Celebrities nagsimula nang mag-decorate para sa Pasko

lead image

Christmas ready na ang bahay ng mga sikat. Kaya silipin ang kanilang celebrity Christmas trees at ipa bang decorations para sa papalapit na Pasko.

Dahil nalalapit na ang pasko, ilang Pinoy celebrities na ang feel na feel na ang spirit nito. Ang iba nga ay nagsimula ng magdecorate ng kanilang bahay na talagang Christmas-ready na. Mula sa simple hanggang sa pinaka-engrande, hindi nga magpapahuli ang iba’t-ibang tema ng mga celebrity Christmas trees.

Kaya kumuha na ng insipirasyon at tips kung paano magkaroon ng Christmas ala celebrity sa bida nilang Christmas tree.

Regine Velasquez-Alcasid

 

 

View this post on Instagram

 

Thank you @badangrueda ❤️❤️❤️

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Una sa listahan ng ating celebrity Christmas trees ngayong taon ay mula sa tahanan ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Proud na proud na ibinida ni Asia’s songbird Regine Velasquez-Alcasid ang kanilang celebrity Christmas tree na mas pinaganda dahil sa artistic touch ni Badang Rueda, kilalang florist.

Mapapa-dream of a white Christmas ka nga habang tinitingnan ito na may gold at silver accents na dekorasyon. Dinagdagan pa nga ang Western feel ng Christmas tree sa pamamagitan ng toy train na tumatakbo sa baba nito. Kaya paniguradong isang Christmas to remember na naman ito para sa kanila ni Ogie Alcasid at ng anak na si Nate.

Korina Sanchez-Roxas

Excited na nga rin sa nalalapit na pasko ang ABS-CBN newscaster na si Korina Sanchez-Roxas na Christmas ready na, hindi lang isa kundi ng dalawang bahay niya. Pinuno ng gold at red accents ang kaniyang celebrity Christmas tree na mas pina-cute pa ng kaniyang mga alagang aso sa kanilang Christmas outfit. Nag-share nga rin ng tree tip si Korina para talagang mas feel na feel ng Christmas tree mo ang pasko.

 

Pictorial Aftermath???

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

Tree Tip: Buy fresh branches of cypress in Dangwa. Then insert into your open spaces in your fake tree. Mas mataba ang tree mas maganda! And, oh, so mabango parang real tree!

Sunshine Dizon

 

View this post on Instagram

 

Finally home after 3 straight days of work. So happy to see my babies @doreenandanton And hear all their stories. Missed them so much. Finally makakatulog nako ng mahimbing ngayong gabi. Thank you @dinolazaro, @friangarcia for making life easier on the set, for taking care of me, sa mga kwento natin, sabay sa tawa, kain, at di pag tulog at higit sa lahat siguraduhing alert ako habang nag drive pa bataan at pabalik sa susunod nating trabaho. At sa aking mapag mahal na RM @ppl_christianmartin na hindi din natutulog hangat di tayo pack up, Salamat. Masaya akong kasama kayo ngayong gabi na pinag sasaluhan ang niluto na Laing ni Ate Vilma habang tayo ay nag kakamay. Special mention to @markbaquiran for going out of his way to drive for us on our way to our location this morning at hilo na ang manay. Mahal ko kayo promise ❤️ #teamsunshine #manays #teammomshie

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on

Ishinare naman ni Kapuso star Sunshine Dizon and family ang kanilang celebrity Christmas tree na may red and gold accent. Classy na classy itong tingnan na dinagdagan pa ng mga gold butterflies na lumilipad papataas sa kanilang dingding. Ramdam na ramdam nga na merry ang paparating na Christmas ni Sunshine Dizon kasama ang kaniyang happy family!

Donna Cruz

Pretty na pretty naman na nag-pose sa kaniyang celebrity Christmas tree si Donna Cruz kasama ang kaniyang puppy. Simple pero kumukuti-kutitap sa ganda ang Christmas tree ni Donna Cruz na talagang pinaglaanan ng espasyo sa bahay nila. Kitang-kita na sa ngayon Christmas tree talaga ang bida!

Neri Naig-Miranda

 

View this post on Instagram

 

Ayusin na ang Christmas tree at malapit na ang Pasko! Hehe! Papalitan ko yung star sa taas parang gusto ko isang malaking red ribbon. Gusto ko maglagay ng mas fun na ornaments para mas maganda sa paningin ng mga bata at mas nakaka excite! Nakaset up na ba ang Christmas tree sa bahay nyo? Anong theme nyo ngayong Pasko? Thank you @veryneri_sleepwear sa aking silk sleepwear. Partner ng robe na yan, shorts at sando sa loob, hehe! Please follow @veryneri_sleepwear para sa magagandang pajamas. Kahit nasa bahay lang at nakapajama all day, at least cute ang pjs natin, hehe! O basta mas magandang terno ang pajamas at magandang quality kapag matutulog na, kaya order na po! To order, VIBER +639156575615 EMAIL: [email protected] WE SHIP WORLDWIDE. #VeryNeri #WaisNaMisis #WaisKahitDiPaMisis

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Inantabayan naman ng mga followers ni practical mom Neri Naig-Miranda ang kaniyang celebrity Christmas tree. Dahil nga sa pagiging praktikal ay ginamit parin niya ang kaniyang Christmas tree nung nakaraang taon na looking new parin sa kaniyang decorations na halos pinuno ng red ribbons at Christmas balls.

Jessy Mendiola

 

View this post on Instagram

 

?

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Simple pero classy naman ang white Christmas tree ni Jessy Mendiola na may blue accents. Match na match nga ito sa interiors ng kaniyang bahay na dinagdagan ng cuteness ng kaniyang puppy.

Kim Atienza

Proud father naman sa kaniyang mga anak si Kuya Kim Atienza nang sorpresahin siya ng mga ito habang nagdedecorate ng kanilang tall Christmas tree. Buhay na buhay na nga ang Christmas spirit sa bahay ng mga Atienzas!

Tina Paner

Very happy ding ibinahagi ni veteran actress Tina Paner ang kaniyang Christmas tree na kumakanta-kanta pa habang dinedecorate ito. Ramdam na ramdam nga ang spirit ng Christmas sa malalaking Christmas balls at ribbons na nakasabit dito.

Lotlot De Leon

 

View this post on Instagram

 

My 12 year old christmas tree, staying strong and beautiful as ever after all these years! ❤ #MerryChristmasDarling ?#sentimentalme

A post shared by Balotski ☀️?? (@ms.lotlotdeleon) on

Nakapasentimental naman ng celebrity Christmas tree ni Lotlot de Leon. Hindi lang sa design nito kundi dahil ginagamit na niya ito every Christmas for 12 years! Buhay na buhay parin naman ang kinang at sigla nito kahit ilang taon na ang lumipas.

Angelu De Leon-Rivera

Ibinida rin naman ni TGIS star Angelu De Leon kasama ng kaniyang hubby ang kanilang Christmas tree on the background na may minimal details pero nagmukhang intimate dahil sa pagmamahalan nilang mag-asawa.

Jehza Huelar

Nag-pose naman na sa Christmas decors ng isang hotel si Bb.Pilipinas Supranational 2018 Jehza Huelar. Dahil busy sa kaniyang schedule, dito nalang pinaramdam ng beauty queen ang kaniyang excitement at kilig sa nalalapit na pasko na ayon sa kaniya ay talaga nga namang isang magical time.

Team Kramer

Mukha namang excited narin ang Team Kramer na ipakita ang kanilang celebrity Christmas tree, pero sa ngayon ay game na game na munang nag-pose ang kanilang happy family sa isang giant Christmas tree na puno ng candy ornaments. Sigurado namang magiging kasing engrande nito ang kanilang Christmas tree na dadagdagan ng kulit at kakyutan ni Kendra, Scarlet at Gavin.

Manilyn Reynes

 

View this post on Instagram

 

Sa taping ng Pepito Manaloto ngayon. Awww... Christmas feels ?⛪️?Favorite din ni Elsa ang Pasko! ??

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on

Sexy at excited ring nag-pose ang Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes kasama ang Christmas tree sa kanilang taping location na kung saan pahabol niya, “Favorite din ni Elsa ang Pasko!”.

Sheena Halili

 

View this post on Instagram

 

GMA Christmas station ID ? #PusoNgPasko Ootd: @jamila.manila

A post shared by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on

Feel na feel narin ni Sheena Halili ang Christmas spirit ng mag-pose ito sa isang Christmas tree sa GMA .  Angat na angat ang beauty ng celebrity in red na may kumukutitap na ilaw at Christmas tree sa kaniyang background.

Excited at Christmas ready na nga ang ilan sa inyong mga favorite celebrity. Nakapagdecorate narin ba kayo ng inyong Christmas tree? Pero tandaan, higit sa anumang dekorasiyon o handaan, ang Pasko ay pagbibigayan at pagmamahalan.

 

Source: Metro Style

Basahin: Gift Ideas ngayong Pasko: Mga regalong maaaring bilhin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!