Suspek sa pagkamatay ng grade 9 student, gumamit raw ng pekeng FB account

lead image

Ayon sa pag-amin ng suspect sa pagkamatay ng grade 9 student na si Christine Silawan, gumamit raw siya ng pekeng FB account para makipagkita sa biktima.

Kamakailan lang ay nayanig ang buong Pilipinas nang mabalitaan ang pagkamatay ng grade 9 student na si Christine Silawan. Ito ay dahil bukod sa kaniyang pagkamatay, binalatan pa raw ng buhay ang biktima at pinutulan ng dila.

At ngayon, base sa isinagawang imbestigasyon, pati na ang pag-amin ng suspek, gumamit raw ito ng pekeng FB account para kitain ang biktima.

Fake FB account, ginamit ng suspect para makipagkita

Ayon sa mga awtoridad, gumawa raw ng pekeng FB account ang suspect at dito kinausap ang biktima. Ito raw ay ginamit niya upang makuha ang tiwala ni Christine upang makipagkita ito sa kaniya.

Inimbestigahan raw ng NBI ang Facebook account ng dalaga, at nalaman na mayroon raw itong bagong manliligaw. Nalaman din nila na pumayag raw itong makipagkita noong March 10, ng 6pm ng gabi.

Base sa nakuhang CCTV footage, naghintay raw si Christine malapit sa simbahan kung saan siya ay collector. Ngunit sa halip na ang bagong manliligaw ang nagpakita, ang suspek raw na ex-boyfriend ni Christine ang dumating.

Nakita pa raw sa CCTV footage na nag-aaway ang dalaga pati ang 17-anyos na suspek.

Sinabi pa ni NBI Region 7 director Tomas Enrile, "Pwedeng pagkita nila du'n, nagulat si Christine. 'Bakit ito ang kuwan nito, eh hindi naman ito ang kasusap ko?"

Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI, umamin na raw ang suspek sa ginawang krimen, at sinabing mayroon pa siyang dalawang kasabwat.

Solved na raw ang murder ni Christine Silawan

Ayon kay Senior Supt. Bernard Banac, spokesperson ng PNP, solved na raw ang kaso ng pagkamatay ni Christine.

Ito ay dahil umamin na ang suspek sa karumaldumal na krimen, at nasa kustodiya na rin siya ng mga pulis. Ngunit hanggang ngayon ay kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang di umano'y kasabwat sa pagkamatay ni Christine.

Aalamin rin daw ng mga awtoridad kung ano mismo ang kinalaman ng dalawa, at kung minor de edad nga ba ang mga ito.

Base sa nangyaring krimen, matatawag raw itong crime of passion. Ito ay dahil napaka-bayolente ng nangyaring pagkamatay sa biktima, dahil pinutulan raw ito ng dila, at binalatan pa ng mukha. Posible raw na dala ito ng matinding selos at galit sa biktima, kaya't nagawa ng suspek ang krimen.

Ayon sa mga ulat, ex-boyfriend raw ni Christine ang suspek sa kaniyang pagkamatay.

 

Sources: GMA NewsPhilstar

Basahin: Grade 9 student, pinatay at binalatan ang mukha

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!