Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 5 taon 4 buwang gulang

In this article, we will track the physical, cognitive, language, emotional, and medical development and milestones of your 5 years and 4 months old

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay lubos na nakakasabik at nakakahamon na panahon para sa iyong 5 taon 4 buwang gulang na anak. Siya ay nakakaramdam na siya pa ay baby pero siya rin ay isa nang preschooler. Dahil dito, makakapansin ng mga magkakaibang emosyon sa kanyang paguugali.

Ang magandang balita ay ito rin ang edad na masmagkaka kontrol siya sa kanyang emosyon. Maiintindihan niya nang mas mabuti at makakasunod sa mga tagubilin. Makakatulong ito sa masmatagal na pagaaral, pagtuon sa turo ng guro, at masmabilis na pagkatuto.

Ano pa ang aasahan mula sa 5 taon 4 buwang gulang na anak? Tignan natin habang inaalala na bawat bata ay natututo at nade-develop sa sariling bilis. Kung nagaalala tungkol sa paglaki ng anak o may mga tanong tungkol sa kanyang development, mangyaring magpakonsulta sa pediatrician.

Development ng 5 Taon 3 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?

Sa edad na ito, nababawasan na ang kanilang pagkataba at mas nagmumukha nang grade-schooler. | Image courtesy: Pixabay

Pisikal na development

Sa 5 taon 4 buwang gulang, naiwanan na ng iyong anak ang pagiging toddler. Sa edad na ito, ang mga bata ay pumapayat at mas humahaba ang mga galamay. Ito ay dahil bumabagal na ang kanilang pagtaba at nagkakaroon na ng muscle.

Pagdating sa pisikal na development, mapapansin na siya ay bibigat nang 1.8-2kg sa taon na ito at tatangkad nang hanggang 2 pulgada. Magiging 20/20 narin ang paningin niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag dito, tignan ang mga sumusunod na development at milestones ng mga 5 taon 4 buwang gulang:

  • Ang laki ng ulo ay halos kasing laki na ng pang-matanda
  • Magsisimula nang mawalan ng baby teeth
  • Ang proportion ng katawan ay parang pang-matanda na
  • Sobrang aktibo
  • Kaya nang sumunod ng tingin at may binocular vision
  • Makakapaglakad paatras nang toe-to-heel na direksyon
  • Kaya nang umakyat-baba ng hagdanan
  • Kayang hawakan ang mga daliri sa paa nang hindi natutupi ang tuhod at maaaring magawang mag-somersault, kung maturuan nang maayos
  • Makakayang maglakad sa balance beam at lumaktaw nang nagbabago ang paa
  • Kayang mag bike o tricylce
  • Tumatalon at lumulukso nang hanggang 10 hakbang paharap nang hindi tumutumba
  • Kayang magpakita ng sapat na kontrol sa markers at lapis, at nakakapagkulay nang hindi lumalagpas sa linya

Dagdag sa mga ito, mapapansin din na ang bata ay nagpapakita na ng hand dominance. Kaya niya narin gumawa ng 3D structures gamit ang maliliit na cubes sa pamamagitan ng pagkopya sa mga imahe.

Mga tip:

  • Tulungan siyang gamitin ang lakas sa pagtuto ng mga bagong kakayahan at paglahok sa mga pisikal na aktibidad. Magagawa ito sa pagpasok sa kanya sa mga angkop na sports at pisikal na aktibidad.
  • Turuan siya ng tamang asal sa hapag-kainan kasabay ng pagkaya niya sa mga kobyertos.
  • Hikayatin siyang maging independent sa araw-araw na gawain habang hinahasa ang fine motor skills. Bigyan ng mga aktibidad tulad ng pagsintas ng sapatos at pagsara ng butones at zipper.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor

Kung ang iyong anak ay:

  • Hindi nakakalakad nang diretso o tayo sa isang paa, o talon
  • Nahihirapan humawak ng lapis
  • Hindi nakakahawak at gamit ng kobyertos
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa 5 taon 4 buwang gulang, kaya na ng iyong anak ipag-hiwahiwalay ang mga gamit base sa karaniwang itsura, tulad ng pagkain, hayop, o laruan. | Image courtesy: Pixabay

Kognitibong development

Tulad ng mabilis niyang development sa katawan, sumasabay din ang kanyang isip. Ang kanyang kognitibong development ang nakakatulong sa pagsagot niya ng mga komplikadong prublema, paghiwa-hiwalay ng mga gamit, at pagtatanong.

Asahang makita ang mga ito sa iyong 5 taon 4 buwang gulang:

  • Magbilang hanggang 20 o higit. Maaaring umabot ng 100
  • Mag-uri ng gamit base sa kulay o hugis
  • Gumawa ng kwadrado mula sa mga tatsulok na bloke
  • Naiintindihan ang konsepto ng “pinaka.” Kaya rin niyang pagsunod-sunurin ang mga gamit base sa laki.
  • Pangunang pagkakaintindi sa konsepto ng rank: una, pangalawa, at huli
  • Kaya ng iba na masabi ang oras sa orasan
  • Nakakakilala ng mga barya at nagsisimula nang magtabi ng pera
  • Madaling naiintindihan ang konsepto ng kalahati
  • Maraming mga tanong lalo at ma-usisa sa mga nasa paligid na bagay at tao

Mga Tips:

  • Ipakilala siya sa iba’t ibang aktibidad. Pakitaan ng mga bagon “laruan” tulad ng orasan, para matuto ng bagong kakayahan at konsepto.
  • Mag-ensayong magsulat ng mga letra nang magkasama. Gawin itong masaya sa paggawa nito sa buhangin o mula sa maliliit na bagay.
  • Bigyan siya ng mga tagubilin na may tatlong bahagi. Gabayan siya kung kailangan.
  • Mag-ensayo ng pagbibilang ng gamit at tao, pati na ang pagbabasa/pagbibigkas ng mga salita at alpabeto.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi makabilang hanggang lima o makakilala ng mga salita o letra
  • Hindi interesado sa kapaligiran at bihirang magtanong

Sa 5 taon 4 buwang gulang, siya at masunuring bata na sumusunod sa mga magulang at nagaalaga. | Image courtesy: Pixabay

Social at emosyonal na development

Sa edad na 5 taong gulang, marami na siyang nabuong pagkakaibigan at may best friend na.

Makikipaglaro din siya nang maayos, mapagbigay sa laruan, at bukal sa loob magpahiram. Lumalahok din siya sa mga laro at aktibidad pang grupo. Mapapansin din na magsasabi ito ng gustong laro na may isang haka-haka na set up.

Siya rin ay nagiging kawili-wili. Gusto niyang nagpapasaya ng pamilya at kaibigan sa pagtatanghal sa mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ibang social milestones ay ang sumusunod:

  • Siya at maalaga, supportive, at nagpapakita ng empatiya
  • Masunurin siya at nakikinig madalas
  • Nangangailangan ng madalas na paalala ng iyong pagmamahal
  • Mas nakakapag-kontrol na ng emosyon at bihira o hindi na nagta-tantrums
  • Natutuwang makipag-usap sa mga kapamilya at kaibigan
  • Maaaring magyabang ng mga kaya niya

Mga tip:

  • Sa paghahanap ng kaibigan, makakaranas din siya ng pagtanggi. Ang komyunikasyon ay kailangan para mapa-intindi sakanya na normal lang ito.
  • Bigyan siya ng kalayaan sa pagpili ng mga kaibigan. Huwag magpilit ng tao sa kanya.
  • Bantayan siya sa mga aktibidad sa klase at palaruan lalo na kung parang lumalayo sa bahay. Ang pambubully ay karaniwan sa puntong ito habang nagpapakita ng awtoridad ang mga bata as mga kalaro.
  • Huwag magpigil magpakita ng pagmamahal ay suporta sa iyong anak.
  • Ihikayat ang panlabas na aktibidad kasama ang ibang bata.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Laging pala-iwas at ayaw makipag-usap kahit kanino
  • Ayaw pumunta ng paaralan o makipaglaro sa mga kaibigan sa bahay
  • Nagrereklamo tungkol sa sakit ng tyan (maaaring sintomas ng pagkabalisa)

Pagsasalita at wika na development

Sa 5 taon 4 buwang gulang, kaya na niyang sabihin ang mga gusto at kailangan. Kaya niyang ipa-intindi ang mensahe sa lahat pati na ang pag-react nang positibo sa mga tagubilin.

Sa puntong ito, ang bokabularyo niya ay nasa 1,500-2,000 na salita na o higit pa. Kaya niya narin tukuyin ang isang bagay base sa gamit nito. Maaari niyang sabihin, “ang bola ay tumatalbog,” o “ang kama ay tulugan.”

Importanteng senyales ng development ng 5 taon 4 buwang gulang ang malinaw na pagsasalita. Kaya na niyang magsalita ng pangungusap na may lima hanggang pitong salita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iba pang milestones sa pagsasalita at wika na maaaring maabot niya ay:

  • Kayang kumilala ng nasa 4 hanggang 5 mga bagay
  • Kayang makaalala ng kuwento base sa mga larawan
  • Nakakakilala ng nasa 10 kulay
  • Alam kung ano ang biro at kayang gumawa ng sarili niyang jokes
  • Kayang sabihin ang sariling panggalan, tirahan, at panggalan ng mga magulang
  • Kayang sumagot ng telepono at kumuha ng mensahe
  • Hindi nahihirapang gumamit ng past tense

Mga tip:

  • Hikayatin siyang magbasa ng simpleng libro para matuto ng mga bagong salita at maiayos ang sariling mga pangungusap.
  • Turuan maalala ang mga panggalan ng mga kapatid, magulang at tirahan. Sa edad na ito, madali niyang maaalala ang mga ganitong bagay.
  • Magbuo ng mga pangungusap kasama siya at magbigkas ng mga tula o rhymes.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Hindi nakakapagsalita ng maayos at kinakain ang salita
  • Hindi naaalala ang mga panggalan ng mga magulang at kapatid
  • Hindi nakakapagsabi ng maayos na pangungusap

Sa 5 taon 4 buwang gulang, kailangan niya ng minimum na 7,500 lJ (1,800 kcal) araw-araw, at sapat na tulog at regular na sustansya. | Image courtesy: Pixabay

Kalusugan at nutrisyon

Ang iyong anak ay nasa 17kg-19kg ang bigat at 41.7 – 44.2 na pulgada ang tangkad.

Kailangan niya ng nasa 1,200 na calories araw-araw na may sapat na tulog at regular na nutrisyon.

Nutrient Daming kailangan araw-araw Anong ipapakain sa kanila
Calcium & Vitamin D 1,000 milligrams ng calcium and 3,000 IU (International Units) ng vitamin D 1 tasa ng gatas, 1/2 tasa ng fruit salad, 1 maliit na tasa ng orange juice, o 2 hiwa ng keso.
Iron 10 milligrams 4 na maliit na baka, manok, turkey, isda o baboy na meatballs sa spaghetti; o kalahating tasa ng cereal, kanin, tinapay, at pasta na “enriched” o “fortified.”
Vitamin C Hindi lalagpas sa 650 milligrams/ araw 3-4 na strawberries, 1 orange, sangkapat na chopped red pepper o 7-8 florets ng broccoli. 

Vaccinations and Common Illnesses

Sa ngayon, ang iyong anak ay dapat mayroon nang:

Ang pinaka-karaniwang sakit na dapat bantayan ay sipon at trangkaso, pati na hand, foot and mouth disease.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Lubos na kulang o sobra sa timbang
  • Tila tumigil ang paglaki
  • May kaka-ibang pantal, bukol o pasa
  • May lagnat na lumalagpas ng 39 degrees C

Previous month: 5 years 3 months

Written by

Deepshikha Punj