Breast milk storage bag ang hanap mo? Narito ang ilan sa mga brands na ginagamit ng mga Pinoy mommies.
Breast milk storage bags na ginagamit ng mga Pinoy mommies
6 Best Breast Milk Storage Bags
Una sa aming listahan ang Mama’s Choice Breastmilk Storage Bag. Ito ang iyong best choice sa pag-store, freeze, at retain ng nutrients ng iyong breastmilk. Ito ay gawa sa food grade at BPA-free materials.
Ang size nito ay saktong sakto para sa isang feeding dahil ito ay 120ml. Siguradong safe din ito dahil ito ay may Advanced Oxygen Barrier na nakakatulong sa pag-retain ng sustansya ng iyong breast milk. May double zipper ito para maiwasan ang pag-tulo.
Ang maganda din dito, ito ay may thermal sensor para malaman mo kung ang gatas ay nasa tamang temperatura at pwede nang ibigay kay baby. Madali rin itong i-organize dahil maaari itong itayo o ihiga.
Gawa ito sa makapal at matibay na materyal kaya hindi mo kailangan mag-alala kapag naiwan sa freezer.
2. Lansinoh
Isa sa brand ng breast milk storage bag na available dito sa Pinas ay ang Lansinoh. Ito ay may double zipper seal na sinisigurong hindi magleleak ang breast milk na nasa loob nito. Ito rin ay presterilized na at BPA at BPS free narin.
Maari ring mag-pump ng deretso sa breast milk storage bag na ito. Gawin ito sa tulong ng Lansinoh breast pumps na kung saan maari mong i-attach sa expression set at mag-pump dito ng gatas ng deretso. Kung ibang pump naman ang gamit ay may Lansinoh adapters naman ang maaring bilhin upang magawa ito.
May bigger bag sizes rin ang Lansinoh breastmilk storage bag na perfect kung lumalaki na ang iyong baby.
Hindi nga lang tulad ng ibang breast milk storage bags ay kailangan mong punitin ang ibabang bahagi ng storage bag na ito upang mabuksan. Gawa lang din ito sa manipis na recyclable plastic-like material kaya naman hindi ito maipwepwesto ng nakatayo sa refrigerator o habang nilalagyan ng gatas.
3. Dula
Ang isa pang breast milk storage bag na ginagamit ng maraming Pilipinong ina ay ang Dula. Ito ay pre-sterilized bags na mayroon ring double zipper seal design. May protective oxygen barrier rin ito at self-standing kaya mas madaling i-store at gamitin.
Kumpara sa ibang breast milk storage bag ay gawa sa makapal na material ang Dula. Kaya naman mas madali itong hawakan lalo na kapag inililipat sa feeding bottle ang gatas mula rito. Pero dahil nga lang sa kapal ng material nito ay matakaw ito sa space kapag ini-store na.
4. Honeysuckle
Ang Honeysuckle storage bag ay presterilized din, leak proof, recyclable at BPA free. Para mas masiguro ngang safe ang iyong liquid gold sa loob ng breast milk storage bag na ito ay mayroong ResQ Bag na kasama ang bawat pakete nito. Self-standing din ito at maari ding mapaglagyan ng iyong breast milk ng deretso habang nagpupump.
Kung ikukumpara sa ibang breastmilk storage bag ay mas mukhang durable ang Honeysuckle at mas makapal ang zip lock portion nito ng tulad sa mga resealable sandwich bags.
5. SunMum
Isa pa sa recommended breast milk storage bag ng mga Pinoy mommies ay ang SunMum. Dahil maliban sa affordable ay durable din ito.
Manipis man ang material ng SunMum ay may triple zipper safety lock ito kaya hindi nagleleak ang gatas kahit na ito ay nalaglag o nakapahiga. Self-standing rin ito na madaling lipatan ng gatas at i-store.
Mayroon din itong designated area na kung saan pwedeng sulatan ng name, date, time at volume ng breast milk.
Gawa ang SunMun sa 100% pure polyethylene plastic na BPA free at pre-sterilized gamit ang Gamma Ray sterilization process.
6. Spectra
Ang Spectra breast milk storage bags tulad ng iba pa ay leak proof narin. Makapal ang plastic nito na nagpapadali na ito ay hawakan at isalin ang laman.
Self-standing din ito pero pwede ring ilagay pahiga sa refrigerator.
Ito ay pre-sterilized narin at gawa sa polyethylene plastic na BFA free rin.
Marami pang brand ng mga breast milk storage bags ang mabibili dito sa Pilipinas. Karamihan nga sa mga ito ay maaring orderin online na mas madali para sa mga nagpapasusong ina.
Ikaw mommy anong, breast milk storage bag ang gamit mo? I-share mo naman sa amin ang naging experience mo at tulungan natin ang ibang mommies sa pagpili ng tamang storage bag para sa kanilang napakahalagang gatas.
READ MORE:
Basahin: 6 karaniwang rason kung bakit hindi nagiging successful ang pag-breastfeed