Butlig sa ari o genital herpes: Sanhi, sintomas at lunas

lead image

May nakakapang butlig sa ari? Narito ang dahilan at paraan para malunasan ito.

Butlig sa ari o genital warts, ano ang dahilan ng pagkakaroon nito at paano ito malulunasan?

Sanhi ng butlig sa ari o genital warts

Ang pagkaroon ng butlig sa ari o genitals warts ay sexually transmitted infection (STI) dulot ng human papillomavirus (HPV) na maaring tumama sa lalaki man o babae.

Ito ay maaring magdulot ng pain, discomfort o itching sa kung sinumang mayroon nito.

Naihahawa ito sa pamamagitan ng sexual activity kabilang na ang oral, vaginal at anal sex.

Maliban sa pagiging sexually active ang madalas na nagkakaroon ng genital warts ay ang mga sumusunod:

  • May gulang na 30 pababa
  • Naninigarilyo
  • May mahinang immune system
  • May history ng child abuse
  • Ipinanganak ng isang inang infected ng virus

Ang pagkakaroon ng butlig sa ari ay maaring mag-develop ilang linggo o buwan matapos mahawa sa infection.

kulugo sa ari, butlig sa ari

Karaniwang lugar kung saan makikita ang kulugo sa ari ng mga lalaki.

Sintomas ng genital warts

Hindi lahat ng butlig sa ari ay makikita ng ating mga mata. Ang iba ay sobrang liit at kakulay ng ating balat.

Madalas ito ay kumpol-kumpol na parang cauliflower na makinis o pabukol kung hahawakan.

Sa mga lalaki ang genital warts ay maaring tumubo sa kanilang titi, bayag, singit, hita at sa loob o paligid ng kanilang anus.

Habang sa mga babae naman ay tumutubo ito sa loob o labas ng vagina at anus o kaya naman ay sa mismong cervix.

Maari rin itong tumubo sa labi, bibig, dila o lalamunan ng mga nagkaroon ng oral sexual contact na infected ng HPV o human papillomavirus.

Hindi man ito makita ng ating mga mata, ang pagkakaroon ng genital warts ay mayroon pang ibang sintomas. Ito ay ang sumusunod:

  • Vaginal discharge
  • Itching
  • Bleeding
  • Burning sensation o sobrang hapding pakiramdam sa ari

Maliban sa pagtatanong ng iyong doktor kung makakaramdam ka ng mga nasabing sintomas, ang butlig sa ari ay madidiagnose sa pamamagitan ng physical examination.

Para sa mga babae na kung saan maaring tumubo ang butlig sa loob ng ari ay kinakailangan ang pelvic examination para ito ay matukoy.

Ang Pap test o Pap smear ay isang paraan rin para matukoy ito.

Lunas sa genital warts

Ang genital warts ay kusa ring nawawala. Ngunit, sa panahon ng outbreak nito na nagdudulot ng sakit at labis na pangangati ay may mga gamot na maaring gamitin para ito ay malunasan.

Mahalaga ring magamot ito para hindi na maihawa sa iba.

Para maibsan ang painful symptoms ng genital warts ay kinakailangan ng mga gamot na nireseta ng doktor tulad ng sumusunod:

  • imiquimod (Aldara)
  • podophyllin and podofilox (Condylox)
  • trichloroacetic acid, or TCA

Kung hindi parin nawawala ang mga butlig sa ari ay mga procedures na maaring gawin para tanggalin ito. Ito ay ang sumusunod:

  • electrocautery o ang pagsusunog sa warts gamit ang electric currents
  • cryosurgery o pagpi-freeze sa warts
  • laser treatment
  • excision o pagtanggal sa warts sa pamamagitan ng surgery
  • pag-inject ng gamot na interferon

Para sa mga babae na may genital warts ay ipinapayong mag-Pap smear test kada tatlo o anim na buwan para ma-monitor ang pagbabago sa loob ng cervix.

Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng genital warts?

Ang paggamit ng condom o dental dam sa tuwing nakikipagtalik ay nakakapagbaba ng tiyansa na magkaroon ng genital warts at iba pang impeksyon. May mga vaccines rin na maaring maipabakuna para mas maging protektado mula sa mga ito.

Tulad ng HPV vaccine na kung tawagin ay Gardasil at Gardasil 9 na pumoprotekta sa mga babae at lalaki mula sa most common na HPV strains na nagdudulot ng genital warts. Maari ring itong maging proteksyon laban sa HPV na nagdudulot ng cervical cancer.

Ang HPV vaccine ay maaring ibigay sa mga bata na may edad na siyam na taong gulang hanggang sa 45-anyos na matatanda.

Ito ay binubuo ng dalawa o tatlong shots na nakadepende sa edad at ibinibigay bago pa maging sexually active ang isang tao.

 

Source: Healthline

Basahin: Kulugo sa ari: Sanhi, sintomas, at lunas

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner