Mabilis ang panahon kapag ikaw ay magulang. Ang anak mo ay isa nang 4 taon 4 buwang gulang. Tila kahapon lang ay isa siyang sanggol, at ngayon tumatakbo na, nagsasalita, at natuto ng iba’t ibang bagay sa mundo. Marahil ay napapa-isip ka tungkol sa development ng iyong anak sa 4 taon 4 buwang gulang, at mga nakakapanabik na bagay na matututunan niya ngayon buwan. Alamin natin ang mga aabangan.*
Development ng 4 Taon 4 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Ang iyong 4 taon 4 buwang gulang ay kayang tumakbo at lumukso nang walang gaanong problema. Kaya niya nang umakyat at maglambitin habang naglalaro. Ito ang ilan pang mga abilidad ng iyong 4 taon 4 buwang gulang na makikita:
- Magbalanse sa isang paa nang lagpas 9 na segundo
- Madaling nakaka-akyat at baba ng hagdanan
- Pumapadyak ng bike
- Nakakapag-guhit ng tao
- Nakakagamit ng kobyertos
- Kayang bihisan ang sarili, pati magsipilyo ng ngipin
- Kayang gumuhit at kumopya ng simpleng hugis tulad ng bilog, trayangulo, etc
- Kayang maglakad paharap at paatras
Ang kakayahan ng mga kamay at daliri ng iyong 4 taon 4 buwang gulang ay dapat nagdevelop na ng maayos sa puntong ito. Kaya niya na dapat humawak ng lapis, gumuhit, at humawak ng mga maliliit na bagay nang walang problema.
Importanteng tandaan na ang iyong anak ay magiging medyo aktibo sa puntong ito, kaya magandang laging tignan habang siya’y naglalaro — lalo na dahil ang ilang 4 taon 4 buwang gulang ay kayang mag-somersault!
Mga tip:
- Hikayatin ang bata na maging aktibo at matuto sa paglalaro
- Hayaan siyang gumuhit ng iba’t ibang hugis upang ma-develop ang koordinasyon ng kamay at mata, at dexterity
- Dalhin ang anak sa palaruan at hikayatin siyang sumubok ng mga kagamitan dito
- Hikayatin ang anak na makisali sa mga malikhaing hangarin, upang parehong mapabuti ang manual dexterity pati na ang pagkamalikhain at imahinasyon niya
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung makapansin ng kakaibang senyales o iregularidad sa kanyang development, mabuting kausapin ang duktor tungkol dito. Ito ang mga senyales na kailangang bantayan:
- Kung nahihirapan ang anak na maglakad, o gumawa ng mga pisikal na aktibidad tulad ng nasasaad sa taas
- Kung nahihirapan ang bata na humawak ng maliliit na bagay gaya ng crayons o lapis, o hindi makapagpatong-patong ng mga bloke.
Kognitibong development
Sa edad na ito, kaya na ng iyong anak na makipag-usap. Maaaring hindi pa gaanong malinaw magsalita, ngunit ang kanyang bokabularyo ay patuloy na lumalawak. Kanya na dapat naipaparating ang nararamdaman at pangangailagan, at kayang sumagot ng mga simpleng tanong.
Magsisimula din siyang kumanta sa edad na ito, at hindi kakaiba sa kanya ang gumawa at kumanta ng sariling kanta. Ang mga bata sa ganitong edad ay gustong gusto gumawa ng mga salita, at maging medyo makulit.
Magandang magtaguyod ng araw-araw na gawain pata sa bata, upang siya ay masanay sa pagkakaroon ng istraktura ng araw-araw na aktibidad.
Ito ang ilan sa mga kognitibong milestones na aasahan mula sa inyong 4 taon 4 buwang gulang:
- Nagsisimula nang mag-salita ng komplikadong pangungusap, at may masmalawak na bokabularyo
- Kayang magbilang hanggang 10
- Nakakakilala ng hindi bababa sa 4 na kulay at 3 mga hugis
- Mas tumatagal na ang span ng atensyon
- Nakakasunod sa mga utos, at kayang gumawa ng mga simpleng gawain
- Naiintindihan na ang konsepto ng oras (ngayon, mamaya), at nakakasunod na sa araw-araw na gawain
Mga tip:
- Upang lalong maiangat ang kanyang kognitibong skills, magandang turuan siya ng mga bagong salita. Magagawa ito sa paggamit ng mga bagong salita habang nag-uusap. Kung ito ay gamit, maaaring magpakita ng larawan, o ang mismong gamit upang masmadali niyang maalala ang salita.
- Para pabutihin ang memorya, gumamit ng flashcards na may mga hugis at kulay, at gamitin ito sa iba’t ibang laro.
- Kapag binabasahan ng libro ang bata, magandang ipakita ang salita at mga letra upang masimulan niyang magawan ng koneksyon ang ibig sabihin ng salita, kung paaano ito nasusulat, at pagbigkas.
- Sa pagbigay ng tagubilin, gawin itong simple at malinaw. Ito ay dahil madaling nalilito ang mga bata sa komplikadong mga utos.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Ang bata ay madaling nagagambala, o nahihirapan magbigay ng atensyon kapag binibigyan ng tagubilin
- Kung limitado parin ang bokabularyo, o hindi kayang iparating ang nararamdaman sa salita
- Nahihitapan kumilala ng mga kulay at hugis
Social at emosyonal na development
Pagdating sa social at emosyonal na development, ang iyong 4 taon 4 buwang gulang ay magsisimulang maging mas mapagbigay sa iba. Kung dati ay sarili lamang ang iniisip, siya ngayon ay mas may kamalayan na sa pakiramdam ng iba. Mas kaya niya narin pangasiwaan ang kanyang emosyon, at nakokontrol ang sarili kapag sumasama ang loob.
Kaya na niyang makihalubilo sa edad na ito, at hindi malabo na siya’y magkaroon ng mga kaibigan. Asahan na siya ay lalapit sa ibang bata kapag nasa palaruan o isang playarea, sa pagsubok na makahanap ng kalaro at kaibigan.
Ito ang ilang developments na makikita sa iyong anak:
- Nagsisimula na siyang maging mapag-isa at mas gustong gawin ang mga bagay mag-isa
- Nakaka-intindi at sunod sa mga alituntunin
- Kayang makipaglaro sa ibang mga bata, at kayang makipagtulungan sa kanila
- Kapag nagta-tantrum, mas pipiliin niya itong iparating sa salita imbes na sa gawa
Mga tip
- Hikayatin siyang makihalubilo at makipaglaro sa ibang bata
- Sa pagtatag ng mga alituntunin sa bahay, gawin itong malinaw at ipaliwanag ang dahilan sa likod nito
- Hikayatin siyang hindi umasa sa iba at gawin ang mga bagay nang walang tulong
- Turuan suya ng mga kaalaman sa pakikihalubilo tulad ng pagbabahagi
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng kahit ano sa mga sumusunod na senyales, mabuting magpa-konsulta sa duktor upang matukoy ang sanhi ng problema.
- Takot makipag-kaibigan, o kaya naman ay nagiging masyadong agresibo sa ibang bata
- Ayaw makipaglaro sa ibang mga bata
- May lubos na pagkabalisa kapag naiiwan mag-isa, o nalalayo sa iyo
- Hindi sumasagot sa ibang tao, o ibang bata
Pagsasalita at wika na development
Sa edad na ito, magsisimula na maging madaldal ang anak mo. Normal lang para sa kanya ang magsimula ng pakikipag-usap sa iyo pati na ang pagkakaroon ng maraming tanong.
Ang kanyang bokabularyo ay magsisimulang lumawak sa edad na ito, at hindi kakaiba ang matuto siya ng mga bagong salita araw-araw.
- Nagsisimula na siyang magsalita nang malinaw at sabik gumamit ng mga bagong salita sa pakikipag-usap
- Naaalala na niya ang kanyang buong panggalan
- Kaya nang magsimula at magpatuloy ng mga pakikipag-usap sa mga tao
- Kayang sumagot ng mga tanong, ngunit kailangan parin minsan ng pag-udyok bago sumagot
Mga tip:
- Ang pagbabasa nang malakas sa bata ay makakabuti sa kanyang abilidad na maintindihan ang sinasabi, pati sa kanyang bokabularyo.
- Kausapin siya nang madalas at huwag matakot gumamit ng mga komplikadong salita.
- Gumamit ng flashcards sa pagtuturo ng mga bagong salita at letra.
- Hikayatin siyang isulat ang kanyang panggalan sa isang papel.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung nahihirapang magsalita o hindi masabi ang panggalan
- Nahihirapan makaintindi ng mga simpleng salita o tagubilin
- Hindi magawang matuto ng mga bagong salita
- Kung hindi bumuti ang kanyang bokabularyo mula sa nakaraang taon
In case your child shows any of these warning signs, don’t be afraid to consult your doctor about it. They would be able to provide the best advice and approach to help address your concerns regarding your child’s speech and language development.
Kung sakaling nagpapalota ang bata ng kahit ano sa mga senyales na ito, huwag matakot magpa-konsulta sa duktor. Sila at makakapagbigay ng tamang payo at pagtungo upang matulungang harapin ang iyong mga inaalala pagdating sa development ng pagssalita at wika.
Kalusugan at nutrisyon
Sa 4 taon 5 buwang gulang, ang iyong anak ay nasa 101cm na tangkad at may bigay na nasa 15kg. Sa edad na ito, patuloy ang kanyang paglaki at pag-develop, kaya importanteng mabigyan siya ng masusutansyang pagkain na magbibigay sustansya at magpapalakas sa kanyang isip at katawan. Mahalaga rin na makakuha siya ng sapat na pahinga at maraming pageehersisyo para ang kanyang katawan ay lumaki at madevelop nang maayos.
Ito ay madaling maintindihan na chart na nagpapakita ng mga mahalagang nutrients na kailangan ng iyong anak:
Nutrient | Amount Needed Daily | Anong ipapakain sa kanila |
Protein | 20.1g (the size of your child’s palm) | Nasa 3 isang pulgadang cubes ng walang tabang karne tulad ng sa baboy, manok, o isda kada kain |
Fat | 25g (around 1 tablespoon) | Isang dakot ng inihaw na mani |
Fibre | 25g (around 1 tablespoon) | 1 tasa ng brown rice, o nasa 3 hiwa ng whole wheat bread kada kain |
Calcium | 600mg (2 cups) | 2 ng full fat milk, o yogurt |
Mga bakuna
Sa 4 taon 4 buwang gulang, walang bagong bakuna, ngunit ang iyong anak ay dapat mayroon na ng mga sumusunod:
- Diphtheria, tetanus, and whooping cough (pertussis) (DTaP) (5th dose)
- Polio (IPV) (4th dose)
- Measles, mumps, and rubella (MMR) (2nd dose)
- Chickenpox (varicella) (2nd dose)
Kausapin ang duktor tungkol sa pagbibigay ng flu vaccine sa anak kada taon.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- May biglaang pagbigat/pagpayat
- May mataas na lagnat (lagpas 39 degrees C)
- Nagpapakita ng mabilis na pagpalit ng mood
- May pamamaga o sakit pagkatapos mahulog
*Kung may inaaalala tungkol sa development ng iyong anak, mangyaring makipag-usap sa iyong pediatrician para sa propesyonal na payo.
Previous month: 4 years 3 months
Next month: 4 years 5 months
References: WebMD, Kids’ Health, CDC