Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 4 taon 7 buwang gulang

Is your 4-years-7-months-old child's development on track?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napansin ba na ikaw ay mayroon nang maliit na matanda sa bahay na 4 taon ay 7 buwang gulang? Tama – ito ang iyong anak. Siya ay lumalaki nang may kasarinlan, umaapaw ang tiwala sa sarili sa ilang panahon at maaaring maging masyadong bossy din!

Ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman ang mga karaniwang developmental milestones para sa iyong 4 taon 7 buwang gulang na anak. Tandaan na ang mga bata ay nagdedevelop sa sariling bilis, at maaari nilang makamit ang mga milestones sa ibang panahon. Mangyaring magpa-konsulta sa pediatrician kung nagaalala sa kanyang development.

Development ng 4 Taon 7 Buwang Gulang at Milestones: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?

Pisikal na development

Sa edad na 4 taon 7 buwang gulang, ang iyong anak ay dapat sobrang aktibo. | Source: Pixabay

Ang iyong anak ay maaaring magsimulang tumalon-talon kapag malapit nang mag 5pm dahil alam niyang oras na para mag-laro sa playground! Doon, hayaan ang bata na tumakbo, lumundag, umakyat, lumambitin sa monkey bars, magbato at sumipa ng bola hanggang nanaisin.

Ito ang perpektong oras para magturo ng mga kakayahan tulad ng pag-scooter, pagsakay sa tricycle o balance bike, o pagsagawa ng gymnastic drills tulad ng somersaulting at cartwheeling.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa puntong ito, dapat ang median height at weight ng iyong anak ay:

  • Lalaki
    • Height: 106.4 cm (41.9 in)
    • Weight: 17.5 kg (38.6 lbs)
  • Babae
    • Height: 105 cm (41.4 in)
    • Weight: 17.1 kg (37.7 lbs)

Abangan din ang mga sumusunod na kakayahan:

  • Ang iyong anak ay kayang mag-balanse sa isang paa nang ilang segundo
  • Kaya niyang lumaktaw
  • Kaya niyang magpatong ng hanggang 10 bloke
  • Ang anak mo ay kayang umakyat sa mga hakbang mag-isa, gumagamit ng isang paa matapos ang kabila (hindi parehong paa sa isang hakbang bago ang susunod)
  • Kayang maglakad ng ilang hakbang pa-atras

Mga tip:

  • Hayaan ang anak i-ensayo ang bagong natutunan na kakayahan at masiyahan sa kanyang kasarinlan. Subalit, tandaan na laging magdala ng tubig kung pupunta sa parke, at suotan siya ng helmet at knee pads kapag magsa-cycling o scootering. Kung mananatili sa labas hanggang takipsilim, magdala ng mosquito repellent.
  • Maglaro ng masasayang laro na nagpapalakas sa kasalukuyang kakayahan na pisikal. Halimbawa, maglakad nang 8 hakbang paatras, o magbalanse nang 10 segundo sa isang paa.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng kahit ano sa mga senyales sa baba, maaaring maging kapaki-pakinabang na bumisita sa pediatrician ng pamilya.

  • Hindi kayang magpatong-patong nang higit sa 8 bloke
  • Nahihirapan humawak ng crayon o brush pang pinta
  • Nahihirapan magbihis o maghubad mag-isa, kasama ang pagtoothbrush, paggamit ng kubeta, at paghugas at pagpunas ng kamay

Kognitibong development

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iyong 4 taon 7 buwang gulang ba ay madaldal o mas pala-isip? | Source: Pixabay

Maaaring kailanganin ng isang pares ng earplugs para sa sarili! Ang iyong anak ay maaaring natural na madaldal at magulat ka sa madaling pagpapanatili nito ng mahabang pakikipag-usap hindi lang sa iyo kundi pari sa kanyang mga kaibigan. Sa edad na ito, ang iyong anak ay makakagamit na ng lohika sa pagbigay at pagsagot ng mga tanong, na magpapabilib sa iyo sa proseso ng pag-iisip na dinadaanan nila.

Isa pa, ang iyong anak ay maaaring maging home entertainment system. Sa oras na siya ay malagay sa mood, makakaranas ng pagkanta, pagsayaw, pagganap at pati ilang magic tricks.

Ang ilan pang lengwahe at kognitibong milestones na maaaring makamit ng anak sa taon na ito ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Paggawa ng mga sarili niyang salita
  • Pagka-alam sa pagkakaiba ng kaliwa at kanan
  • Maintindihan paano gumagana ang mga bagay, halimbawa, magawang buksan at isara ang takip ng garapon
  • Maintindihan ang konsepto ng oras, halimbawa ay ang almusal ay sa umaga, tanghalian sa tanghali at hapunan sa gabi
  • Ang abilidad na maintindihan ang nakaraan, nangyayari at mangyayari. Halimbawa, pagkaka-alam ng nagawa, anong ginagawa at ano ang gagawin.

It may be easier on you as your child can now understand complex commands such as “Please keep your toys, change into your pyjamas and brush your teeth. It’s bedtime.”

Your child may also be able to write his own name and memorise your phone number and address.

Maaaring masmadadalian ka dahila ang anak ay nakakaintindi na ng mga kumplikadong utos tulad ng “Paki-ligpit ang mga laruan, magsuot ng pantulog at magsipilyo ng ngipin. Oras na para matulog.”

Maaaring makaya narin ng iyong anak na isulat ang kanyang panggalan at maalala ang inyong phone number at address.

Mga tip:

  • Ang iyong anak ay natututong tumanggap ng mga kumplikadong utos kaya tulungan siya sa pamamagitan ng paglinaw ng mga utos, pagpapanatiling simple, at pagpapa-igsi nito. Itakda sila para sa tagumpay!
  • I-ensayo ang positive reinforcement. Kung ang bata ay may nagawang tama, purihin sila upang ulitin ang kaugalian.
  • Hayaan ang anak na paglaruan ang mga simpleng gamit sa bahay. Magugulat ka sa kung paano nababago ng kanyang imahinasyon at pagkamalikhain ang simpleng kawali.
  • Paminsan-minsan, hayaan ang anak na maglaro ng mga sopistikadong laruan na humahamon at sumusubok sa kanyang kognitibong development.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung mapansin na ang iyong anak ay nagpapakita ng kahit ano sa mga senyales na ito, makakabuting patignan sila sa pediatrician.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagiging sobrang takot, mahiyain o agresibo
  • Hindu kayang tumuon sa isang gawain nang higit sa 5 minuto; madaling nagagambala
  • May limitadong dami ng interes
  • Hindi kayang sabihin ang kanyang buong panggalan
  • Bihirang nagpapanggap o nagpapantasya
  • Madalas parang malungkot, hindi masaya at hindi nagpapakita ng maraming emosyon

Social at emosyonal na development

Ang iyong 4 taon 7 buwang gulang na bata ay maaaring tila hindi nakikisama minsan, ngunit bahagi ito ng pag-hubog ng kanyang karakter. | Source: Pixabay

Cute na makita ang iyong anak kasama ang mga kaibigan, o nag-eenjoy talaga sa kanyang pakikipaglaro sa iba. Kanyang natututunan na ang mundo ay hindi umiikot sa kanya. Ngayon, kanyang naiintindihan na ang ibang tao ay ay may pakiramdam din!

“Ako naman!”
“Hindi! Tapos ka na, ako naman!”

Magsisimula mo nang marinig ang iyong anak na nagaayos ng mga salungatan at sana matuto na magbahagi at magbigay daan sa iba nang madalas!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang social at emosyonal na milestones ng iyong anak na maaaring makamit ngayong taon:

  • Maintindihan at sumunod sa mga panuntunan; ngunit maaari parin maging demanding at hindi nakikisama minsan
  • Kayang magparating ng negatibong emosyon sa salita imbes na pisikal

Mga tip:

  • Kung maging saksi sa alitan tulad ng nasa taas, iwasan ang kagustuhan na pumagitna. Hayaan ang anak na matutong ayusin ito mag-isa. Pumagitna lamang kung kinakailangan.
  • Hikayatin ang anak na iparating ang kanyang nararamdaman; maging positibo man o negatibo. Hayaan siyang ayusin ang sariling emosyon.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang bata ay:

  • Nagpapakita ng matinding separation anxiety
  • Ayaw makipaglaro sa ibang bata
  • Ayaw tumingin sa mata o sumagot sa ibang tao

Kalusugan at nutrisyon

Ito ang mga kailangan ipakain sa iyong 4 taon 7 buwang gulang upang makamit ang kanilang nutritionak goals. | Source: Pixabay

Ang average na 4 taon 7 buwang gulang na bata ay lalaki ng nasa 100.3-107.9cm sa tangkad at bigat sa pagitan ng 15.4 at 17.9kg na timbang. Ang nutrition ay importante sa paglaki at pagkatuto ng iyong anak at nagbubugay din ng lakas para sa mga nakakapagod na aktibidad.

Ang iyong anak ay kayang pakainin ang kanyang sarili at kayang sumubok ng iba’t ibang uri ng pagkain. Maghandog ng iba’t ibang pagpipilian para sa anak upang galugarin ang panlasa, kulay at texture at ang oras ng pagkain ay magiging kapanapanabik na pakikipagsapalaran na inaabangan ng iyong anak.

Ito ang sustansyang kakailanganin ng iyong anak upang makamit ang kanyang nutritional goals:

Nutrient Dami na Kailangan Araw-araw Anong Ipapakain sa Kanila
Calcium 1000mg 3 tasa ng full fat milk
Bitamina D 600-1000 IU (International Units) Halos isang oras na pagbilad sa araw sa umaga
Iron 10 milligrams 1 tasa ng wholegrain cereal o 100g ng karne ng hamburger o isang dakot ng mani
Bitamina C 25 milligrams Kalahati ng isang orange o sangkapat na tasa ng broccoli o 3 strawberry

Mga bakuna at mga karaniwang sakit

Ang iyong 4 taon 7 buwang gulang ba ay napapanahon ang bakuna? | Source: Pixabay

Sa edad na ito, ang iyong anak ay dapat natanggap na ang mga bakuna na ito:

  • Limang doses ng diphtheria, tetanus, and pertussis (DTaP) vaccine
  • Apat na doses ng inactivated poliovirus vaccine (IPV)
  • Tatlo o apat na doses ng Haemophilus influenzae type B (Hib) vaccine
  • Dalawang doses ng measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine
  • Tatlong doses ng hepatitis B (HBV) vaccine
  • Dalawang doses ng chickenpox (varicella) vaccine
  • Dalawa o tatlong doses ng rotavirus vaccine (RV)
  • Apat na doses ng pneumococcal conjugate vaccines (PCV, PPSV)
  • Isa o dalawang doses ng hepatitis A vaccine (HAV).
  • Flu vaccine (ginagawa kada-taon)

Common illnesses to look out for are cough, cold and ear infections, common flu, chicken pox, measles, mumps and possible food allergies.

Ang mga karaniwang sakit na dapat bantayan ay ubo, sipon at impeksiyon sa tainga, trangkaso, bulutong, tigdas, biki at posibleng alerhiya sa pagkain.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

  • Kung may makitang mabilis na pagbabago sa timbang ng bata, ito ay hindi magandang senyales.
  • May pabalik-balik na pagsusuka at/o diarrhea.
  • Ang iyong anak ay may mga pantal na hindi nawawala, o kaya ay masakit o ay malalim sa balat.
  • Ang lagnat sa edad na ito ay maaaring maghantong sa seryosong bagay, siguraduhin na magpa-konsulta sa duktor kung ang anak ay mainit o nagrereklamo na may masakit.

Previous month: 4 years 6 months

Next month: 4 years 8 months