X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Claudine at Marjorie Barretto, magkasamang sinalubong ang bagong taon

5 min read

Marjorie at Claudine Barretto magkasamang nag-New Year. Bati na nga ba ang magkapatid?

Mababasa sa artikulong ito:

  • New Year celebration ng magkapatid na sina Marjorie at Claudine Barretto.
  • Kuwento ng away nina Marjorie at Claudine.

New Year celebration ng magkapatid na sina Marjorie at Claudine Barretto

claudine barretto family

Image from Team Barretto’s Instagram account

Sa Instagram ng Team Barretto ay makikita ang larawan at video na magkasamang sinalubong ng magkapatid na sina Marjorie at Claudine Barretto ang bagong taon.

Kasama ang kanilang mga anak ay makikitang nagkasama noong bisperas ng bagong taon ang magkapatid sa iisang lugar sa Olongapo.

Sa isang video nga na inupload ng aktres na si Claudine Barretto ay nakunan niya ang pamangkin na si Leon, nahagip si Claudia sa video at saka bumati sa mga fans at followers niyang nanonood.

“Hi from Olongapo. Hello. Happy New Year!”

Ito ang bati ni Claudine na ipinakilala rin ang kaniyang Kuya Mito na kasama rin niya noon.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Marami ang natuwa na makitang kasama ni Claudine ang mga pamangkin niya sa kapatid na si Marjorie Barretto. Lalo na ang mga netizens na fans at followers ng dalawa. Ang tanong nila bati at nagkaayos na ba ang magkapatid?

“Si Leon ba yun yung youngest nila Marjorie? Good to see in good terms pa rin sila sa Tita Claudine nila.”

“So happy to see you ms clau with your pamangkins.”

“Happy to see they’re all present celebrating new year with Mommy Inday.”

Ito ang nasabi ng mga netizens na makitang nagkasama sina Claudine at Marjoretto nitong bagong taon. Bagamat walang pahayag ang dalawa sa totoong estado ng relasyon nila sa isa’t-isa.

Away sa pagitan ni Claudine at Marjorie

claudine barretto with gretchen barretto

Image from Instagram

Matatandaan noong Oktubre 2019 sa lamay ng nasawing ama nila Marjorie at Claudine na si Miguel Barretto ay nagkasakitan ang dalawa.

Ito ay nag-ugat umano sa pagbisita ni Gretchen sa gabi ng burol ng ama na hindi ikinatuwa ni Marjorie. Doon ay nagsimula na ang gulo na sinundan ng mga litrato at video ng naganap na komosyon.

Sa isang larawang inupload sa Twitter ng DZMM Teleradyo noon ay makikita si Claudine na nakaupo sa isang hospital bed. Ayon kay Ruby Baguhin, isa sa mga staff ni Gretchen na nagdala kay Claudine sa ospital ay nagka-injury daw sa kamay ang aktres at nakaranas ng pagkahilo matapos ang naging pisikalang away nila ng kapatid na si Marjorie Barretto sa burol ng ama.

Matapos ang insidente, ay naglabas ng pahayag si Gretchen sa nangyari. Kuwento niya ay naging maayos ang pagbisita niya ngunit nagkaroon umano ng nervous breakdown si Marjorie na siyang pinagsimulan ng gulo.

BASAHIN:

Claudine Barretto, ipinakita na ang mukha ng anak na si Noah sa publiko

Marjorie Barretto: “Mali po talaga na I fell in love with a married man.”

Gretchen Barretto: “Marjorie was not happy that I was there to reunite with family”

Marjorie sinabing mas mabuti kung hindi sila bati ng kaniyang mga kapatid

LOOK: Claudine at Marjorie Barretto, magkasamang sinalubong ang bagong taon

Image from Instagram

Sinagot naman ito ni Marjorie sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan pinabulaanan niyang hindi totoo ang mga sinasabi ng kaniyang kapatid na sina Claudine at Gretchen.

“There are very disturbing news going around right now. All these years, I have kept my peace and I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children.

But nothing can get lower than this. Giving false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake is by far the most epic one.”

Ito ang bahagi ng pahayag noon ni Marjorie.

Sa isang panayam kay Marjorie ng host na si Toni Gonzaga nito lamang Mayo 2021 ay nagsalita rin siya tungkol sa alitan nila ng mga kapatid niya.

Sabi niya ay parang mas magiging maayos pa raw ang lahat kung hindi sila magbabati ng mga kapatid niya. Ito ay dahil labis na sakit na ang idinulot nila sa isa’t isa.

“Parang there’s just too much pain na it’s just gonna be more peaceful kung hindi bati. But it doesn’t mean that karga-karga ko araw-araw, na nagigising akong galit na galit sa kanila. Hindi eh, hindi ganun.”

Ito ang sabi noon ni Marjorie. Dagdag pa niya, sa kabila nito ay hindi niya raw hinihiling na may masamang mangyari sa mga kapatid. At hindi raw siya galit sa mga ito.

“Definitely, not from a place of hate. I don’t look back at it na masakit pa yung dibdib ko. I won’t wish ill of them.”

“It’s not coming from a place of unforgiveness. I just want peace”, sabi pa ni Marjorie.

Nagkaroon rin noon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid na sina Gretchen at Claudine pero sila ay nagkaayos na. Kaya naman hiling ng kanilang mga followers at fans ay sana sina Marjorie at Claudine naman ang magkasundo. Ito ay para mabuong muli ang Barretto sisters na very close noona ng relasyon sa isa’t-isa.

Source:

ABS-CBN News

 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Claudine at Marjorie Barretto, magkasamang sinalubong ang bagong taon
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.