Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 3 week na sanggol

What is your baby's progress this week?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang bagong magulang, mahirap na makakuha ng maayos na tulog kung panay ang iyak ng iyong 3 week na sanggol. Subalit, ito ang tanging paraan nila upang maparating ang kailangan. Maaaring mapagod, ngunit tandaan na hindi mananatiling ganito ang iyong anak. Tignan natin ang development milestones na aasahan mula sa iyong 3 week na sanggol.

Development ng 3 week na sanggol

Pisikal na development

Sa ikatlong linggol, maskaunti ang magiging pagbabalat niya at mas magigign malambot, pink at makinis. Huwag magalala kung mayroon siyang cradle cap – ang magaspang at tila dandruff na balat sa anit – dahil kadalasan, kusa itong nawawala. Maaaring hindi magandang tignan at parang hindi komportable, ngunit balewala ito sa iyong anak.

Ang iyong 3 week na sanggol din ay malamang nakabawi na sa timbang na nawala, at siya ay tuloy-tuloy na bibigat nang nasa 25 grams kada araw.

Bilang bahagi ng kanyang development, ang mga paggalaw niya ay biglaan at hindi nako-kontrol, normal para sa bagong silang. Ito ay dahil ang kanyang nervous system at muscle control ay kailangan pa ng oras mag-mature. Darating ang panahon na lalakas na ang kanyang muscles at mas magiging banayad ang paggalaw.

Malamang na ang iyong baby ay halos laging tulog, siguraduhin lamang na pahigain siya dahil ito ang pinakaligtas na posisyon sa pagtulog. Ngunit sa mga sandaling gising siya, maaari siyang padapain para sa tummy time. Nakakatulong itong magpalakas ng muscles sa ;eeg upang maka-upo, gulong at gapang siya sa mga susunod na buwan.

Kailan ko-konsulta sa iyong duktor

Kung ang iyong baby ay:

  • Patuloy na bumababa ang timbang

Kognitibong development

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tatlong linggo, sinusubukan pa niyang mag-adjust sa labas ng iyong sinapupunan. Magugulat pa siya sa mga malalakas na tunog na magiging sanhi ng pag-iyak at kanyang Moro reflex. Para matulungan siyang kumalma at makaramdam ng seguridad, subukan siyang i-swaddle.

Isa pang paraan upang pakalmahin nila ang kanilang sarili ay ang pag-suck. Subalit, kung nagpapasuso, masmagandang antayin munang ma-establish ang breastfeeding bago magbigay ng pacifier para sa self-soothing. Kahit walang pacifier, ang pag suck sa kanyang mga daliri ay makakatulong sa kanyan pag self-soothe.

Ngunit alam bang ang maaari rin mabigyan ng comfort ang baby sa malumanay na pakikipag-usap sakanya? Nakikilala niya na ang mga kanta o tunog na narinig bago pa maipanganak at ang boses ng nanay ang isa sa laging naririnig.

Kaya ipagpatuloy ang pakikipag-usap at pagkanta sa kanya kahit pa hindi niya pa naiintindihan, tinatalaga nito ang pundasyon para sa development ng wika.

Subukan magsabit ng mobile na mataas ang contrast ng kulay o itim at puti sa taas ng kanyang crib. Makikita siyang nakatitig sa mobile o sinusundan ito ng tingin.

Maaaring ang dating ay ang ginagawa niya lamang ay kumain, dumumi at matulog. Ngunit ang kanyang utak ay patuloy na nag-aabsorb ng mga bagong bagay sa kanyang development phase ng 3 week na sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang magandang paraan upang matuto siya ay ang paglapit ng mukha habang siya ay naka-tummy time. Hayaan siyang aralin ang iyong mukha at gayahin ang galaw ng mga labi. Maaaring hindi ito mahalata, ngunit kung pagmamasdan nang mabuti, sinusubukan ka niyang gayahin.

Ngayon, ang kanyang pangunahing paraan ng komyunikasyon ay ang pag-iyak. Kahit pa nakakapagod sa simula na aralin ang iba’t ibang iyak – gutom/ inip/ antok/ malungkot/ over-stimulated, at iba pa – sa lalong madaling panahon, makikilala ang mga pagkaka-iba nito.

Sa ngayon, subukan isa-isahin ang mga sanhi. Subukang pakainin, palitan ang posisyon upang may ibang makita, dahan dahan silang i-duyan, palitan ng diaper o damit. Kaya mo yan, mommy!

Kailan ko-konsulta sa iyong duktor

Kung ang iyong baby ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi nagugulat sa mga ingay
  • Hindi talaga umiiyak

Kalusugan at nutrisyon

Matatag na ang breastfeeding ngayon, at ang breasts mo ay mabigat at puno ng gatas. Walang panuntunan kung kailang magpapasuso ng baby. Sa edad na ito, ang pagpapakain kapag gusto niya parin ang pinaka maganda. Makakatulong na kumuha ng senyales sa kanya at pakainin siya kung kailangan, alam nila ang eksaktong dami na kailangan nila.

Hanggang nagla-latch siya nang maayos, nasiyahan at bumibigat, walang kailangan alalahanin. Magcheck para sa lip at tounge ties kung may problema sa pagpapasuso. Mapapasuso parin ang baby kahit pa mayroon siyang cleft lip o palate.

Tandaan din na hayaan ang baby na ubusin ang bawat breast tuwing kumakain upang hindi ka makaranas ng blocked ducts o mastitis.

Kung ang iyong baby ay mayroon nang colic problems bago ito, mananatili ito sa kanyang development phase sa ikatlong linggo. Kahit pa masakit na makita siyang hindi kumportable, kusa rin itong mawawala. Subalit, kung mapansin na lumalala, makakatulong ang pediatrician magbigay ng lunas.

Ngayong linggo, walang bakuna na angkop sa iyong baby. Subalit, tandaan na sa pagdating niya sa isang buwang gulang, panahon na para sa kanyang Hepatitis B vaccine. Upang malaman ang schedule ng kanyang bakuna, mangyaring tignan ito.

Kailan ko-konsulta sa iyong duktor

Kung ang iyong baby ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Tila nahihirapang huminga, ipinapahiwatig ng mabilis na paghinga, umiingit sa paghinga, o bluish na balat na ayaw mawala.
  • Madalas na pagsusuka.
  • May mga puti sa dila na nagpapahiwatig ng oral thrush.
  • Mayroong kahit sinat (lagpas 37 degrees Celsius).
  • Hirap mag-latch sa iyong breasts.
  • Mayroong maga, o lubos na malaking tiyan.

Pagaalaga sa newborn

Siguraduhin na hindi alugin ang bata lalo na kung ayaw tumigil sa pag-iyak. Ang kanyang leeg ay napaka hina pa at hindi kayang suportahan ang kanyang ulo. Ang pag-alog ay maaaring maging sanhi ng pag-galaw sa bungo ng kanyang marupok na utak na maaatring magdulot ng brain trauma na kilalabilang shaken baby syndrome.

Siguraduhin na ang kwartong kanyang tinutulugan ay nasa tamang temperatura. Ang tamang temperatura ng kwarto ay 24ºC  kapag gumagamit ng air conditionaer. Sa temperaturang ito, ang kanyang katawan ay hindi kailangang magpalamig o magpa-init.

Sa tatlong linggo, siya ay madalas na matutulog, umaga man o gabi. Ngunit, hindi ito masyadong maaga upang turuan siya sa pinagkaiba ng umaga at gabi.

Subukan siyang bigyan ng bedtime routine: ligo, kain, yakap, at kanta/usap sa parehong oras kada gabi. Gawin ang huling pagpapakain sa madilim na kwarto na may kauting ilaw. Huwag umasa na mabago ito sa isang gabi, ngunit sa mga susunod na buwan, magsisimula niya nang ma-ugnay ang bedtime routine sa pagtulog.

Ipagpatuloy ang maingat na pagpapaligo, suportahan ang leeg at likod upang maiwasan ang pagdulas. Kung mayroong anak na lalaki, basahin ito upang malaman ang tamang paglinis sa ari, at kung may anak na babae, ito ang basahin.

Tandaan na huwag magpasok ng cotton buds (o kahit ano pa) sa kanyang tenga para linisin. Maaari nitong masugat ang kanyang eardrum o matulak papasok ang tutuli, na sanhi ng problema sa kalusugan.

Kailan ko-konsulta sa iyong duktor

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kung may mapansin na discharge mula sa kanyang ari
  • Kung aksidenteng mahulog ang bata

Wellness ng bagong magulang

Kung makakakuha ng tutulong sa bahay, tanggapin ito dahil malamang ay magiging sobrang pagod at kulang sa tulog. Umidlip sa tuwing umiidlip ang baby. Kaya mong mabuhay nang medyo makalat ang bahay basta nakakakuha ng sapat na pahinga. Huwag baliwalain ang mga senyales ng postnatal depression. Kung may nararanasan na mga senyales, magpunta agad sa duktor.

Kahit pa mahirap pagdaanan ang development at milestones ng iyong 3 week na sanggol, tandaan na hindi sila mananatiling maliit at naka-asa sa iyo. Tulad ng ibang magulang bago sa iyo, malalagpasan din ito.

Magsaya sa paglalakbay na makilala ang iyong anak at gumawa ng mga alala bawat araw. Balang araw, babalikan mo ito at maiisip na lahat lahat ng pinagdadaanan ay worth it.

Source: Better Health Channel, Seattle Children’s Organization

Previous week

Next week

Written by

Rosanna Chio