11 Bagay na dapat malaman tungkol sa constipation at diarrhea ni baby

11 Bagay na dapat malaman tungkol sa constipation at diarrhea ni baby

Madalas na bang hindi makadumi ang iyong anak? Tamang-tama dahil narito na ang pinaka-importanteng impormasyon tungkol sa constipation at diarrhea ng baby!

May dalawang problemang may kinalaman sa tiyan ang mga sanggol: kundi hirap sa pagdumi, ay sira naman ang tiyan. Ang “baby poop” ay isang natural na “pangyayari” sa buhay ng mga magulang. Kaya naman dapat maging handa at maalam sa kung anong dapat asahan at gawin kapag humarap na sa problemang pang-tiyan ni ng anak. Narito ang mga bagay na dapat mong malaman sa constipation at diarrhea ng baby.

constipation-at-diarrhea-ng-baby

Constipation at diarrhea ng baby | Image from Freepik

Ano nga ba ang dapat malaman tungkol sa pagdumi ng iyong baby? Narito ang isang dosenang impormasyon na makakatulong sa pag-aalaga ng batang may karamdaman sa tiyan.

1. Ang constipation at diarrhea ng baby ay maaaring sanhi ng allergy ng bata sa pagkain

Ang alam ng marami, basta allergy ang pinag-usapan, rashes, pantal at hirap sa paghinga ang sintomas o epekto. Hindi alam ng iba na nakakaapekto din ito sa bowel patterns ng bata. Kapag may allergy kasi, ang immune system ay higit na sensitibo sa isang “substance” o pagkain, kaya’t may reaksiyon ito.

Kapag ang naramdaman ng digestive system ang pagkain na isang allergen, may reaksiyon ang digestive tract o bituka para labanan ito. Ito ang magiging dahilan ng diarrhea, dahil pinapabilis ang panunaw. O ‘di naman kaya ay pinapabagal ang panunaw para hindi kumalat sa ibang bahagi ng digestive tract—kaya’t nahihirapan dumumi. Ipinapayo ng doktor ang isa-isa at dahan-dahan na pagpapakilala ng pagkain kay baby para malaman kung ano ang hindi kasundo ng tiyan nito.

2. Ang constipation at diarrhea ng baby ay sanhi ng pagka-irita ng gastrointestinal tract

Ang diarrhea ay sanhi ng pagka-irita ng gastrointestinal tract kung kaya’t pinapabilis nito ang pagtunaw at pagdumi para mailabas na ang mga irritant. Madalas, hindi kasundo ng tiyan o sistema ang gatas kaya’t nagkakaroon ng diarrhea o malalang pagdumi, na madalas ay matubig at hindi buo. Bagama’t hindi lahat ng ganitong uri ng pagdumi ay matuturing na diarrhea, kailangan pa rin obserbahan kung gaano kadalas at ano ang itsura ng dumi. Sa unang buwan ng sanggol, karaniwang madalas talaga ang pagdumi kaya mapapagkamalan na diarrhea ito.

Tandaan na ang diarrhea ay mas matubig at may kakaibang kulay at amoy. Mas madalas din ito kaysa ordinaryong pagdumi ng bata. Idagdag pa ang pagsakit ng tiyan, lagnat at buo-buo pang pagkain sa dumi na hindi natunaw nang maigi. Iwasan muna ang pagbibigay ng pagkaing hindi pa nasusubukang ibigay kay baby para maiwasan ang paglala pa ng kondisyon. Ang karaniwang nakakapagpalala ng problema sa panunaw at mga karaniwang allergen ay itlog at gatas.

Itanong sa pediatrician kung ano ang mga pagkaing makabubuti sa kondisyon ni baby, at makakatulong para hindi siya madehydrate, tulad ng probiotic supplement at yogurt na may good bacteria para labanan ang anumang infectious organisms sa tiyan ni baby.

constipation-at-diarrhea-ng-baby

Constipation at diarrhea ng baby | Image from Freepik

3. Impeksiyon at food poisoning ang dalawang pinakakaraniwang sanhi ng diarrhea

Minsan ay nakakakain o naisusubo si baby na may mga infectious microorganisms. Malalamang impeksiyon ito kung may kasamang lagnat at pagsusuka, tulad din ng food poisoning. Kung ito ang suspetsa, dalhin agad sa doktor ang bata.

4. Kapag hindi naagapan, may panganib na madehydrate ang bata

Ito ang pinakaunang bibigyan ng pansin ng doktor: ang mapanatiling hydrated si baby kapag may diarrhea. Masyado kasing mabilis ang pagdaan ng dumi sa intestinal kaya’t natutuyuan ito. Kapag tuyo ang bibig, madalang ang pag-ihi (o basang diaper), at lubog ang bumbunan, maaaring nadedehydrate na ito. Kung hindi maaagapan, magiging malala ang kondisyon ng bata tulad ng low blood pressure at pagkombulsyon. Mabuti rin na magsagawa ng tamang bilang ng pagdumi ng baby sa isang linggo. Para mamonitor ito.

Painumin ng fluids ang sanggol, tulad ng gatas ng ina o formula milk at tubig (kung nasa tamang edad na). Kung hindi maganda ang reaksyon ng tiyan niya sa gatas, kumunsulta sa doktor kung anong oral rehydration solution ang pwedeng ipainom sa kaniya.

5. Ang constipation at diarrhea ng baby ay kapag hirap sa pagdumi si baby

Sa kabilang banda, kapag matigas at maliliit na parang bato o pebbles ang dumi o ni hindi dumudumi ang bata, problema din ito dahil masakit ito para sa sanggol. Kung alam na kung ilang beses regular na dumudumi ang bata, at napansing madalang na ito, maaaring constipated ito. Kapag dumumi man ito, hirap na hirap sa pag-iri, at naiiyak na sa sakit.

diarrhea at constipation ni baby

Tamang bilang ng pagdumi ng baby | Image from Fotolia

6. Hindi natunaw ng maigi ang kinain, kaya’t buo-buo pa ito na dumadaloy sa digestive system.

Ito ang nagiging dahilan ng constipation. Minsan, ito ay dahil din sa kakaibang problema sa bituka, tulad ng Hirschsprung’s disease, isang congenital condition kung saan ang walang nerve cells sa large intestine kaya’t hindi makatunaw ng pagkain.

7. Ehersisyo at fiber diet ang solusyon.

Ilakad si baby sa labas at masahehin din ang katawan lalo na ang mga binti ni baby. Nakakatulong ang pag-eehersisyo para matulungan ang panunaw ng bata.

Madalas ay kulang sa fiber ang bata, kaya’t ang pinakamadaling solusyon ay bigyan siya ng mga pagkain na mayaman dito. Ang fiber ay isang uri ng carbohydrate na hindi natutunaw sa tiyan at nakakatulong na maitulak ang dumi palabas ng katawan. Prutas at gulay tulad ng peas, broccoli, avocado, pear, at blackberries, pati oatmeal at iba pang grains ay mayaman sa fiber. Painumin din ng maraming tubig at iba pang fluids, kung nasa tamang edad na sa baby para uminom ng tubig (6 months pataas).

Subukan din ang pagpapainom ng paunti-unting prune, apple, o pear juice. Pwede rin itong ihalo sa gatas.

8. Minsan ang gatas ang gamot sa pagtatae o pagpapalit mula breastmilk ang sanhi ng constipation.

Napapansin din ng iba na nacoconstipate si baby kapag nagpapalit na ng gatas mula sa pagiging breastfed ay iinom na ng formula milk. Mas madali kasi talagang matunaw sa tiyan ang gatas ng ina. Madalas na pinapayo ng doktor ang pagdadagdag ng tubig sa timpla ng formula milk, para sa ilang timplahan.

Ibinabalik ito sa dating timpla kapag umayos na ang pagdumi ng bata. Ang formula milk kasi ay may mga sugar at protein na minsan ay mahirap tunawin ng isang sanggol o bata.

9. Kung ang bata ay 4 na buwan o mas bata pa, at may diarrhea at lagnat, dalhin kaagad ito sa doktor sa unang suspetsa pa lamang.

Ang mga sanggol sa ganitong edad ay mahina pa ang immune system, kaya’t maaaring lumala ang akala ay mild infection o karaniwang pagdudumi lang. Sa unang senyales pa lang ng dehydration, kailangan agad dalhin sa doktor, lalo na kung ayaw uminom ng tubig at halatang nanghihina na ang bata.

10. Ang constipation at diarrhea ng baby ay nagpapahirap sa kanya

Kapag napapansin nang hirap na hirap ang bata sa pagdumi, may nakitang dugo sa dumi, at nasasaktan na, huwag mag-atubiling ikunsulta sa doktor at itanong ang gamot sa pagtatae. Kapag kasi sobrang tigas ng dumi, maaaring masugatan o magasgas ang puwit ng bata. May mga stool softener na maibibigay ang doktor. Kapag nanghihina na ang bata, nagsusuka at malaki at matigas ang tiyan, dalhin agad sa doktor.

11. Ingatan ang sensitibong balat ni baby

Ang mga problema sa tiyan ni baby ay madalas na nakakaapekto sa diaper area nito. Kapag kasi madalas ang pagdumi, natural lang na punas ng punas sa puwit para linisin ito, na nagiging sanhi ng diaper rash. Kung masyadong matigas naman, nasusugatan nga ang labasan ng dumi.

Kapag nililinis ang dumi sa diaper area, siguraduhing walang maiiwang kahit maliit na dumi. Iwasan ang paggamit ng wet wipes na matapang ang alcohol. Mas maiging tubig at bulak, o direktang tubig ang panlinis. Karaniwang gumagamit ng mga cream o  mga diaper ointment kapag may malalang kaso ng diaper rash.

Itanong sa doktor ang bagay na ipahid sa rashes ni baby. Pabayaan din munang walang diaper si baby, para makahinga ang diaper area. Maaari kasing lumala kung nakakulob sa diaper (lalo kung disposable, at mainit pa ang panahon).

Ang mga paalala na ito ay maaaring makatulong sa’yo para sa alternatibong gamot sa pagtatae ni baby. Ngunit mas inaadvice na magpakonsula sa doctor at alamin ang gamot sa pagtatae ayon sa doctor.

 

Sources: The Pediatrician’s Guide to Feeding Babies and Toddlers nina Anthony Porto M.D. at Dina DiMaggio M.D. Babycenter.com, Parents.com

BASAHIN: Potty Training: Kailan ba dapat simulan?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner