Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay
Dapat bang mabahala ang mga magulang kapag mayroong butas sa puso ang kanilang sanggol? Mayroon bang gamot para sa ganitong karamdaman?
Hindi biro ang mamatayan ng isang anak. Para sa mga magulang, ito na siguro ang pinakamasakit na posibleng mangyari sa kanila. Ngunit paano kung ang anak na inakala mong namatay ay biglang nabuhay? Ito na nga ang nangyari sa isang sanggol na may butas sa puso.
Himalang nabuhay ang sanggol na may butas sa puso
Ang sanggol na si Ramaya Wilkinson ay ipinanganak na premature. 28 na linggo lang siya nang kinailangang magkaroon ng emergency C-section dahil tumigil daw ang paggalaw niya sa tiyan ng kaniyang ina.
Matapos nito ay hindi pa rin agad nahawakan ng ina ng bata na si Emma Burns ang kaniyang anak dahil nagkaroon si Emma ng sepsis. Dahil dito, 3 linggo ang hinintay ng ina bago mahawakan ang kaniyang sanggol.
Ngunit nang dumating na ang panahon para magkita si Ramaya at ang kaniyang ina, bigla na lang raw nanlambot at namatay ang bata.
Sinabi ni Emma na nabigla daw siya sa pangyayari at napasigaw sa takot at pag-aalala sa anak. Dali-dali namang pumunta ang mga doktor at sinubukang buhayin si Ramaya. Sa kabutihang palad ay na-revive din nila ang bata, ngunit kinailangan siyang ikabit sa mga machine.
Bakit siya biglang namatay?
Napag-alaman ng mga doktor na si Ramaya ay mayroong kondisyon na apnea. Ito ay isang karamdaman kung saan bigla na lang tumitigl ang paghinga ng bata. Nalaman din nila na mayroong butas sa puso ang sanggol.
Dahil dito, kinakailangan ng linggo-linggong checkup sa doktor upang masiguradong ligtas si Ramaya. Sa kabutihang palad ay wala naman nang masamang nangyari kay Ramaya.
Bagama’t may problema sa pandinig ang isa niyang tenga at nahihirapan daw siyang makakita, masaya pa rin ang kaniyang pamilya na siya ay nabuhay. Lalo na at dalawang beses nang namatayan ng anak si Emma bago ipanganak si Ramaya.
May sakit din ang kaniyang ina
Maituturing na isang himala ang pagkapanganak kay Ramaya. Ito ay dahil para kay Emma, lubhang mapanganib ang pagbubuntis.
Mayroon siyang sakit na kung tawagin ay antiphospholipid syndrome na nagiging sanhi ng blood clots, at pagkakaroon ng miscarriage.
Nirekomenda pa raw ng doktor na ipalaglag daw niya si Ramaya nang ipinagbubuntis pa ito. Dahil daw posibleng magkaroon siya ng miscarriage, at mapanganib rin ang pagbubuntis para sa kaniya. Ngunit nagpursigi si Emma at naipanganak din niya ang kaniyang sanggol.
Dahil sa kaniyang kondisyon, dalawang beses na rin namatay ng sanggol si Emma. Kaya’t para sa kanilang pamilya, isang tunay na biyaya si Ramaya para sa kanilang lahat.
Butas sa puso, dapat bang ikabahala?
Ang pagkakaroon ng butas sa puso ay isang uri ng tinatawag na congenital heart defect o depekto sa puso na pagkapanganak pa lamang ay naroon na.
Kadalasan hindi naman dapat ikabahala ang butas sa puso, dahil posible naman itong magsara habang lumalaki ang bata. Pero kinakailangan pa ring uminom ng gamot para dito.
Para naman sa ibang mas malalang kaso, kinakailangang operahan ito ng doktor. Madalas ay ginagawa ito habang bata pa upang maagapan agad ang karamdaman.
Hindi ito dapat ikabahala ng mga magulang, basta’t sundin lang nila ang payo ng cardiologist at alagaang mabuti ang kalusugan ng kanilang anak.
Source: Daily Mail
- Butas sa tenga naging sanhi ng malalang impeksyon ng isang bata
- Nanay, inatake sa puso dahil hindi masagot ng anak ang math homework
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."