Development at paglaki ng 3-taon at 7-buwan na bata

Your precious little one is going to be four in just a few months!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi mo namalayan na ang iyong anak ay tatlong taon at pitong buwan na. Tinatawag na “magic years” ang panahon na ito dahil sa malikhaing imahinasyon ng mga bata sa ganitong edad. Ano nga ba ang dapat nating asahan na development ng 43-buwan na bata?

*Tandaan na ang mga development na nailahad dito ay patnubay lamang. Hindi pare-pareho ang lahat ng bata. Kung ikaw ay nag-aalala sa kalagayan ng iyong anak, huwag mag-atubiling dalhin siya sa kaniyang pediatrician.

Development ng 43-buwan na bata: Physical

Mapapansin mo na ang iyong anak ay mas maliksi na at malikot sa panahong ito. Kaya na niyang umakyat at baba sa hagdan na salitan ang paghakbang ng dalawang paa. Pati ang ibang mga furniture sa inyong bahay ay inaakyat na din niya. Minsan pa, makikita mo din siya na tuma-tumbling.

Sa edad na ito, makakabuti na hayaan siyang maglaro, magbisikleta o tumakbo sa inyong hardin o kaya ay sa park. Maari ka din na makipaglaro ng habulan sa kaniya.

Pagdating sa fine motor skills, kaya na ng 43-buwan na bata na gayahin ang blocks na binuo mo, maging ang kulay at pagkakaayos ng mga ito.

Mas kumportable na din siyang gumamit ng lapis at crayons. Kaya na niyang gayahin ang mga hugis na iguguhit mo sa papel.

Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Dalhin siya sa kiddie gym at hayaan mo siyang maglaro at gamitin ang kaniyang imahinasyon.
  • Kung mapansin mo na interesado siya sa gymnastics, i-enroll siya sa gymnastics class para matuto siyang magbalanse at maging flexible ang katawan.
  • Siguraduhin na may bantay siya habang naglalaro upang maiwasan ang mga aksidente tulad ng pagkahulog.
  • Turuan siyang magbisikleta nang walang training wheels.
  • Bilhan siya ng maraming coloring book na may kakaibang designs. Hikayatin siyang gawin ang iba’t ibang creative activities upang mas mahasa ang kaniyang malikhaing pag-iisip.
  • Bilhan siya ng iba’t ibang mga art materials tulad ng clay at water color.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung hindi pa din kaya ng iyong anak na hawakan ang crayon o gunting ng maayos, ito ay maaring delay sa kaniyang physical development. Kumonsulta sa pediatrician para matingnan kung may problema sa kaniyang muscle o gross motor skills.

Development ng 43-buwan na bata: Cognitive

Isa sa development ng 43-buwan na bata na iyong mapapansin ay ang pagiging matanong at mausisa. Asahan ang madaming “bakit” na tanong.

Sa edad din na ito, alam na niya ang iba’t ibang mga kulay pati na din ang konsepto ng magkapareho at magkaiba. Mahilig siyang maglaro gamit ang kaniyang imahinasyon tulad ng pretend play. Naniniwala din siya sa magic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya na din niyang gawin ang magkakasunod na utos tulad ng “Pumunta ka sa ref, kunin mo ang mansanas at ilagay ito sa mesa.” Mas naaalala na din niya ang mga kwento o palabas sa TV. Alam na din niya ang ibig sabihin ng kahapon at ngayon. Kaya na niyang magbilang, bumuo ng puzzle at unti-unting maintindihan ang iba’t ibang textures.

Mapapansin mo din na kasabay ng kaniyang kakayahan na magbihis mag-isa, may mga paborito na din siyang damit at mga ayaw isuot.

Mas kaya na din niyang ituon ang kaniyang pansin sa kaniyang ginagawa kahit may mga distraction sa paligid. Ito ay dahil nagsisimula nang madevelop ang kaniyang konsentrasyon na kaniyang kailangan kapag nagsimulang mag-aral.

Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hayaan ang iyong anak na tumulong sa mga gawaing bahay tulad ng pagliligpit ng kaniyang mga laruan.
  • Maging pasensyoso kahit madami siyang tanong. Gamitin ang pagkakataon na ito upang turuan siya ng iba’t ibang mga bagay.
  • Siguraduhin na ang kaniyang mga pinapanood sa TV ay angkop sa kaniyang edad. Hangga’t maaari, mas mabuti na bigyan siya ng mga educational materials.
  • Isama ang iyong anak sa pagbili ng kaniyang damit at hayaan siyang pumili ng kaniyang gusto.
  • Hayaan ang iyong anak na ituon ang kaniyang pansin sa kaniyang ginagawa at iwasan siyang istorbohin upang mas madevelop ang kaniyang konsentrasyon.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung ang iyong anak ay may maikling attention span o kaya ay hindi man lang nagtatanong, makakabuti na sumangguni sa pediatrician para sa nararapat na gawin.

Development ng 43-buwan na bata: Social at Emotional

Habang mas nagiging independent ang iyong anak, mapapansin mo na mahilig siyang maglibot mag-isa pati na din ang pagbulong-bulong sa kaniyang sarili. Ito ay normal lamang. Parte ito ng kaniyang malawak na imahinasyon.

Mapapansin mo din na nakikihalubilo na siya sa mga group activities. Mas sensitibo na din siya sa nararamdaman ng iba at unti-unting naiintindihan ang mga non-verbal cues.

Sa edad din na ito nagsisimula ang pagbuo ng kaniyang identity.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips:

  • Hikayatin siyang lumahok sa iba’t ibang social activities upang matutunan ang teamwork.
  • Ipaliwanag sa kaniya ang iba’t ibang emosyon tulad ng pagseselos upang malaman niya paano sabihin ang kaniyang nararamdaman.
  • Hayaan siyang maglaro mag-isa kapag nasa bahay at gamitin ang kaniyang imahinasyon.
  • Makinig at bigyan ng atensyon kung ano man ang sinasabi ng iyong anak.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung ang iyong anak ay patuloy na nakakaranas ng separation anxiety, hindi nakikipaglaro sa ibang bata, o hindi tumutugon sa ibang tao, makakabuti na dalhin siya sa doctor.

Source: Pixabay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Development ng 43-buwan na bata: Speech at Language

Bahagi ng development ng 43-buwan na bata ang kakayanang magsalita ng 250 hanggang 500 na salita pati na din ang bumuo ng mga pangungusap na may anim na salita.

Kaya na din niyang sumagot sa mga simpleng tanong tulad ng kaniyang pangalan, edad at iba pang bagay.

Tips:

  • Hayaan ang iyong anak na magkwento.
  • Turuan ang iyong anak ng mga bagong salita gamit ang flash cards at media.
  • Kwentuhan mo ang iyong anak.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung ang iyong anak ay hirap pa din bumuo ng mga simpleng pangungusap o kaya ay nalilito pa din sa “ikaw” at “ako”, maaring siya ay nakakaranas ng problema sa language o speech. Dalhin siya sa doctor o speech expert para makapagmungkahi sila ng therapy o activity para sa iyong anak.

Development ng 43-buwan na bata: Health and Nutrition

Ang isang 43-buwan na bata ay may taas na 88 hanggang 111.7 cm at 10.6 hanggang 22.4 kg na timbang.

Hayaan ang iyong anak na kumain ayon sa kaniyang appetite. Huwag siyang pilitin kumain kung hindi na niya kaya.

Karamihan sa mga bata sa edad na iyo ay namimili na ng pagkain na kanilang kakainin. Eto ang isang sample menu kung ano ang maaari mong ihanda para sa iyong anak:

Agahan 1 wholegrain toast na may 1 kutsara ng peanut butter at 1 tasang gatas
Meryenda 1 tasa ng blueberries at kalahating tasa ng yogurt
Tanghalian 1 maliit na burger (na may salmon, chicken o beef), potato fries at maliit na orange o kaya

Fried brown rice na may chicken o beef at kalahating mansanas

Meryenda Carrot o cucumber stick na may hummus o tzatziki
Hapunan Kalahating tasa ng whole grain penne o macaroni na may tomato sauce, steamed vegetables at ¼ tasa ng strawberries

Tips:

  • Hainan ang iyong anak ng iba’t ibang masustansyang pagkain araw-araw. Kung mayroon siyang hindi kainin, subukan na ihain ulit ito sa ibang araw.
  • Bigyan siya nang sakto lang na dami ng pagkain.
  • Iwasan hanggang maari na manood siya ng TV upang hindi siya mahikayat sa mga hindi masustansyang pagkain tulad ng fast food na makikita sa mga patalastas.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung ang iyong anak ay hindi tumataas ang timbang, mabuti na dalhin siya sa nutritionist o doctor. Ang mga bata sa edad na ito ay dapat nakakaranas ng growth spurt.

Maging maingat sa mga seasonal na sakit tulad ng chicken pox at dengue, pati na din ang hand, foot and mouth disease.

Huwag palampasin ang pagkakataon na ito upang bumuo ng magagandang alaala kasama ang iyong 43-buwan na anak.

 

Source: WebMD

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Marasigan

Previous month: 42 months

Next month: 44 months

Written by

Sarah Voon