Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”
Mensahe ni Dani, "“Kung ma-diagnose man ang anak ko on anything, hindi naman ako mahihiyang aminin ‘yon. Anak ko ‘yon."
Nainterview ng theAsianparent Philippines ang celebrity mom na si Dani Barretto sa launching ng Prime Video. Sa naganap na interview ay ibinahagi ni Dani Barretto ang mga improvement sa lagay ng kaniyang daughter na si Millie.
Mababasa sa article na ito:
- Dani Barretto sa speech delay ng daughter: “There’s no time for me to be in denial”
- Nagpasalamat sa mga kapwa magulang: “It’s nice to know na meron kang kasangga”
Dani Barretto sa speech delay ng daughter: “There’s no time for me to be in denial”
Napag-usapan nga sa interview kay Dani Barretto ang kondisyon ng daughter nito na si Millie. Open book naman daw ang buhay ni Dani Barretto at ibinabahagi niya sa kaniyang mga social media ang mga development ng anak.
May mga pagkakataon lang daw na napipikon si Dani Barretto sa ilang netizen na pinipilit siyang sabihin kung ano ang eksaktong kondisyon ng kaniyang daughter.
“When I was asked about Millie’s speech delay, I was always – they want kasi for me to say more. They want me to say that she’s on the spectrum but I can’t yet kasi my daughter is not yet diagnosed.”
Ang diagnosis pa lang naman daw sa ngayon ng daughter ni Dani Barretto ay speech delay. Pero sumasailalim na ito sa speech therapy at occupational therapy.
Ang mga early signs daw ng kondisyon ng anak ay noong 1 ½ years old na ito ay hindi pa rin nakakapagsalita ng ano man bukod sa words na mama, papa, at yaya. Bukod pa rito, memorized naman daw ng daughter ni Dani Barretto ang mga shapes at nagagawa nitong i-point at buuin ang puzzle pero hindi nito kayang sabihin ang tawag sa mga iyon.
“So, we know it’s there. Kasi the fact that she was able to say those words, she has the capacity to say words. But I think she just needed more help — extra help. That’s why we’re going through a series of therapies,” paliwanag ni Dani Barretto.
Nakakatulong naman daw talaga ang speech therapy kasi mayroon nang nasasabing ibang words si Millie kumpara noon.
Giit pa nito sa mga netizen na pinipilit siyang bigyan ng iba pang pangalan ang kondisyon ng anak,
“Kung ma-diagnose man ang anak ko on anything, hindi naman ako mahihiyang aminin ‘yon. Anak ko ‘yon. Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya no.”
Hindi rin naman daw talaga iniiwasan ni Dani Barretto ang usaping ito. Para sa kaniya walang magagawa kung magiging in denial lang siya.
Saad ni Dani Barretto, walang maitutulong sa kaniyang daughter kung magiging in denial siya. Bagkus ay papalalain lang nito ang sitwasyon ng anak. Ayaw naman daw niyang dumating ang araw na tumanda ang bata at sisihin siya nito dahil hindi niya tinulungan ang anak habang maaga pa.
“Sa abot ng makakaya, basta kayang-kaya ko gagawin ko lahat for her,” aniya.
Nagpasalamat sa mga kapwa magulang: “It’s nice to know na meron kang kasangga”
Mula naman daw nang maging bukas si Dani Barretto sa social media tungkol sa kalagayan ng daughter ay mas naramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
Aniya, dumagsa rin daw ang mga mensahe at komento ng pagdamay at pagsuporta mula sa mga kapwa niya parent. May mga nagbigay daw ng advice tungkol sa mga magagaling na school at teachers na puwedeng makatulong sa kaniyang anak.
Sa ngayon nga ay three times a week na raw ang schooling ng daughter ni Dani Barretto at balak din nila itong i-enroll sa Montessori para mas ma-enhance ang speaking ability ni Millie.
“Marami ring parents that are also going through the same struggle as us. But it’s nice to know na parang meron kang kasangga. Meron kang mga tao na nakakarelate sa’yo, who is going through the same journey as you.”
May mga pagkakataon din naman daw na kinukuwestyon ni Dani ang kaniyang sarili kung mayroon ba siyang pagkukulang sa anak. Mabuti na lang daw ay nariyan ang kaniyang pamilya para ipaalala sa kaniya na ginagawa naman niya ang lahat para matulungan ang anak at hindi niya ito kasalanan.
Aniya pa, sinabi rin daw ng doktor na isang factor ang pandemya sa speech delay ng bata. Nalimitahan daw kasi ng pandemya ang pakikihalubilo at interaksyon nito sa iba pang mga bata.
Paglilinaw naman ni Dani Barretto, ayaw naman niyang isisi sa pandemya. Pero totoong isa ito sa mga factor ng speech delay ng daughter.
Malaki rin daw talaga ang naitutulong ng suporta ng mga kapwa niya magulang sa sitwasyon nila ng kaniyang anak.
“It’s nice kasi ‘yong mga hindi mo alam, ‘yong help na you didn’t think you need pero nakuha mo. And it’s so comforting talaga,” ani Dani.