I am 28weeks pregnant, at first time mom po ako, isa sa nagpa-curious sa akin lately ay ang mga paniniwala ng matatanda, na kapag buntis marami ang bawal, na tama naman kung tutuusin.
Ilan sa mga naririnig ko ay, bawal daw po ang buntis uminom ng malamig na tubig? Share ko lang po, at nag-research din ako about dito dahil na rin sa aking curiousity.
Hindi naman po pala bawal ang buntis na uminom ng malamig. Hindi naman lagi malamig na tubig ang iniinom at bilang first time mom, mas nakakatulong ang pagre-research at panunuod ng mga videos tungkol sa Tama at Hindi.
Lalong-lalo na po sa mga pagkain, vitamins at mga exercises bilang isang buntis. Balik tayo sa pag-inom ng malamig na tubig. Sina-suggest pa pala ito ng ibang doktor, na kapag hindi naramdaman sumipa si baby ay uminom daw po ng malamig na tubig para maging active daw si baby. Pero siyempre mas okay kung magtatanong po tayo sa OB natin.
Kapag first time mom ka, hindi mo rin maiiwasang bumili ng kung ano-ano para kay baby. Gusto mo kumpleto ka lahat ng gamit ni baby. Kaya naman ang dami ko nang na-add to cart. Pero mahirap lang kami, kaya naman delete ang ibang nasa cart ko na.
Na-realize ko kasi na mabilis lang naman lumaki ang sanggol kaya naman dapat maging praktikal. Kaya naman binili ko muna ang mga pang personal hygiene ni baby at sa ngayon paunti-unti na rin akong bumibili ng mga damit niya.
Dahil mas priority ko ang mag-ipon ng cash para sa panganganak ko sa aking baby, sapagkat mas higit na handa at ligtas si baby paglabas niya. Lalo na kung ang mga baby niyo ay nasa breech position o suhi tulad ko. Siyempre relax tayo dahil si baby naman po ay iikot pa.
Dapat ang lagi nating mindset ay handa tayo sa laban, ika nga nila lalaban ka na lang ay dapat may dala kang sandata. Masayang-masaya ako dahil magiging nanay ako for the first time. Ito na pagsisimula ang exciting part bilang isang first time mom.
Kaya naman think positive sa mga mommy na katulad kong first time mom at good luck and congratulations sa ating lahat! Keep praying!