Bukol sa mukha ng isang batang babae inaasahang matatanggal ng Sclerotherapy!

Alamin ang pinaniniwalaang paraan para matanggal ang bukol sa mukha ng isang bata.

Bukol sa mukha ng isang bata pinaniniwalaang matatanggal ng isang ground-breaking treatment na kung tawagin ay Sclerotherapy.

Treatment para sa bukol sa mukha ng isang bata

Image from DailyMail UK

Batang may bukol sa mukha

Nasa tiyan pa lang ng kaniyang ina ay nakita na sa ultrasound ang namumuong bukol sa mukha ni Olivia Chicchon mula sa Lodi, California.

Ang payo ng mga doktor noon sa mga magulang niya ay hindi na ipagpatuloy ang pagbubuntis dahil sa maaring maging epekto nito sa buhay niya.

Ang bukol sa mukha niya daw na ito ay isang teratoma, isang uri ng tumor na maaring maging cancerous.

Ngunit hindi nakinig ang mga magulang ni Olivia at kumuha ng second opinion mula sa ibang doktor.

Mula noon ay nagdesisyon ang mga magulang ni Oliva na ipagpatuloy ang pagbubuntis sa kaniya.

Para maipanganak siya ng ligtas ay sumailalim sa isang complicated surgery ang ina ni Olivia na kung tawagin ay EXIT procedure.

Sa pamamagitan ng EXIT procedure na kahalintulad ng caesarian section delivery ay isinilang si Olivia na hindi nagiging hadlang ang bukol sa mukha niya.

Treatment para sa bukol sa mukha ng isang bata

Image from DailyMail UK

Lympathic malformation

Ang bukol sa mukha ni Olivia ay tinatawag na lymphatic malformation o cystic hygromas. Ito ay koleksyon ng maliliit na cysts na madalas na lumalabas sa ulo o leeg ng isang tao.

Ang mga cysts na ito ay puno ng clear fluid na tulad ng makikita sa paltos.

Bagaman tila tubig lang ang laman, ang mga cysts na ito ay maaring magdulot ng seryosong problema.

Ito ay nabubuo kapag ang mga lymph vessels ay hindi nabuo ng tama na nangyayari sa unang linggo palang ng pagbubuntis.

Ang cystic hygromas ay nadedetect sa pamamagitan ng pregnancy scans o ultrasound at ito ay hindi maiiwasan.

Sclerotherapy: Treatment na makakatanggal sa bukol sa mukha ni Olivia

Sa ngayon ay may isang “ground-breaking” treatment ang pinaniniwalaan ng mga doktor na makakatanggal ng bukol sa mukha ni Olivia. Ito ay ang sclerotherapy.

Ayon sa Healthline, ang sclerotherapy ay isang minimally invasive procedure na ginagamit para gamutin ang mga varicose veins at spider veins. Maliban sa binabawasan nito ang appearance ng varicose veins o spider veins, ay binabawasan rin nito ang sakit at side effects na dinudulot ng nadamage na ugat.

Para sa kaso ni Olivia, itinuturing ang sclerotherapy bilang standard option na pinaniniwalaang mas maganda kaysa sa surgery. Ito ay dahil mas nagdudulot daw ito ng less scarring o peklat at nagpapababa ng tiyansa ng bukol na bumalik ulit.

Umaasa naman ang mga magulang ni Olivia na sina Ivan and Teresa Chicchon na ito ang treatment na makakaalis sa bukol sa mukha ng kanilang anak.

Sabi ng mga magulang niya, “If Olivia can get it, her life could be changed before she grows up to realise she is ‘different’ from other children. But at the same time, if there is treatment out there that’s going to help her, we’d rather do it now than wait and have it affect her more in the future.”

Ang sclerotherapy ay isasagawa kay Olivia sa pamamagitan ng pag-iinject ng gamot sa bukol niya sa mukha gamit ang karayom. Sa tulong ng gamot ay maiirritate at mamaga ang malformation na huhupa at kusang mawawala.

Ang sclerotherapy ay itinuturing na pinaka-the best treatment option sa lymphatic malformations.

Sa ngayon ay hinihintay parin ng mga magulang ni Olivia kung anong treatment ang dapat gawin sa kaniya.

Kwento ni Mr. Chicchon, “The doctors need an updated MRI and we can go from there, whether it be Sclerotherapy or a bigger surgery. The sclerotherapy is more conventional, but it’s ground-breaking in the sense that they do everything guided through a needle.”

Sa kaso ni Olivia, ang sclerotherapy ay unti-unting gagawin sa loob ng tatlong buwan na kung saan i-adjust rin ang amount ng gamot depende sa pangangailangan niya.

Treatment para sa bukol sa mukha ng isang bata

Image from DailyMail UK

Ngunit positibo ang mga magulang ni Olivia. Naniniwala sila na sa pamamagitan ng treatment na ito ay mawawala na ang bukol sa mukha ng kanilang anak. At mabubuhay na ito ng maayos na hindi ikinahihiya o iniisip ang bukol sa mukha niya.

Source: DailyMail UK, Healthline

 

 

 

 

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!