Dennis Trillo may sweet message para sa asawang si Jennylyn Mercado

Dennis Trillo may sweet message para kay Jennylyn Mercado: Hindi lang ilaw ng tahanan, haligi rin ng pag-ibig

Kilig to the bone ang birthday message ni Dennis Trillo para sa asawang si Jennylyn Mercado.

Dennis Trillo may sweet message para sa asawang si Jennylyn Mercado

Sa pagdiriwang ng birthday ng aktres at kasabay ng mother’s day. Nag post ng sobrang sweet message ang actor sa kaniyang Instagram post. 

Marami ang naiinggit sa post ng aktor para sa birthday ng kanyang asawa. Umulan ng heart at sanaall ang comment section ng aktor. 

Tila nga raw na nilalanggam dahil sa sobrang sweet na mensahe ni Dennis Trillo para kay Jennylyn. 

Sa post ng aktor, makikita ang throwback picture na ang mag-asawa ay nasa Japan. Very sweet pa ang dalawa. May pakiss pa sa pisngi ang larawan ng dalawa. 

Dennis Trillo may sweet message para sa asawang si Jennylyn Mercado

Nagpasalamat ang aktor kay Jennylyn dahil sa sakripisyo at pang-unawa nito sa kanilang pamilya. Alamin Dito. | Larawan mula sa instagram account ni Dennis Trillo.

Sabi ni Dennis sa post. “Kulang ang mga salita at mga larawan para ipahayag ang aking pag ibig at pasasalamat sa’yo.”

Marami ang nagsabi na netizens na tila ba na si Dennis ay para paring si Crisostomo Ibarra ang aktor dahil sa kanyang mensahe.

Matatandang si Dennis Trillo ay bumida sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra. Ang aktor ay gumanap bilang Ibarra sa series na ito. 

Dennis Trillo may sweet message para sa asawang si Jennylyn Mercado

Laking pasasalamat ng aktor sa kaniyang asawa dahil sa pagiging ilaw ng tahanan at haligi ng kanilang pagibig. Alamin Dito. | Larawan mula sa instagram account ni Dennis Trillo.

“Ikaw ay hindi lang ilaw ng tahanan kundi, haligi ng atin pag ibig at ng ating pamilya,” dagdag pa ng aktor sa kanyang post.

Laking pasasalamat rin ni Dennis sa kanyang asawa dahil sa mga sakripisyo umano nito sa kanilang pamilya.

Aniya pa sa kanyang post, “Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag unawa,mga sakripisyo’t paghihirap mo para sa aming lahat.”

Puno nga raw ng gratefulness ang aktor dahil sa pag-unawa, sakripisyo at paghihirap para sa kanilang buong pamilya. 

“I am forever grateful for you my Love. Happy Mother’s Day and advance Happy Birthday mahal ko,” saad ni Dennis sa kanya post para sa asawang si Jennylyn.

Nakakakilig nga naman talaga ang post ng aktor para sa kanyang wifey na sk Jennylyn. Ang mga netizens ay talagang nagpaulan ng hearts at greetings para sa aktres.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!