN: Itanong kay Dok: Mga dapat na alamin kapag nagbubuntis

Sign up for the

Your weekly Pregnancy guide

Receive weekly personalized updates on your pregnancy! More details on the Plus One here

Pregnancy Health Pregnancy Pregnancy signs & symptoms Pregnancy Concerns