9 celebrity moms na nag-e-expect muli ng baby

9 celebrity moms na nag-e-expect muli ng baby

Kilalanin at alamin kung sinu-sino ang mga celebrity moms na level-up sa kanilang pagiging mga wonder moms sa isa pang pagkakataon.

Ang pag-stalk sa mga celebrity babies ay isang nauusong gawain ngayon ng mga karamihan at syempre sa mga celebrity moms din na nagpo-post tungkol sa mga kaligayahan dulot ng pagiging isang ina sa social media.

Asahan mo na mas marami ka pang makikitang cute mommy at baby bonding sa mga celebrity moms na level-up sa pagiging ina sa isa pang pagkakataon.

 

Georgina Wilson

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Can’t wait to meet you ?

A post shared by Georgina Wilson? (@ilovegeorgina) on

Inanunsyo ni Georgina Wilson ang kanyang pangalawang pagbubuntis sa isang pinaka-fashionable muli na pagkakataon tulad ng kanyang unang pagbubuntis. 

Six months na ngang nagbubuntis si Georgina ng inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram account—isang litrato mula sa kanyang mini maternity photo shoot.

Sinalubong ni Georgina at ng kanyang asawang si Arthur Burnand sa kanilang buhay ang una nilang anak na si Archie noong taong 2016 ng Disyembre.

 

Camille Prats

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Hello third trimester!! Final stretch here we go ?? #28weeks @rushxrei @ogiewaban

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on


Inanunsyo ni Camille Prats ang kanyang pangatlong pagbubuntis kasama ang kanyang pamilya sa isang Instagram post noong nakaraang taon ng Disyembre, Christmas Day. Sa hiwalay na post ng aktres noong Pasko, pinakita niya ang ultrasound na isinagawa sa kanya at 9 weeks na nga raw di-umano siya.

Sinalubong ni Camille at ng kanyang asawang si VJ Yambao ang kanilang baby girl na si Nala Camilla noong taong 2017 ng Setyembre.

 

Rica Peralejo


Si Rica Peralejo, asawang si Pastor Joseph, at ang kanilang anak na limang taong gulang na si Philip ay sinimulan ang 2019 puno ng pag-asa at pananampalataya. Inanunsyo ng pamilya na nagdadalang-tao muli si Rica matapos makaranas ng dalawang pagkalaglag noong taong 2016 at 2017.

Ang celebrity mom at blogger noong apat na buwan at kalahating nagdadalang tao pa siya ay ibinahagi ang kanyang magandang balita sa kanyang YouTube channel, kung saan ikinuwento nga niya ang highs at lows ng kanyang pagbubuntis.

Sa kanya ngang Instagram post noong ika-17 ng Abril, inalala nga ng future mother ng dalawang chikiting na nagkaroon daw ng isang pagkakataon na nag-alala siya at ginustong bumili ng isang portable doppler upang mabantayan ang tibok ng puso ng kanyang baby sa loob ng kanyang tyan.

Kuwento ni Rica sa kanyang post, "Everyday I felt afraid to not know if my baby's heartbeat had already stopped beating..."

Pero pinili ni Rica na maniwala sa Panginoon, "I began to believe that even when I do not feel it, my baby is alive. It was so hard to choose faith over doppler machine but I did it because I wanted to exercise my faith more than my fear. Cause you know, whichever you train more, is what grows more..."

Ngayon nga'y nasa third trimester na ang aktres.

 

Saab Magalona

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

Ang pamilya at mga kaibigan ni Saab Magalona ay nagdiwang ng mag-post ito sa kanyang Instagram ng litrato nila ni Pancho na may caption na "Kuya Pancho." Ang second-time mom nga ay inanunsyo ang kanyang pangalawang pagbubuntis nitong Abril lamang.
 
Nakumprima nga nila Saab at kanyang asawa na si Jim Bacarro ang kanyang pagbubuntis noong Pebrero, dalawang araw bago ang first birthday ng kanilang anak na si Pancho.
 
Kung matatandaan, ang mag-asawa nga ay nakaranas ng isang heartbreaking loss sa simula ng kanilang journey bilang mga magulang sapagkat nawala sa kanila ang kambal na kapatid ni Pancho na si Luna noong araw na sila'y ipinanganak. Naniniwala nga ang mag-asawa na sa puso nila ang kanilang baby girl ay mistulang nagbalik sa kanila sa pangalawang pagbubuntis ni Saab.

 

Andi Eigenmann


Sinupresa nga ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang pamilya, kaibigan, at tagahanga sa kanyang Instagram post noong ika-1 ng Pebrero ngayong taon ng sabihin niya na siya'y 14 weeks nang nagdadalang-tao—ang kanyang pangalawang pagbubuntis makalipas ang pitong taon.

Ang aktres nga na naka-base ngayon sa Siargao ay magkakaroon ng isa pang baby girl sa kanyang partner na surfing champion na si Philmar Alipayo.

 

Divine Lee

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Divine Lee Go (@divinemlee) on


Pinlano ni Divine Lee na i-anunsyo ang kanyang pagdadalang tao sana noong ika-1 ng Abril kung saan "April Fool's Day." Ginusto sana niyang malaman ang mga hula ng tao kung totoo ba ang balita o prank lang ito, ngunit ang kanyang asawa na si Blake Go ay hindi napigilan ang kanyang galak sa pagkakaroon muli ng isa pang blessing kanilang pamilya kung kaya't inanunsyo niya ito noong ika-25 ng Marso.

Ang 37 years old na host-blogger ay minimithing maging ina ng apat na chikiting sa edad na 40 at halfway na nga siya rito. Ngayon nga'y nage-expect sina Divine at Blake ng baby girl. Ang una nilang anak ay isang baby boy na si Baz na magdidiwang ng kanyang first birthday ngayong ika-5 ng Mayo.

 

Chynna Ortaleza

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

Nito nga lang nakaraang Easter weekend, inanunsyo ni Chynna Ortaleza at kanyang asawang si Kean Cipriano sa kani-kanilang Instagram accounts na nagdadalang-tao nga si Chynna.
 
Inanunsyo nga nila ang magandang balita noong araw matapos ang third birthday ng kanilang anak na si Stellar.
 
 
Maya Flores

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

a family of three that will soon be FOUR! Hooray!!?‍?‍?‍?

A post shared by MAYA (@blushmaya) on


Ang soon-to-be Mrs. Geoff Eigenmann na si Maya Flores ay nasa huling trimester na nga niya sa kanyang pangalawang pagbubuntis. Pinost nga ni Maya at Geoff ang magandang balita noong Valentine's Day, ika-14 ng Pebrero na nage-expect sila ng baby boy.

Makalipas ang dalawang buwan, inanusyo rin ng dalawa na sila nga'y engaged na. Sobrang saya nga ng dalawa sapagkat magiging ate na ang kanilang anak na si Arabella.

Fatima Rabago

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

And today we start #35weekspregnant only 5 weeks left!! ? can’t believe time passed by so fast, in a month from now our little lion will be in our arms ??

A post shared by Fatima Rabago (@fatimarabago) on


Naaalala niyo pa ba ang Spanish model-entrepreneur na mayroong maliit na baby bump sa kanyang ikalimang buwan na pagbubuntis? Ngayon nga'y nasa 35 weeks na si Fatima Rabago at kitang-kita sa kanyang mga Instagram posts na napaka-sexy pa rin niya at fit.

Si Fatima nga at ang asawang modelo na si Hideo Muraoka ay nage-expect ng baby boy at sobrang excited na rin ang kanyang ate na si Danda na makita siya.
 

Source: Georgina Wilson, Camille Prats, Rica Peralejo, Saab Magalona, Andi Eigenmann, Divine Lee, Chynna Ortaleza, Maya Flores, Fatima Rabago

Basahin: QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner