Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 4 taon 5 buwang gulang

What are some of the milestones your little one might be meeting right about now? Let's find out.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lagpas 4 na taon na nang ipinanganak ang iyong minamahal na anak. Ngayon siya ay 4 taon 5 buwang gulang! Totoo, mabilis silang lumaki, ngunit hindi nito ibig sabihin ay hindi mo na ma-eenjoy ang mga kahanga-hangang milestones sa development ng iyong anak. Syempre, gugustuhin mo ring malaman kung nasa tamang track ang development ng iyong 4 taon 5 buwang gulang, kaya namin itinala itong madaling maintindihan na gabay ng kung anong aasahan.*

Development ng 4 Taon 5 Buwang Gulang at Milestones: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?

Sa edad na ito, ang iyong anak ay magiging medyo aktibo, at gugustuhing maglaro sa labas!

Pisikal na development

Ang iyong 4 taon 5 buwang gulang na anak ay medyo aktibo sa edad na ito. Maaaring ikaw ay mahirapan sumabay, dahil gusto niyang tumakbo, tumalon, umakyat, at gumawa ng lahat ng uri ng pisikal na aktibidad. Maaaring nakakapagod ito sa iyo bilang magulang, ngunit ito ay magandang bagay dahil ang ibig sabihin ay lumalaki ang iyong anak na malusog at malakas. Ito ang ilan pang kakayanan ng iyong 4 taon 5 buwang gulang na maaari mong makatagpo:

  • Kayang mag-somersault
  • Nagagawang humawak ng lapis at maliliit na bagay
  • Nagagawang sumipa ng bola
  • Kayang magbato at sumalo ng bola
  • Kayang lumukso-lukso
  • Nagagawang magpatong-patong ng 10 o higit pa na bloke

Kailangang alalahanin ng mga magulang na ang paglalaro ay mahalagang parte ng development ng bata. Kaya magandang ideya ang paghikayat sa iyong anak na makipaglaro sa ibang bata, o galugarin ang mga ligtas paglaruan na lugar tulad ng mga palaruan. Ang mga aktibidad na ito ay makakatulong sa pag-develop sa kanyang pisikal na abilidad, at pananatilihin ang iyong anak na husto at malakas.

Mga Tip:

  • Be sure to make going outside to play a daily activity, to help boost your child’s physical development.
  • Buy puzzles, building blocks, and other creative toys to train his manual dexterity, as well as his lateral thinking.
  • You can also teach your child to swim, as it’s a great activity that helps keep your child fit and strong. Just be sure to keep your child supervised at all times, and be sure that there’s a lifeguard whenever you and your child go swimming.
  • Siguraduhin na ang paglabas para maglaro ay araw-araw na aktibidad, upang matulungan masilong ang pisikal na development ng iyong anak.
  • Bumili ng mga pala-isipan, building blocks, at ibang kakaibang  laruan upang masanay ang kanyang manual dexterity, pati na ang kanyang lateral thinking.
  • Maaari mo rin turuan ang iyong anak na lumangoy, dahil ito ay isang magandang aktibidad na pinapanatili ang iyong anak na husto at malakas. Siguraduhin lamang na laging nababantayan ang iyong anak, at siguraduhin may lifeguard sa tuwing lumalangoy kayo ng iyong anak.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Ang mga magulang ay hindi dapat mag-alala agad kung may mapansin na kakaiba sa anak. Ang pinaka-mainam gawin ay bumisita sa duktor para makakuha ng tamang konsultasyon. Bukod dito, ito ang ilang mga senyales na kailangang bantayan:

  • Kung ang iyong anak ay hindi makapagpatong-patong ng 10 o higit pang bloke.
  • Kung siya ay nahihirapang lumukso, o magbalanse sa isang paa.
  • Kung suya ay nahihirapang humawak ng maliit na bagay, tulad ng lapis o crayons.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang utak ng iyong anak ay nagsisimulang tumanggap ng maraming impormasyon sa edad na ito, at patuloy siyang natututo ng mga bagong bagay.

Kognitibong Development

Ang mga bata sa edad na ito ay maraming mga tanong at habang ito ay maaaring gulo sa iyo sa isang punto, tandaan na ito ay kung paano sila natututo at nakakakuha ng mga bagong kaalaman. Sa totoo, ang pagtatanong ay tanda ng isang bata na laging magugustuhang matuto, kaya sige lang at tulungan ang iyong anak na hanapin ang mga sagot… hanggang sa susunod na tanong!

Ang iyong anak ay kaya narin sumunod sa mga kumplikadong mga utos sa edad na ito, na nagpapahiwatig ng kanyang mabilis na nabubuong kognitibong kakayahan.

Ito ang ilang kognitibong milestones na maaasahan mula sa iyong 4 taon 5 buwang gulang:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Madadalian ka nang makipag-usap sa iyong anak.
  • Ang iyong anak ay kaya nang gumawa ng mga simpleng gawain, tulad ng pagligpit ng mga laruan, o pagpapanatiling malinis ng kanyang kwarto.
  • Sa edad na ito, ang mga bata ay mas nadadalian magbigay ng atensyon, kaya magandang panahon ito upang turuan ang bata ng mga bagong bagay.
  • Mayroon ba siyang panimulang pagkakaintindi sa oras, at kayang alalahanin ang mga nangyari nakaraan.

Mga Tips:

  • Patuloy na kausapin an iyong anak. Nakakatulong ito sa pagbuo ng kanyang bokabularyo, at dahil mas kaya na niyang magbigay ng atensyon, masmadali niyang maaalala ang mga tinuturo mo sakanya, binubuo ang kanyang memory skills.
  • Ito ay magandang panahon upang turuan ang iyong anak ng ikalawang lengwahe, kung nanaisin. Ang utak ng bata ay madaling nakakasabay, kaya madadalian siyang matuto ng bagong lengwahe habang bata.
  • Bigyang sustansya ang pagmamahal ng iyong anak sa pagbabasa, dahil ito ay importante para sa matibay na literacy skills.
  • Imbes na mga regular na laruan, mamuhunan sa STEAM (Science, Technology, Engineering, Arts, Maths) na latruan, dahil mahihikayat nito ang kognitibong development sa iyong anak sa pamamagitan ng paglalaro.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

  • Kung maramdaman na limitado ang span ng atensyon ng anak
  • Siya ay hindi parin makapagbigkas ng mga simpleng salita
  • Kung siya ay nahihirapan sumunod sa mga simpleng tagubilin, o kung siya ay hindi nakikinig kapag may ipinapagawa sa kanya

Ang iyong anak ay madaling makikisama sa mga batang ka-edad niya, at magkaka-problema sa pagkakaroon ng mga kaibigan.

Social at emosyonal na development

Pagdating sa social at emosyonal na development, ang iyong 4 taon 5 buwang gulang na anak ay magsisimulang magkaroon ng empatiya. Ibig sabihin nito ay maiintindihan niya ang nararamdaman ng iba, at maiintindihan kung paano naaapektuhan ang iba ng kanyang mga ginagawa. Ibig din sabihin nito ay ang iyong anak ay makikipagsalamuha nang masmaayos sa ibang bata, at mas madali sakanya ang magkaroon ng kaibigan.

Kung dati, ang iyong anak ay hirap magbahagi ng kanyang mga laruan, malalaman mo na sa edad na ito, mas madadalian siyang gawin ito. Siya rin ay mas may kontrol sa kanyang emosyon, at mas konti ang tantrums.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang ilang developments na makikita sa iyong anak:

  • Wala siyang problema sa paggawa ng mga bagay nang mag-isa, at mas may pagkakasarili
  • Mas madadalian kang ayusin ang kanuang ugali, dahil naiintindihan niya na ang mga tagubilin at alituntunin na iyong ibinibigay
  • Siya ay patuloy na naghahanap ng mga batang makakalaro, at halos walang problema sa pagkakaroon ng bagong kaibigan
  • Mas kaunti ang kanyang tantrums, at bihirang sisigaw
  • Ang iyong anak ay mas malinaw ang pananalita, at kayang pangasiwaan ang sarili kapag nakikipag-usap sa ibang tao

Mga tip:

  • Subukang mag-takda ng playdates kasama ang ibang bata, para ang iyong anak ay makahalubito kasama ang mga ka-edaran
  • Magpatupad ng ilang simpleng alituntunin sa bahay, tulad ng pagliligpit matapos maglaro, o pagligo bago matulog
  • Ihikayat ang pagsasarili sa pagpayag sa anak na gumawa ng simpleng gawain mag-isa tulad ng pagdadamit, o pagkain nang walang tulong
  • Magandang ideya ang pag-tuon sa pagtuturo sakanya ng social skills tulad ng pagbabahagi, empatiya, paggalang, at pakikinig

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng mga sumusunod na senyales, magandang ideya ang magpa-konsulta sa duktor upang malaman ang sanhi ng problema.

  • Nahihirapan makisama sa ibang bata, o nagsisimula ng away sa mga ito
  • Mas pinipiling maglaro mag-isa, at nabibigo o naiinis sa tuwing sinusubukan ng iba makipaglaro sa kanya
  • May labis na separation anxiety kapag iniiwan mag-isa, tulad sa daycare, o sa playschool
  • Kung ayaw niyang nakikipag-usap o nakikihalubilo sa ibang tao, kahit sa iyo, at mas pinipiling mapag-isa
  • Patuloy parin nagkakaroon ng malalang tantrums

Sa edad na ito, mas nadadalian ang mga bata na matuto at maka-intindi ng mga bagong salita

Pagsasalita at wika na development

Sa edad na ito, ang kakayahan ng bata na matuto ng mga bagong salita ay napupunta sa overdrive! Ibig sabihin nito ay siya ay patuloy-tuloy na magtatanong, magsasalita, at sumusubok matuto hanggang sa kaya niya. Hindi kakaiba na makita ang anak na tumuturo sa iba’t ibang senyales, at tinatanong ang mga ibig sabihin nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iyong anak ay minsan ding tuturo sa mga bagay at itatanong ang tawag nito, kaya maging handang magbigay ng mga sagot. Lahat ng daldal na ito ay tanda ng mabilis na development ng pagsasalita at wika.

Ito ang ilan pang mga milestones na aasahan:

  • Ang kanyang bokabularyo ay lalawak sa ganitong edad at susubukan niyang gamitin ang mga bagong natutunan na salita hangga’t maaari
  • Hindi siya nahihirapan magsalita ng mga buong pangungusap, at siya at nadadaliang makipag-usap sa ibang tao
  • Kaya din niya saumagot kapag tinatanong
  • Madali niyang naaalala ang mga bagong salitang itinuturo sa kanya

Mga tip:

  • Tumuon sa pagpapalawak sa kanyang bokabularyo, pati na ang pag-ensayo ng pakikipag-usap sa kanya
  • Ang flashcards ay magandang paraan ng pagturo ng mga bagong salita at konsepto sa bata. Siguraduhin na ang flashcards ay makulay at nakikita, at ang mga salita ay madaling mabasa
  • Huwag magalala kung ang bata ay nahihirapang gamitin sa pangungusap ang mga bagong salita, at turuan siya kung paano ito gamitin nang tama upang maalala niya
  • Kung magbabasa kasama siya, ituro ang salitang sinasabi upang matutunan ng bata ang pagkaka-angkop ng tunog ng salita sa pagkakasulat nito.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

  • Kung hindi niya kayang sabihin ang kanyang panggalan
  • Kung nahihirapan tandaan ang mga bagong salitang itinuro sa kanya
  • Nahihirapan parin siyang magsalita ng mga buong pangungusap
  • Siya ay nagkakaproblema, o nahihirapan, intindihin ang iyong sinasabi

Kung sakaling nagpapalota ang bata ng kahit ano sa mga senyales na ito, huwag matakot magpa-konsulta sa duktor. Sila at makakapagbigay ng tamang payo at pagtungo upang matulungang harapin ang iyong mga inaalala pagdating sa development ng pagssalita at wika.

Kasama ng exercise, ang pagkakaroon ng tamang pagkain ay makakatulong sa development ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kalusugan at nutrisyon

Sa 4 taon 5 buwang gulang, ang iyong anak ay nasa 101cm na tangkad at may bigay na nasa 15kg. Subalit, huwag mag-alala kung may kaliitan ang anak, dahil ang parehong tangkad at timbang ay may kinalaman sa genetics. Ang kailangang tandaan ay ang pagbibigay ng tamang dami ng pagkain at sustansya upang matulungang maiangat ang development.

Ang pagtulog sa hapon at pagkakaroon ng hindi bababa sa 9 na oras ng tulog sa gabi ay mahalaga. Nakakatulong ito sa paglaki ng katawan at utak ng bata.

Ito ay madaling maintindihan na chart na nagpapakita ng mga mahalagang nutrients na kailangan ng iyong anak:

Nutrient Dami na kailangan sa araw-araw Anong ipapakain sa kanila
Protein 20.1g (kasing laki ng kanyang palad) Nasa 3 isang pulgadang cubes ng walang tabang karne tulad ng sa baboy, manok, o isda kada kain
Fat 25g (nasa isang kutsara) 1/2 tasa ng avocado bilang meryenda
Fibre 25g (nasa isang kutsara) 1 tasa ng lutong pearled barley kada kain
Calcium 600mg (2 tasa) Nasa 2 tbsp. ng cheddar cheese kada kain

Mga bakuna

Sa 4 taon 5 buwang gulang, walang bagong bakuna, ngunit ang iyong anak ay dapat mayroon na ng mga sumusunod:

  • Diphtheria, tetanus, and whooping cough (pertussis) (DTaP) (5th dose)
  • Polio (IPV) (4th dose)
  • Measles, mumps, and rubella (MMR) (2nd dose)
  • Chickenpox (varicella) (2nd dose)

Kausapin ang duktor tungkol sa pagbibigay ng flu vaccine sa anak kada taon.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • May biglaang pagbigat/pagpayat
  • May mataas na lagnat (lagpas 39 degrees C)
  • Nagpapakita ng mabilis na pagpalit ng mood
  • May pamamaga o sakit pagkatapos mahulog

*Kung may inaaalala tungkol sa development ng iyong anak, mangyaring makipag-usap sa iyong pediatrician para sa propesyonal na payo.

 

Previous month: 4 years 4 months

Next month: 4 years 6 months

References: WebMDKids’ HealthCDC

Written by

Jan Alwyn Batara