Mavy Legaspi sa 47th birthday ni Carmina Villaroel: “Kahit 21 years old na 'ko, ikaw pa rin ang number one sa puso ko.”

Si Mavi may inihanda ring very special gift sa ina na matagal niya narin daw ipinangakong ibigay dito.

Carmina Villaroel naiyak noong marinig ang mensahe ng kaniyang kambal na sina Mavy at Cassy sa kaniyang 47th birthday.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Carmina Villaroel 47th birthday celebration.
  • Mensahe ng kambal na anak ni Carmina na sina Mavy at Cassy sa kaniyang 47th

Mensahe ng kambal na anak ni Carmina na sina Mavy at Cassy sa kaniyang 47th birthday

carmina villaroel family

Larawan mula sa Instagram account ni Carmina Villaroel

Very emotional ang naging 47th birthday celebration ng aktres na si Carmina Villaroel. Dahil sa programang ‘Sarap Diva’ ng GMA na kung saan host ang aktres ay nagkaroon ng surprise birthday celebration para sa kaniya. Doon ay nagpunta at present ang mister niyang si Zoren Legaspi at mga anak nilang kambal na sina Mavy at Cassy.

Kitang-kita na masaya si Carmina sa naging birthday party sa kaniya. Pero ang aktres naging emosyonal ng marinig na ang mensahe ng kaniyang kambal na sina Mavy at Cassy.

Noong una, sa mensahe ng anak na si Cassy ay pinipigilan pa ni Mina na maiyak. Sabi pa niya walang iyakan at dapat ay happy lang ang birthday niya.

“Mommy, of course happy birthday. I want to thank you for always taking care of us and for always putting us first. I know I say this every year because its true and I want the whole world to know how selfless you are and how caring you are.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Cassy para sa kaniyang ina na lagi daw silang inuuna na mga anak at pamilya niya.

Ang sumunod na nagbigay ng mensahe sa Carmina ay ang anak niyang lalaki na si Mavy. Dito na hindi napigilan ni Carmina na maiyak lalo na ng sinabi ni Mavy na ang ina ang first love niya. At kahit ano man daw ang mangyari sa pagdaan ng panahon ay ito ang number one na babae sa buhay niya.

“Happy birthday to my love at first sight, my first love. The number one kahit 21 years old na ko, ikaw pa rin ang number one sa puso ko always. Ikaw ang number one girl sa buhay ko at ikaw ‘yong priority ko forever.”

Ito ang bungad na mensahe ni Mavy sa ina.

Pagpapatuloy pa niya, nagpapasalamat siya sa lahat ng ginagawa ng ina para sa kanila. Pero sana daw this time ay ang sarili naman ng ina ang unahin niya na deserve na deserve naman daw talaga ito.

“Gusto kong magpasalamat sayo for being the queen of the house. And syempre like what Cassy said, for being very selfless for always choosing us before yourself. Sana matupad ‘yong pangarap ko this year na you decide to choose yourself this time before others. Kasi you deserve it.”

Sa huli ay pinarating niya dito ang pagmamahal niya. Si Carmina patuloy ang pag-iyak habang pinakikinggan ang mensahe ng anak niya.

“I always say this since I was a kid until now. Until forever, Mommy I love you forever. I love you for always as long as I am living, my mommy.”

Ito ang sabi pa ni Mavy sa inang si Carnina sa kaniyang 47th birthday.

Carmina’s 47th birthday celebration

Si Carmina ipinaliwanag kung bakit siya very emotional ng marinig ang mensahe ng mga anak. Dito na ibinahagi ni Carmina kung paano naging mahirap para sa kaniya ang mga nakaraang 10 buwan. At kung paano naging malaking tulong para sa kaniya ang suporta at pagmamahal ng kaniyang mga anak at mister na si Zoren Legaspi.

Mavy Legaspi sa 47th birthday ni Carmina Villaroel: Kahit 21 years old na ko, ikaw pa rin ang number one sa puso ko.

“The past 10 months is difficult but somehow you made it easier for me. Cause ipinaramdam ninyo talaga sakin na hindi ako nag-iisa and pinaramdam ninyo sakin kung ano ibig sabihin ng pamilya. Hindi ko kayo napasalamatam but alam ninyo kung anong ibig kong sabihin.”

Matatandaan nitong nakaraang Hunyo ay nasawi ang ama ni Carmina na si Daddy Reggie. Ang aktres, very open at vocal sa pagmamahal sa ama at labis na nalungkot noong magkasakit ito at tuluyan na ngang namaalam.

Sa huli ay nagpasalamat siya sa kaniyang mga anak at asawa sa pag-iintindi sa kaniya at higit sa lahat sa pagpapakita ng pagmamahal sa namayapa niyang ama.

“Thank you for being so understanding kung for the past 9 or 10 months, hindi ako masyadong naging present sa buhay ninyo. Thank you sa pag-aalalay ninyo sa’kin and for loving Daddy Reggie.”

Ito ang sabi pa ni Carmina.

Samantala, maliban sa sweet na mensahe na nagpaiyak ng inang si Carmina ay may special na regalo ring ibinigay si Mavy sa ina. Ito ay isang Rose Colorway Hermès Picotin bag na matagal na daw pinangako ni Mavy sa ina.

mavy legaspi gift to carmina villaroel birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Carmina Villaroel

Si Carmina agad namang ginamit ito sa dinner ng kanilang pamilya para ipagdiwang ang kaarawan niya.

GMA

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!