Armado ng bag na puno ng lakas, tonelada ng mga kakaibang tanong, at isang masigasig na pagnanais na makipagkaibigan sa lahat, ang iyong 4 taon 8 buwang gulang ay isang maliit na taong dynamo. Siya rin ay nagiging mas-independent at may tiwala sa sarili.
Ngunit ito ay simula pa lamang ng pakikipagsapalaran ng iyong 4 taon 8 buwang gulang na bata. Sa artikulong ito, ating sasaliksikin ang development at milestones ng iyong 4 taon 8 buwang gulang na bata upang madali mong masundan.
Kasabay nito, mangyaring tandaan na ang mga bata ay nade-develop sa kanilang sariling bilis kaya, maaaring maka-abot ng “milestones” sa iba’t ibang panahon. Kung nag-aalala ka sa anumang paraan tungkol sa development ng iyong anak, laging pinakamahusay na gawin ang makipag-usap sa iyong pediatrician.
Development ng 4 Taon 8 Buwang Gulang at Milestones: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Siguradong iyong mapapansin na ang iyong 4 taon 8 buwan na anak ay umaapaw sa enerhiya, sobra na nahihirapan ka nang sumabay sa kanya. Maghanda para sa high octane cardio kadamihan sa mga araw, mga nanay at tatay, sa pagsubok mong tapatan ang energy levels ng iyong anak.
Mula sa hindi sanay na toddler, ang iyong little one ay mas kaaya-aya na ngayon at sigurado sa kanyang mga pag-galaw. Nawala na din niya ang labis na baby fat sa ngayon at mas mahaba, mas balingkinitan na ang mga galamay.
Mayroon ding panahon na ang kanyang kumpiyansa ay ay tila lumilipad, kaya mas gusto niyang subukan ang mga bagong panlabas na aktibidad. Ang iyong 4 taon 8 buwang gulang ay maaari ring gustuhin na mag-bisikleta nang walang training wheels.
Sa puntong ito, dapat ang median height at weight ng iyong anak ay:
- Lalaki
- Height: 107 cm (42.1 in)
- Weight: 17.7 kg (39 lb)
- Babae
- Height: 105.6 cm (41.6 in)
- Weight: 17.3 cm (38.1 lb)
Bilang karagdagan, dapat na magawa ng iyong little one ang mga sumusunod:
- Tumalon nang 12 hanggang 15 cm (5 hanggang 6 na pulgada) at bumaba sa kanyang dalawang paa nang hindi nahihirapan
- Tumayo sa isang paa nang higit pa sa 9 na segundo
- Matagumpay na pagtatangka ang somersault at pagtigil
- Kaya nang maglakad paharap at paatras nang madali
- Pagalawin ang kangyang mga nasasakyang laruan tulad ng tricycle
- Nagagawang magbato ng bola nang mataas, na may tunguhin
- Nakakapag-guhit ng mga gamit, hugis, at letra
- Bumuo ng tore ng 10 o higit pang mga bloke
- Magtuhog ng maliit na butil ng kahoy sa isang sinulid
- Matagumpay na umakyat ang mga hagdan at kagamitan sa palaruan
- Kayang gumamit ng kutsara at tinidor
Mga tip:
- Hayaan ang bata na galugarin ang kanyang kapaligiran, makakilala ng mga bagong tao at makapaglaro sa labas hangga’t maaari.
- Hikayatin ang bata na “sakupin” ang bagong kagamitan sa palaruan na hindi lamang nagtataguyod ng pisikal na development, kundi nagbibigay din sakanya ng kasiyahan sa pagsubong sa bagong bagay.
- Hayaan ang bata na bihisan ang sarili, lalo na sa mga damit na may butones. Nakakatulong ito sa pagpapabuti ng development ng motor skills.
- Hikayatin ang artistikong skills ng iyong anak para sa pagpapabuti ng motor skills at development ng pagiging malikhain.
- Magandaring ideya ang paghikayat na gumamit ng kubyertos nang mag-isa hindi lang para siya ay masanay sa kagamitan, kundi pati sa pagkain mag-isa.
- Ipakilala ang anak sa masayang sport tulad ng paglangoy. Ang paglangoy ay hindi lamang kinakailangan na kakayahan sa buhay, nakakatulong din ito sa pag-develop ng mga lumalaking muscles at nagbibigay-lakas sa mga katangian tulad ng pagtitiis at determinasyon.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi nakakapag-balanse nang ilang segundo sa isang paa
- Hindi nakakahawak ng lapis o crayon
- Hindi nakakagawa ng uri ng paghuhubad (halimbawa, pagtanggal ng pantalon) nang mag-isa
Kognitibong Development
Ang iyong 4 taon 8 buwang glang ay kaya na ngayon ang makipag-usap nang maayos. Dagdag padito, ang kanyang bokabularyo ay lumalawak bawat araw, isang tanda ng kognitibong development. Isa pang senyales at ang abilidad ng iyong anak na maintindhan ang mga kaniyang karaniwang gawain ayon sa oras (umaga/gabi).
In addition to these, there are a few more crucial cognitive developments you’ll notice at this age.
Dagdag pa dito, may ilang mga mahahalagang development na mapapansin sa edad na ito.
- Kaya niyang magbilang hanggang 20 o higit pa
- Magtatanong ng mga tanong tungkol sa mas kumplikadong phenomina: “Ano ang sanhi ng kulog?”
- Ang iyong anak ay nakakapag-bigkas ng mga sumpleng tula o kanta ng mga paboritong kanta nang tama
- Naiintidihan ang konsepto ng “pinaka-malaki” o “pinaka-matangkad”
- Gustung-gusto na magsasalaysay ng mga kuwento, kadalasan ay nagbigay ng mga dagdag na detalye
- Maaaring gumamit ng kakaibang, “nilikhang” lengwahe
- Madaling naiintindihan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bahay: “gusing,” “magsipilyo ng ngipin,” “halika na at maligo,” “kain tayo ng agahan.”
- Madaling nakaka sunod sa dalawa hanggang tatlong hakbang na tagubilin
Mga tip:
- Mag-bilang ng mga numero at ulitin ang alpabeto nang magkasama, at malakas. Kung nagkamali o tumigil sa gitna, ulitin o hayaan siyang pangunahan ito.
- Sagutin ang mga tanong ng iyong anak ng mga tanong upang mataguyod ang kritikal na pag-iisip at abilidad sa paglutas ng mga problema. Halimbawa, “Mommy, bakit kailangan natin hugasan ang ating mga buhok?” “Ano ang tingin mong dahilan kung bakit natin kailangan hugasan ang ating mga buhok, anak?”
- Mag-ensayo ng pagsusulat kasama ang bata gamit ang mga masayang pamamaraan, tulad ng pagnag-punta sa dalampasigan, turuan ang bata kung paano isulat ang kanilang panggalan sa buhangin.
- Ito ay magandang oras upang turuan ang iyong anak ng mga bagong tula, mga rhymes, at mga kanta. Ito ay hindi lamang upang maihanda siya para sa paaralan, kundi isa rin itong magandang aktibidad na masaya para sa iyo at sa iyong little one na gawin nang magkasama.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi matukoy ang anumang mga alpabeto, mga salita o numero
- Hindi makapagbilang nang higit sa lima
Social at emosyonal na development
Isang espesyal na milestone ng iyong 4 taon 8 buwang gulang ang positibong sigasig at kagustuhan ng iyong anak na kaibiganin ang lahat. Mapapamsin na ang iyong anak ay mas may kamalayan sa nararamdaman ng iba at nagpapakita ng empatiya at pagka-unawa.
Dagdag pa dito, may mapapansin pang ibang developments.
- Nasisiyahang makipaglaro sa iba at madalas na nakikita na nagsisikap na pasiyahan ang kanyang mga kasamahan
- Maaaring maging medyo bossy at subukang puwersahin ang mga kaibigan na sundan ang kanyang pamumuno
- Naiintindihan din ang konsepto ng pagmamalabis at pagmamataas. Huwag magulat kung siya ay making medyo mayabang at nagmamalaki ng mga nagawa.
- Nagsusumikap sa paggawa ng mga bagay nang mag-isa, ngunit maaaring mabigo kung ang mga bagay ay hindi nasunod ayon sa plano
- Sa yugtong ito, kanyang ikakatuwa ang dula-dulaan sa kanyang pagkukunwaring mundo
- Naiintindihan at sumusunod sa mga panuntunan ng laro
- Ay mas nagpapahayag ng galit at pagkabigo sa pamamagitan ng salita. Maaaring hindi siya maging pisikal ngunit siya ay gumagamit ng mga salita tulad ng: “Ayaw ko nang maglaro dito,” o “Hindi ko na gusto ang laruan na ito.”
Mga tip:
- Habang ang tantrums ay tiyak na mas kokonti, manatiling matiyaga at kalmado habang tinutulungan mo ang iyong anak na harapin ang kanyang mga kabiguan.
- Hikayatin siya na lumahok sa mga pang-grupong aktibidad at makisalamuha sa mga kapantay at kaibigan. Bigyan siya ng oras para makipagkaibigan sa iba at kung mapansin na nagiging agresibo, kalmadong turuan kung paano haharapin ang mga salungatan nang walang karahasan.
- Ipakita ang empatiya at kabaitan sa iyong sariling pag-uugali, na tiyak na tutularan ng iyong anak.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Ay sobrang mahiyain o agresibo at ayaw makipaglaro sa mga kapantay
- Nagpapakita ng matinding pagkabalisa kapag nahihiwalay sa magulang
Pagsasalita at wika na development
Makakapansin ng malaking pagpapabuti sa pagsasalita at wika ng iyong 4 taon 8 buwang gulang na anak. Siya ay madali nang makakagamit ng mga salitang preposisyon at pagaangkin. Ibig sabihin ang mga salita tulad ng “sa” at “ito” ay karaniwan sa kanyang bokabularyo. Kaya rin niya sagutin ang sino, ano, kailan, saan, bakit at paano.
Dagdag pa dito, ang kanyang pagsasalita ay halos tuluyan nang nang naiintindihan at siya ay nakakabuo na ng buong mga pangungusap. Marami pang mga nakakabighaning pagbabago at developments.
- Kaya na niyang baguhin at iangkop ang tono ng boses upang ipahiwatig ang nararamdaman. Halimbawa, maaari niyang sabihin “Mommy, pwede ko kainin ang ice cream na ito?” at itanong sa nagaalaga, “Gusto mo ng ice cream?”
- Kaya na madaling sabihin ang unang panggalan maging ang apelyido
- Nakikilala niya ang karamihan sa mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng pangalan at nakakaalala ng isang numero ng mobile phone
- Napaparating ang nararamdaman tulad ng galit, kasiyahan, at pagkalungkot nang mas mahusay
Mga tip:
Ang magandang balita sa paggiging 4 taon 8 buwang gulang ng iyong anak ay hindi mo na siya kailangan gamitan ng baby talk. Naiintindihan niya na nang maayos ang “pangmatandang” lengwahe. Ngunit para tulungan siyang makamit ito nang masmabilis, may ilang bagay na maaari mong gawin.
- Hikayatin ang development ng pagsasalita sa pamamagitan ng pag-awit ng mga rhymes, mga kanta, at pagbigkas ng mga tula kasama siya. Magbigay ng oras para magkasamang gawin ang aktibidad na ito nang may masmaraming pakikipag-ugnayan at interes.
- Kausapin siya tulad ng pakikipagusap sa kahit sinong matanda.
- Ulitin ang panggalan ng mga kamag-anak tulad ng mga kapatid, magulang, at pati nga lolo at lola upang mapabuti ang abilidad sa paggunita.
- Itanong siya tungkol sa kanyang araw at hikayatin na ulitin ang kanyang mga araw-araw na gawain. Maaari siyang tanungin: “Ano ang ginawa mo ngayong araw?” “Anong sinabi ng kaibigan mong si Angela sa’yo tungkol sa puno?” “Anong pinaka-nagustuhan mo sa tanghalian mo ngayong araw?”
- Palayain ang kanyang pag-ibig sa mga kathang-isip na mundo at hikayatin ang iyong anak na magsaysay ng mga kuwento mula sa ‘mundong ito’ sa iyo.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Tulad ng ibang milestones, ang development ng pagsasalita at wika ay nag-iiba sa bawat bata. Ang ilan ay maaaring naiintindihan na kumpara sa iba na kakailanganin pa ng oras. Subalit, kung mapansin ang mga sumusunod na babala, mas makakabuting bumisita sa duktor:
- Kung hindi siya makabuo ng kumpletong pangungusap o hindi masabi ang kanyang buong panggalan
- Hindi kayang palitan ang tono ng boses upang ipahiwatig ang nararamdaman
- Nagpapakita parin ng pagtantrums kapag hindi masaya, imbes na subukang sabihin ang nararamdaman
Kalusugan at nutrisyon
Ang araw-araw na sustansyang kailangan ng iyong anak ay lalaki. Siya na ay nangangailangan na ng pinakamaliit na 7,100kJ (1,700 kcal) nang nutrisyon sa araw-araw ay lumaki nang 104cm – 115cm.
Ang kanyang timbang ay tumaas din kahit saan sa pagitan ng 18 at 19 na kilo dahil siya ay pulga-pulgadang lumalapit sa proporsyon ng katawan ng matanda. Ang kanyang tangkad ay tataas ng halos 5 hanggang 8 cms kada taon mula ngayon.
Nutrient | Dami na kailangan sa araw-araw | Anong ipapakain sa kanila |
Calcium & Bitamina D | 1,000 milligrams ng calcium and 3,000 IU (International Units) ng bitamina D | 2 tasa ng gatas, isang tasa ng low-fat yogurt, at keso. |
Iron | 10 milligrams | 2 chicken sandwich, 1 pinakuluan o scrambled na itlog, o isang tuna melr patty na may beans, spinach, at kamatis sa tabi. |
Bitamina C | Hindi lalagpas sa 650 milligrams/ day | Isang isang-kapat na plato ng salad ng sariwang hiwa na kamatis, kamote, green peppers at isang tasa ng strarberries at isang orange. |
Mga bakuna at mga karaniwang sakit
Walang bakuna na nakatakda sa buwan na ito. Ngunit sa ngayon, siya ay dapat mayroon na ng mga sumusunod na bakuna:
- Diphtheria, tetanus, and whooping cough (pertussis) (DTaP) (5th dose)
- Polio (IPV) (4th dose)
- Measles, mumps, and rubella (MMR) (2nd dose)
- Chickenpox (varicella) (2nd dose)
- Influenza (Flu) (kada taon)
Kakailanganin din bantayan ang mga karaniwang sakit tulad ng trangkaso, bulutong, polyo, tigdas, biki, at mahalak na ubo.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Dagdag sa mga sustansya at bakuna, ang iyong anak at nangangailangan na regular na madala sa duktor. Kadalasan, siya ay kukunan ng temperatura, na masmagandang nasa 38 Celsius. Subalit, kung mapansin ang mga sumusunod na babala, mas makakabuting magpa-konsulta agad sa duktor:
- Kung ang iyong anak ay madalas nagkakasakit kumpara sa karaniwan (isang beses kada dalawang linggo)
- Nay napapansin na pagpapasa o bukol sa kanyang katawan
- Siya ay nagrereklamo ng mga nararamdamang sakit
References: NIH, WebMD, NHS-UK, CDC
Previous month: 4 years 7 months
Next month: 4 years 9 months