Dani Barretto, ikinuwento na muntik nang mamatay ang kaniyang baby nang ipinanganak
Narito ang buong kwento ng panganganak ni Dani Barretto na panigurado bawat ina dito ay makaka-relate.
Dani Barretto baby na si Millie nalagay sa kritikal na kondisyon ng ito ay ipinanganak. Ito ang ikinuwento ni Dani sa kaniyang pinakalatest na vlog post.
Dani Barretto baby birth story
Tatlong linggo matapos manganak ay ikinuwento na ni Dani Barretto ang kaniyang pinagdaanan nang ipinanganak ang first baby niyang si Millie.
Bagamat inakala ng iba na naging madali ang panganganak ni Dani dahil sa mabilis niyang recovery. Kabaligtaran ito dahil ayon sa kwento ni Dani ay muntik ng mawala sa kanila ang anak niyang si Millie.
Sa kaniyang pinakalatest vlog post ay ibinigay ni Dani kasama ang kaniyang asawa na si Xavi Panlilio ang detalye ng kaniyang naging panganganak.
“I was already 39 weeks and 5 days. Prior to that when I hit my 39th week I was not getting any contractions as in wala. No contractions, no signs na lalabas siya anytime soon.”
“Pagdating namin sa OB, I already told my OB na parang hindi siya lalabas anytime soon. Like ang taas pa ng tiyan ko noon and hindi pa nagdrodrop yung baby and 7 lbs na siya”, panimulang pagkukuwento ni Dani.
Dahil sa walang nararanasang pagbabago o signs na manganganak na siya ay nagdesisyon si Dani na magpa-induced labor na.
“Last check-up with the doctor na-schedule na ko magpa-induced labor ng September 12. We got to the OB complex around 10am. They started inducing me at around 11 am. When they checked me I was 1cm lang.”
“Dumating ng 9pm, 1cm parin ako. Around 9 pm naka-feel na ko ng contractions. Come like around 10pm., beside the OB complex, you’ll see a monitor. There’s a monitor right beside you monitoring your contractions and baby’s heartbeat.”
“Mga 12 o’clock napansin ko doon sa monitor na yung heartbeat ni Millie bumababa tapos yung contractions ko tumataas. Tapos napapansin ko na din maraming nurse na pumapasok sa kwarto namin pati mga doctor paulit-ulit na pumapasok.”
Emergency CS birth delivery
Dito na umano, kinabahan si Dani dahil alam niyang may hindi na magandang nangyayari. Sa puntong iyon ay sila nalang ng asawa niyang si Xavi ang nasa ospital. Dahil buong akala ng kaniyang doktor ay kinabukasan pa siya manganganak. Pati ang kaniyang pamilya at inang si Marjorie Barretto ay umuwi muna.
“Napunta na sa point tinago na nila yung monitor sa akin. I already know that time that something bad is happening.”
“Up until they already told me na yung heartbeat niya bumababa and my contractions instead of 3 to 4minutes interval, my contractions are every minute. Which is really bad kasi ibig sabihin nai-stress yung bata sa loob.”
Matapos nga ang ilang minuto ay dito na dumating ang pinaka-nakakatakot umanong tagpo sa buhay ni Dani bilang isang ina.
“Nagkaron ng moment, mga 12:30, they already, they were, napunta sa point na yung heartbeat ni Millie bumaba ng 80 so that’s very very low. Tapos at one point nag 40, tapos nagkaron ng time na nag-flatline siya.”
“So nung nag-flatline siya, I flipped out. Parang ang bilis ng emotions ko nung time na yun. As in, sinigawan ko silang lahat. I’m so sorry sa lahat ng nurse ng St. Luke’s OB complex, I’m so sorry for doing that.”
“But it was just really, nung time na yun, nung nakita ko na nag-flatline yung heartbeat niya tas hindi nila mahanap yun heartbeat niya, sumigaw na talaga ako ng ‘get her out’ as in ang lakas and mind you, ang tahimik sa OB complex.”
Dito na umano nag-simulang mag-desisyon ang mga doktor na kailangan niya ng sumailalim sa emergency cesarean section delivery. Napakabilis umano ng pangyayari at hindi nila ito inakala. Dahil healthy naman daw ang pregnancy ni Dani at ang kaniyang baby Millie.
Pagdating ni Baby Millie
Sa bilis ng mga nangyari ay isinalarawan ni Xavi na parang mala-pelikula daw ang panganganak ni Dani. Halo-halo ang emosyon na kung saan ang pinaka-nangibabaw habang pinapanganak si Millie ay ang takot na baka mawala ito sa kanila.
“Hindi ko naramdaman na nilalagay sakin yung epidural dahil sobrang in shock ko. Nasa isip ko lang noon I was just praying to God and just talking to her and she was fighting. But on the side naririnig mo yung mga nurse na critical, critical.”
Magaalas-dos ng madaling ng idineklara ng doktor na naipanganak na si Millie. Sa kabila nito ay hindi parin naalis ang pangamba kay Dani hanggat hindi pa naririnig na umiyak ang anak na tumagal din ng 15 segundo bago nangyari.
“Kailangang itabi sa tenga ko yung doppler machine para marinig ko yung heartbeat kasi super in shock ako. It was the scariest.”
“Iyak ako ng iyak sa loob ng operating room I was really in shock and I was praying na umiyak siya.”
“Gusto ko lang marinig yung iyak niya. After 15 seconds we heard her cry and I was like, oh my God.”
Dahilan sa pagsasagawa ng emergency CS
Kwento ni Dani, bagamat healthy ang naging pregnancy niya ay hindi umano kinaya ng anak niyang si Millie ang mga contractions na kaniyang naranasan. Na-stress daw ito sa loob ng kaniyang tiyan at nakakain na ng kaniyang dumi. Ipinaliwanag naman ni Xavi kung paano ito nangyari.
“Apparently, since she wasn’t dilating para siyang gate na nakasara. Since she is contracting the space inside her womb was getting really small. And Millie is getting really stressed. When the baby is stressed they poop. And so it happens na hindi siya makalabas, and she pooped inside so she is swimming in it. She actually ingested some of her fecal matter. Thank God nandoon yung pedia namin, she suctioned out all the poop she ingested.”
Ito ang pagpapaliwanag na si Xavi kung bakit nalagay sa kritikal na kondisyon ang kaniyang anak na si Millie.
Dahil sa nangyari ay nagkaroon ng bile infection si Baby Millie, dahilan upang magtagal sila sa ospital. At mailagay sa NICU para sa antibiotic treatment nito at mas maobserbahan pa ng mga doktor.
Mabilis na recovery sa panganganak
Pero hindi naging dahilan ito upang panghinaan ng loob si Millie. Ito nga daw ang naging dahilan para mas maging mabilis ang recovery niya. After 4 hours nga ng manganak ay nakakatayo na umano si Dani kahit manhid pa ang mga paa para lang mapuntahan ang anak.
She was in the NICU, because of that incident para ma-monitor ang situation niya, to check her breathing, to observe her for a couple of days.
“Mga 6am tumatayo na ko, ginigising ko na siya (si Xavi) para puntahan si Millie.”
“I want to see my daughter who’s in the NICU, who almost died.”
“Kapag nanay ka at muntik ng mawala ang anak mo sayo may oras ka pa bang matulog?”
Hindi man naging madali ang panganganak ni Dani, laking pasasalamat niya sa mga doktor at nurses sa tumulong sa kanila ng kaniyang asawa. Dahil kung hindi sa mga ito ay baka tuluyan ng nawala ang kanilang unica hijang si Millie.
Panoorin dito ang buong video ng Dani Barretto Baby Millie birth story.
How to Avoid Giving Birth via Cesarean Section – Sensible Tips for Expectant Moms
- LOOK: Dani Barretto, ipinanganak na ang baby girl nila ng asawang si Xavi Panlilio
- Panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, ikinasal na!
- 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."