Dennis Padilla nasaktan sa mga sinabi ni Julia Barretto: “Noong pinatanggal niyo apelyido ko, humingi ba kayo ng apology?"

Dennis Padilla nasaktan sa mga sinabi ni Julia Barretto: “Noong pinatanggal niyo apelyido ko, humingi ba kayo ng apology?

Hinaing ng aktor, ma-interview din siya para maibahagi at malaman ng anak ang side niya at kalahati umano ng katotohanan na hindi nito alam.

Dennis Padilla nais bigyan linaw ang mga pahayag ng anak na si Julia Barretto tungkol sa kaniya. Hirit ni Dennis, hindi alam ng anak ang buong katotohanan.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Julia umaming hindi pa handang patawarin ang amang si Dennis Padilla.
  • Dennis Padilla may sagot sa mga pahayag ng anak na si Julia Barretto tungkol sa kaniya.

Julia umaming hindi pa handang patawarin ang amang si Dennis Padilla

 

dennis padilla and julia barretto

Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Padilla

“I’m just really not ready.” Ito ang naging sagot ng aktres na si Julia Barretto ng matanong kung handa na ba siyang patawarin ang amang si Dennis Padilla. Si Julia naglabas rin ng nararamdaman niyang hinanakit para sa ama.

Sa panayam sa kaniya ng broadcaster na si Karen Davila sa vlog nito ay naging diretso ang pahayag ni Julia tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng ama. Pahayag niya sa ngayon ay hindi sila nag-uusap ni Dennis dahil siya daw ay takot at napagod na sa paulit-ulit na sakit idinudulot nito sa kaniya at sa kanilang pamilya.

“I’ll be very honest. We have not spoken and it’s because there’s just so much fear inside me now if I’m being really open. I’m just really scared. Because it feels like, over the years, it’s a cycle of making up and getting hurt.”

Ito ang sabi ni Julia, bagamat dagdag niya umaasa siya na magkakaayos naman sila in God’s perfect time.

“I just want to huminga muna from that cycle. I’m just praying also na maybe in God’s time and way na mag-meet kami in the middle without getting hurt again.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Pag-amin pa niya, hindi naman daw mahirap patawarin ama. Pero ang kalimutan ang lahat ng sakit na ginawa nito sa kaniya at mga kapatid hindi daw basta niya magawa. Lalo na’t dapat bilang isang ama ay si Dennis dapat daw ang natatakbuhan niya.

“There’s just so much pain over the years since I was young.”

“Sa commandments, no matter what happens, they’re your parents so I always ask God, ‘You know a parent is a parent and I’m only just a child but at the same time san yung boundary na a child is also allowed to get hurt?”

“I just need more love. More protection. I just feel like he has to be my number one protector and that’s not really what I’m getting. It does hurt. Dapat siya yung tinatakbuhan ko di ba? It’s sad that I can’t.”

Ito ang sabi pa ni Julia.

Si Dennis agad nag-react sa panayam na ito ni Julia.

julia, marjorie, claudine and leon barretto

Larawan mula sa Instagram account ni Julia Barretto

Dennis may sagot sa mga pahayag ng anak tungkol sa kaniya

Sa isang Instagram post na ngayon ay burado na, ang aktor hindi napigilang ilabas ang saloobin sa mga pahayag ng anak. Lalo na sa bahaging sinabi ni Julia kung gaano naging kahirap ang buhay nilang magkakapatid noon. Kung paano sila nagpapalipat-lipat ng inuupahang bahay ng 14 na beses na tila ang inang si Marjorie Barretto lang ang namoblema.

“Growing up we had to move to 14 houses, all rentals because we never owned our own home. That times my parents were struggling. Until mom was able to buy a townhouse for my family.”

Ito ang pahayag ni Julia na hindi pinalampas sagutin ni Dennis. Sabi niya pa sa anak hindi alam nito ang buong katotohanan.

“14 times kami lumipat ng bahay.. Tama julia.. Sino ba nagbayad ng paglipat.. Ako yun! “Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kayo, kanino ba naubos lahat? Sa inyo, kasi gusto ko maginhawa ang buhay niyo.”

“Julia, ang alam mo kalahati ng katotohanan.”

“Ako ang bumili ng townhouse. Gumawa lang ng waiver na di ko kukunin share ko para hatiin sa inyo.”

 “Karen Davila you need to interview me. Mali ang alam ni Julia!!!”

Ito ang sabi pa ng aktor.

dennis padilla and julia barretto

Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Padilla

Pagpapatuloy pa ni Dennis, maraming beses na siyang humingi ng tawad sa mga anak niya. Bagamat ang mga ito ni minsan ay hindi humingi ng sorry sa mga ginawa nilang mali laban sa amang si Dennis.

“Ang buong bahay ko, ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na. Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko. Ano pa gusto niyo?”

“Nung pinatanggal ninyo apelyido ko humingi ba kayo ng apology?”

May apela rin ang aktor sa mga anak na hanggang ngayon ay hindi parin nakikipag-usap sa kaniya.

“Sobrang tayog ng lipad. Awat na mga anak. Ako ang dapat takbuhan mo Julia. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin. Sobra kayo.”

Ito ang sabi pa ni Dennis na humihiling na ma-interview rin at maibahagi ang side ng niya at kalahati ng katotohanan na hindi umano alam ng mga anak.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!