Mga obese, mas at risk sa COVID-19 ayon sa pag-aaral
May kinalaman nga ba ang iyong weight sa pagkakaroon ng COVID-19?
COVID-19 sa obese, mas delikado nga ba o mas prone nga ba sila sakit? Bakit nga ba ito nagiging isa sa mga tinitignang komplikasyon?
COVID-19 sa obese
Hindi naman umano mas prone ang mga obese o ang matataba sa COVID-19. Gayunpaman, mas pinag-iingat sila dahil ang mga obese na tinatamaan ng virus ay nakararanas ng mas mahirap na recovery.
Ito raw ay dahil sa mga komplikasyon na sumasabay sa COVID-19 kung ikaw ay obese. Halimbawa raw nito ay ang mga ashtmatic na obese o iyong may mga problema na sa paghinga bago pa dapuan ng sakit. Dahil dito, mas nagiging mahirap para sa kanila ang pag-cope sa sakit.
“It just so happens mas matindi ang sakit ng COVID-19 sa kanila dahil iniisip natin kung may problema sa baga, may COVID-19, pneumonia mas mahirap ang pag-take natin ng oxygen sa katawan at mayroon na yung mga pasyente na usually may problema sa paghinga [gaya ng] obstructive sleep apnea, mas marami sa kanila ang asthmatic.”
Kaugnay din ng pagiging obese ang pagiging diabetic o mataas ang cholesterol. Kaya naman posible rin na mai-stroke o ma-heart attack.
“Natatandaan natin sa COVID-19 nagiging mas malapot ang dugo so usually, yung iba binibigyan natin ng blood thinners para mas mabilis gumaling kasi prone sila sa ganun. So prone ang obese sa mga ganitong sakit.”
Epekto ng COVID-19 sa may asthma
Ayon sa mga pag-aaral, ang respiratory system ng isang tao ang karaniwang natatamaan kapag siya ay nagpositibo sa sakit na COVID-19. Dahil dito, masasabi nga bang mas at risk ang mga taong may asthma na mahawaan ng virus?
Una sa lahat, mahirap tukuyin kung ang iyong nararanasan ay isa lamang asthma attack o kung ito ay sintomas na ng COVID? Kaya naman napakahalaga na sumunod sa social distancing ang sinumang mayroong asthma o iba pang respiratory disease. Ito ay para makasigurong hindi na mahawaan.
Bukod pa rito, sa oras na makaramdam kahit na kaunting atake ng asthma ay kaagad na mag-take ng iyong asthma medication o di naman kaya ay gumamit ng inhaler.
Kung pamilyar ka sa iyong asthma triggers, iwasan na rin ito para hindi na umabot sa malalang sitwasyon.
Ano ang puwedeng gawin
- Siguraduhin na malinis ang iyong paligid. Kung maaari ay huwag ang may asthma ang maglinis dahil ang dumi ay maaring maka-trigger sa isang asthma attack.
- I-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan katulad ng cellphone, remote control, doorknobs, light switch at iba pa.
- Buksan ang mga bintana at pinto para makalanghap ng sariwang hangin.
- Maari rin namang gumamit ng humidifier para masigurong malinis ang nalalanghap na hangin.
Mga pagkaing dapat iwasan para hindi tumaba
Para sa mga gustong magsimula na magbawas ng timbang, narito naman ang mga dietary options na puwede niyong subukan.
Kailangan ng katawan ng 1,500 hanggang 1,800 kilocalories araw-araw. Pero para naman sa mga gustong magbawas ng timbang, puwede na mula 1,200 hanggang 1,500 kilocalories lamang ang intake kada-araw.
Payo ng eksperto, mabigat at nagbibigay ng napakaraming calories ang mga fried food at saka ‘yung mga chips.
Mga alternatives na dapat mong idagdag sa diet
1. Prutas: Kiwi and Watermelon
Kapag nag-ki-crave ka ng matamis, magandang alternatibo ang mga prutas tulad ng kiwi, papaya, at watermelon. Ang Kiwi ay pinaniniwalaang pumapatay sa bad bacteria na nagdudulot ng pagbigat ng timbang.
Ang watermelon naman ay hitik sa natural fluids na mag-ha-hydrate at mag-e-enhance ng metabolism.
2. Yogurt
Ayon sa mga nutritionist, ang yogurt ang puno ng good bacteria na tumutulong sa tiyan na i-digest at i-absorb ang pagkain at ang sustansiya nito.
Piliin ang plain yogurt at huwag ang mga sobrang tamis para mas konting calories. Puwede mo rin dagdagan ito ng berries o grapefruit slices para maging mas malasa.
3. Leafy Greens: Lettuce, Spinach, Kangkong
Mababa sa calories, at mataas sa fiber, ang mga gulay tulad ng spinach, lettuce at kangkong ay isa sa pinakamagandang pagkain ng panglaban sa water retention at malaking puson.
Puede ka gumawa ng salad gamit ang olive oil or lemon zest, na napatunayan na ding mabisa sa pagtanggal ng bloating.
4. Salabat or Lemon Juice
Ang luya ay nagtataglay ng enzyme na tumutunaw ng protein at nagpapaimpis sa pamamaga. Nire-relax din nito ang bituka at binabawasan ang pamamaga nito upang mas dumaloy ng maayos ang pagkain. Pinapaganda rin nito ang metabolism at binabawasan ang kabag.
5. Whole-grain sandwiches
Siksik sa fiber ang tinapay na whole grain bread kaya magandang gumawa ng sandwiches tulad tuna with lettuce para lalo pang mapaganda ang metabolism mo. Pinapaayos din nito ang blood sugar mo, para hindi ka magutom agad.
Sa panahong ito, importante ang pagiging malusog. Kaya naman mag-ingat sa mga kinakain at bantayan ang iyong pangangatawan.
Source:
Basahin:
1-year-old na bata patay matapos maputol ang swab stick na ginamit sa COVID-19 test
- Mas at risk ang mga lalaki sa COVID-19, ayon sa pag-aaral
- Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."