Camille Prats Yambao, nalaman na ang gender ng kanilang baby

lead image

Excited ng makita ni Camille Prats Yambao ang bagong baby ng kanilang pamilya na isang baby boy!

Kitang-kita ang saya sa mukha ni Camille Prats Yambao ng malamang isang baby boy ang kaniyang pinagbubuntis sa pamamagitan ng isang gender reveal party kasama ang malalapit niyang kaibigan at pamilya.

Camille Prats Yambao

Photo: Camille Prats Yambao Instagram account

Naging napaka-exciting naman ng baby gender reveal party na ito para kay Camille na kung saan nakapaloob ang magandang balita sa isang big black balloon na may nakasulat na “Cedie or Princess Sarah. What will YamBaby be? Pop to See!”

Ayon sa post ni Camille sa kaniyang Instagram sinabi niyang bago ang ginanap na gender reveal party kahapon, natatanging isang tao lang ay may alam kung boy o girl  ang baby na dinadala niya.

Pasikreto daw siyang nagdadasal na sana ito daw ay isang little prince para ang one-year-old baby girl niyang si Nala lang ang nag-iisang prinsesa sa kanilang pamilya. Kaya naman labis ang saya at nasorpresa siya ng nalamang baby boy ang new baby niya.

Masayang-masaya nga rin ang mister ni Camille na si VJ Yambao ng malaman niya ang gender ng baby nila. Halos magtatatalon nga ito sa tuwa ng pumutok na ang balloon at blue confetti ang lumabas mula dito. Dagdag pa ni Camille, para nga daw nanalo sa lotto ang saya niya ng malaman niya na ang napakagandang sorpresa.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

The moment we found out what our next baby will be! 💕💕💕 pramis parang nanalo sa lotto yung saya ko! 😂 #YamBabyBoy Watch out for the full video on my YouTube! 🤗🤗🤗

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Inanunsiyo ni Camille Prats ang kaniyang pagbubuntis nito lamang nakaraang Disyembre, sa pamamagitan ng isa paring Instagram post sa mismong araw ng Pasko na kung saan ibinahagi niya ang kaniyang kasiyahan sa paparating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na isa nga daw napakagandang regalo para sa kanila.

Ayon sa isang interview ni Camille Prats Yambao sa Philippine Star sinabi niyang hindi nila pinaplano na masundan agad ang ngayon ay one-year-old baby nila na si Nala ngunit isa daw blessing ang pagdating ng kanilang new baby na kukumpleto na sa kanilang pamilya.

Ayon parin kay Camille, matapos maipaalam sa kaniyang panganay na anak na si Nathan ang kaniyang pagbubuntis, hiling daw nito na sana ay isang baby brother ngunit iwe-welcome niya parin naman kungito ay isang baby sister. Ang hiling nga nito ni Nathan ngayon ay wish granted na.

Bago ang announcement ng magandang balitang ito sa buhay ni Camille Prats Yambao ay nauna niya ng pinakilig ang mga netizens ngayong buwan ring ito ng magbigay siya ng isang mensahe sa kaniyang asawang si VJ Yambao sa isa pang milestone sa buhay niya, ang kanilang second wedding anniversary. Tinapos nga ni Camille ang kaniyang mensahe sa isang biro na kung saan sinabi niya na..

“Two babies in 2 years! We [are] on a roll! LAST NA TO AH. Tara! Takas date na tayo!”

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

2 years of blissful marriage with you and it feels like a lot has happened.❤️ Our family continues to grow as we grow and learn from each other as days go by. I am grateful for all that you are and all that you do lovey 🙏🏼 What a blessing it is to have you as the father of our kids coz you are amazing at that. I know there are still so much more to conquer together in this journey and I assure you that I will hold your hand through the highs and lows of life how hard or easy they may be. 😉Here’s to more arguments, petty quarrels (which you always let me win!🤪), takas date nights, netflix nights and many other things. Two babies in 2 years! We on a roll! LAST NA TO AH.😂 tara! Takas date na tayo! ❤️ @vjyambao1

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Si Camille ay ikinasal sa kaniyang asawang si VJ Yambao noong Enero ng 2017. Sila ay biniyayaan agad ng isang baby girl na pinangalanan nilang Nala Camilla noong September 2017.

Si Camille ay may 11 years old na anak na si Nathan mula sa una niyang asawang si Anthony Linsangan na namatay noong 2011 dahil sa cancer. Samantalang ang mister niyang si VJ Yambao ay may anak ding lalaki na si Isaiah mula sa nauna niyang nakarelasyon.

Inaasahan namang magbibigay silang si Camille sa kaniyang new baby Hulyo ngayong taon.

 

Sources: Philstar, Inquirer, GMA News

Basahin: Aktres na si Isabel Oli-Prats, nanganak na

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner