Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 5 taon 10 buwang gulang

In this article, we examine what is expected in terms of your 5 years 10 months old child's development and milestones, and when you should be worried.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdating ng 5 taon 10 buwang gulang, mapapansin na lumalaking independent ang iyong anak. Siya ay mas coordinated pagdating sa pisikal at gross motor skills. Binibigyan siya nito ng kumpyansa sa paggawa ng desisyon at paggawa ng bagay mag-isa.

Ano pa ang mga developmental milestones na aasahan ngayong buwan? Alamin natin. Alalahanin lamang na walang mga bata ang pareho. Dahil dito, ang iyong anak ay nade-develop sa sariling bilis, umaabot ng milestones nang mas-maaga o mas-late sa mga ka-edad. Kung inaalala ang kanyang development, kausapin ang iyong pediatrician.

Development ng 5 Taon 10 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?

Pisikal na development

Sa ngayon, ang iyong anak ay kaya nang mag-bike, mag-jump rope, magbalanse saglit sa isang paa, bumaba ng hadgan nang hindi inaalalayan, lumaktaw, at sumalo ng malaking bola. Ang iba pa ay nakakalahok na sa mga pang-grupong laro tulad ng football.

Ang kanyang fine motor skills ay bumubuti rin, na makakatulong sa kanya sa pagtali ng sintas ng sapatos at pagsara ng zippers at butones.

Maaari narin malaman kung siya ay kaliwete o hindi.

Ang ilan pang mga pisikal na developments niya ay:

  • Humahawak ng lapis gamit ang tatlong daliri
  • Kayang isulat ang sariling panggalan
  • Kayang kumopya ng mga hugis
  • Matanggalan ng 1 o 2 baby teeth na mapapalitan ng permanent teeth
  • Kayang gumamit ng bicycle
  • Magaling lumaktaw
  • Nakakapagbalanse sa isang paa nang ilang segundo habang nakapikit ang mga mata
  • Nakaka-sipa ng bola
  • Nakaka-gupit at dikit ng mga hugis sa papel

Mga tip:

  • Magtabi ng oras para sa paglalaro araw-araw. Natututo sila ng maraming pisikal, social, emosyonal at pagiisip na kakayahan sa paglalaro.
  • Hikayatin siyang tumulong sa mga gawaing bahay. Hindi lamang nito nahahasa ang kanyang kognitibo at fine motor skills, napapataas din nito ang kanyang kumpiyansa sa sarili.
  • I-limit ang video games, paggamit ng computer, at panonood ng TV. Siguraduhin na hindi maaapektuhan ng screen time ang pisikal na paglalaro, pagtulog at oras ng pamilya.
  • Magandang oras ito upang ipasok siya sa swimming lessons, pagsasayaw o football.
  • Huwag na huwag siyang papaluin at aalugin. Ang pagaalog ng bata ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo sa loob ng utak o pati permanenteng pinsala sa utak.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor

Kapang ang iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Nalilimutan ang mga kakayahan na nagagawa na
  • Hindi nakakahawak ng lapis nang maayos
  • Hindi nagpapakita ng interes sa mga letra o pagsubok na isulat ang sariling panggalan
  • Lubhang malamya kapag aktibo
  • Tila nahihirapan makakita o makarinig nang maayos

Kognitibong development

Mastumatagal na ang kanyang pagtuon ngayon, umaabot na ng hanggang 15 minuto. Naiintindihan niya na ang simpleng konsepto tulad ng numero, oras (ngayon, bukas, kahapon), alam ang iba’y ibang panahon, nakikilala ang itsura ng ibang salita, at sinusubukang magbasa ng salita sa pagbigkas ng mga letra.

Ito ang listahan ng tanda ng kognitibong development na maaaring mapansin:

  • Naiintindihan ang konsepto ng numero, at nakakabilang hanggang 20
  • Alam ang primary colors
  • Alam ang pinagkaiba ng umaga at gabi, pati kanan at kaliwa
  • Nasasabi ang oras
  • Nakakapagulit ng tatlong numero nang pabalik
  • Sanay na sa alpabeto
  • Nakakabasa ng ilang sight words
  • Nakakatuon sa isang gawain nang hanggang 10-15 minuto
  • Nagtatanong at nakakapagrason kapag tinanong ng “Bakit?”
  • Naiintindihan ang “tama” at “mali” at ang konsepto ng tuntunin

Mga Tips:

  • Ikuha siya ng library card. Ang madalas na pagpunta ng silid aklatan ay magpapalawak sa kanyang bokabularyo, imahinasyon, at kagustuhang matuto. Magandang aktibidad ito para mapa-isip sila. Tanungin siya kung ano ang mamumungkahi niyang katapusan sa paboritong libro upang mapa-isip siya nang kritikal at kakaiba.
  • Ang paglalakad sa kalikasan, museyo at zoo ay magbibigay ng multi-sensory na experience na kailangan sa edad na ito.
  • Ang pagluluto nang magkasama ay nagtuturo ng math skills sa masayang paraan. Kapag nagba-bake ng cake nang magkasama, hayaan siyang sumukat sa mga sangkap na gagamitin habang sinasabi ang sunod na gagawin.
  • Ang mga organisadong sports tulad ng football ay nakaka-suporta sa kanyang development, at nakakapagturo sakanyang sumunod sa direksyon at mag-isip nang mabilis.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor

Kapang ang iyong anak ay:

  • Nahihirapan sumunod sa simpleng tagubilin
  • Hindi nakakabilang hanggang 20
  • Hindi alam ang alpabeto
  • Hindi nagpapakita ng interes sa pagtatanong o pagtuto ng mga bagong kaalaman
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nag-eenjoy ang iyong anak na kasama ang iba pang mga bata.

Social at emosyonal na development

Sa ngayon, mas nako-kontrol na at mas napaparating ng malinaw ng iyong anak ang kanyang emosyon.

Kahit pa natutuwa siyang maging independent, siya parin ay dumidepende sa iyong dalang seguridad at kaginhawaan.

Habang lalo siyang natututo at nagbabasa, made-develop din ang kanyang takot sa hindi naiintindihan tulag ng multo o kamatayan. Maaari ka niyang sabihan ng, “Ayaw kitang mamatay” o “Kailang ka mamamatay?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagsisimula ng primary school ay maaari rin maging isang malaking hamon sa iyong anak. Ang mga bagong tuntunin, bagong mga kaibigan, at masmalaking pagsisikap sa pagaaral ay maaaring maging sanhi ng pagiging masungit at pagod niya.

Alamin na ito ay lilipas din. Masasanay din siya sa ganitong gawain.

Abangan ang mga sumusunod na developments sa edad na ito:

  • Humihingi ng tawad sa pagkakamali
  • Nababawasan ang pagiging agresibo
  • Natutuwang gumawa ng mga bagong kaibigan, at handang magpahiram at bigay daan. Maaaring mas piliin na makipaglaro sa kapareho ng kasarian.
  • Naiintindihan ang kasarian at maaaring masmakita ang sarili sa magulang na kapareho ng kasarian
  • Ginagamit ang imahinasyon sa paglalaro
  • Maaaring magsinungaling ngunit normal lang ito

Mga tip:

  • Hayaan ang batang gumawa ng sariling desisyon pagdating sa sports at laruan. Matutulungan siya nito sakanyang kumpiyansa sa abilidad at sarili.
  • Ang playdates ay magandang paraan upang magka-oras sa ibang bata, lalo na kung pareho sila ng paaralan.
  • Pag-isipan siyang ipasok sa mga aktibidad pang grupo, tulad ng sports at art class.
  • Turuan siya tungkol sa kanyang ari, at sa stranger danger.
  • Maaaring mag-nail bite o thumb suck. Karaniwan ito sa mga bata bilang coping mechanism, lalo na kung naninibago sa kapaligiran.
  • Ginagaya ng bata ang iyong kaugalian kaya maging tao na gusto mong maging ng anak mo. Magpakita ng respeto, pagiging mabait at empatiya sa iba at magiging ganito rin ang iyong anak.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor

Kapang ang iyong anak ay:

  • Nagpapakita ng lubos na emosyon, nagiging bayolente o nagta-tantrums parin nang madalas
  • Ayaw makipaglaro sa ibang bata, nilalayo ang sarili at tila depressed
  • Naiihi o nadudumi parin sa salawal
  • Nahihirapang matulog sa gabi o manatiling tulog

Pagsasalita at wika na development

Ang iyong anak ay mabilis na natututo ng mga bagong salita, hanggang 5-10 bagong salita araw-araw. Magiging madaldal siya at mag-eenjoy sa mga biro at bugtong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maiintindihan niya na rin ang posisyanal na bokabularyo, at maiintindihan kapag sinabi mong “sa taas ng,” o “sa ilalim ng,” o “sa tabi ng.”

Ito ang karamihan sa magagawa niya sa edad na ito:

  • May matibay na bokabularyo na, 2,000 salita o higit pa
  • Nakakapagsalita ng buong pangungusap
  • Gumagamit ng tamang tense
  • Nakakaintindi na ng jokes at puns, at nagpapakita ng sense of humor.

Mga tip:

  • Read to your child. Nurture his love for books by taking him to the library or bookstore. Let your child choose what he wants to read. While reading with your child, stop and ask your child to guess what will happen next. Help him think, by asking questions about what’s happening in the story.
  • Help your child develop good language skills by speaking to him in complete sentences and using “grown up” words. Help him to use the correct words and phrases.
  • Your child will enjoy books with rhyming songs and riddles at this age.
  • Basahan ang anak. Alagaan ang kanyang pagmamahal sa libro sa pagdala sakanya sa silid aklatan at bookstore. Hayaan siyang pumili ng gustong basahin. Habang binabasahan, tumigil at ipahula sakanya ang sunod na mangyayari. Tulungan siyang mag-isip sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa nangyayari sa kwento.
  • Tulungan siyang magdevelop ng kakayahan sa wika sa pamamagitan ng paggamit ng mga buong pangungusap kapag kausap sila. Tulungan siyang gumamit ng mga tamang salita at kausapin siya na para naring matanda.
  • Mae-enjoya niya ang mga libro na may rhymes at bugtong sa edad na ito.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor

Kapang ang iyong anak ay:

  • Hindi nagsasalita nang may sapat na linaw para maintindihan
  • Hindi gumagamit ng mga pangungusap na lagpas sa tatlong salita
  • Hindi gumagamit ng plurals at past tense nang maayos

Kalusugan at nutrisyon

Kailangan niya ng nasa 1,200-2,000 na calories sa buong araw, depende sa antas ng paglaki at aktibidad niya. Kasama dito ang:

  • Protein 3-5.5 ounces

Kakailanganin niya ng 2 hain ng protein araw-araw. Ang isang hain ay katumbas ang 1-3 kutsara ng karneng walang taba, manok, isda, 4-5 na kutsara ng dry beans at peas o 1 itlog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Prutas 1-2 tasa

Ang isang tasa ng prutas ay katumbas ng 1 tasa ng sariwa, frozen, o delatang prutas, 1/2 tasa ng pinatuyong prutas, kalahati ng malaking mansanas, isang 8-9 na pulgadang saging, o isang katamtaman na grapefruit.

Kung gusto niyang uminom ng fruit juice, siguraduhing 100 porsyentong juice ito na walang added sugars.

  • Gulay 1.5-2.5 tasa

Ang isang tasa ng gulay ay katumbas ang 1 tasa ng luto o hilaw na gulay, 2 tasa ng mga halamang gulay, 1 malaking kamatis, o 2 katamtamang carrots.

Pilitin na makapagbigay ng iba’t ibang gulay, kasama ang dark green, red at orange, beans at peas, starchy at iba pa, kada linggo. Sa pag pilig ng naka-lata o frozen na gulay, piliin ang mas mababa ang sodium.

  • Grains 4-6 ounces

Ang isang ounce ng grains ay katumbas ng isang hiwa ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat cereal, o 1/2 na tasa ng lutong pasta o cereal.

Piliim ang whole grains tulad ng whole-wheat bread, oatmeal, popcorn, quinoa, o brown o wild rice. I-limit ang refined na grains tulad ng white bread, pasta, at kanin.

  • Gatas/Dairy 2.5 tasa

Maaaring palitan ang 1 tasa ng gatas ng 1 tasa ng yogurt o soy milk, 1½ ounces ng natural na cheese, o 2 ounces ng processed na keso

Mga bakuna at karaniwang sakit

Walang bagong bakuna na kailangan ngayong buwan. Upang malaman kung ang mga bakuba na mayroon na dapat siya, at upang matignan kung ang kanyang schedule ay na-update, pumunta dito.

Maaaring siya ay madali pang makakuha ng sipon, trangkaso at iba pang karaniwang sakit tulad ng Hand, Foot and Mouth disease. Kahit pinapatibay nito ang kanyang immunity, magpakonsulta parin sa duktor kapag nagpapakita na siya ng malulubhang kawalan ng ginhawa, pagsusuka, diarrhea o lagnat.

Turuanat hikayatin siya na panatilihing malinis ang pangangatawan, lalo na ng paghuhugas ng kamay.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor

Kapang ang iyong anak ay:

  • Mayroon siyang lagnat na lumalagpas ng 39 degrees Celsius
  • May kakaibang pasa, bukol o pantal
  • Patuloy na nagrereklamo ng masakit na ulo o iba pang bahago
  • Nagsusuka o may diarrhea na lagpas na sa dalawang araw

Reference: Web MD

Written by

Jaya