Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 5 taon 7 buwang gulang

Find out if your little one is right on track.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ambilis ng panahon! Sa edad na 5 taon 7 buwang gulang, ang iyong anak ay handa nang mag-aral. Mayroon na siyang personalidad na may kasamang hindi nauubos na lakas at kausisaan. Anong mga aasahan mp sa iyong 5 taon 7 gulang na anak ngayong buwan?

Sa artikulong ito, aalamin natin ang mga karaniwang milestones na maaabot ng isang 5 taon 7 buwang gulang. Ngunit, paalala lamang, bawat bata ay naiiba. Dahil dito, ang iyong anak ay nade-develop sa sariling bilis, umaabot ng milestones nang mas-maaga o mas-late sa mga ka-edad. Kung nag-aalala na hindi niya naaabot ang kanyang milestones sa tamang oras, mangyaring magpakonsulta sa iyong pediatrician.

Development ng 5 Taon 7 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?

Pisikal na development

Sa ngayon, maaaring ang iyong 5 taon 7 buwang gulang ay nagpakita na ng interes sa isang sports o pisikal na abilidad. Pagdating sa pisikal, maaaring nawala niya na ang chubbiness nung pagkabata at may pang matandang proportions na ang katawan. Nananatili siyang napaka-aktibo, at ang sapat na pisikal na aktibidad ay kailangan upang masigurado ang masiglang pangkalahatang development.

Tatangkad siya nang nasa 2.5 na pulgada bawat taon at bibigat nang nasa 2-4 kg sa katapusan ng taon.

Magsisimula din siyang makabuo ng diwa ng imahe ng katawan. Ito ang ilang milestones na maaasahan:

  • Naiintindihan niya na ang pisikal na pinagkaiba ng babae at lalaki
  • Nagagawa lahat ng motor-skilled na aktibidad – tulad ng pagpulot, pagbato, pagbuhat, pagbalanse – nang walang tulong
  • Tumatakbo, lumalaktaw, tumatalon at lumulukso nang may bilis at kakayahan
  • Kayang mag-balanse sa isang paa
  • Nakakahawak ng lapis nang tatlong daliri
  • Kayang maglagay ng beads sa isang sinulid

Mga tip:

  • Sa mga panahon na ito, maaari nang magsimulang mawala (o nawala na) ang kanyang mga milk teeth. Ang pagaalaga sa ngipin ay nananatiling mahalaga parin.
  • Kung hindi pa nagagawa, i-enroll siya sa klase ng pisikal na aktibidad, tulad ng paglangoy o pagsayaw. Ang mga aktibidad na ito ay magandang pang-hasa ng kanyang pisikal na development at liksi, at nagtuturo ng kumpiyansa at tiyaga.
  • Turuan siyang magbihis at maghubad mag-isa. Ang mga bagay katulad ng pag-sara ng zipper at butones ay humihikayat sa development ng fine motor skills. Nahihikayat din siya nito maging independent.
  • Hangga’t maaari, iwasan ang screen time lalo na kung naapektuhan nito ang kanyang mga pisikal na aktibidad. I-limit ang screen time sa isang oras o masmababa pa.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor

Kung ang iyong anak ay:

  • Ilang segundo lang nakakapag-balanse sa isang paa
  • Madalas na titisod o natutumba kapag tumatakbo o nagiging aktibo
  • Hindi nakakahawak ng lapis nang maayos

Kognitibong development

Ang isip ng iyong 5 taon 7 buwang gulang na anak ay tila wonder land. Mapapansin ang malinaw na pagbabago sa kognitibong abilidad ng iyong anak, tulad ng kung paano siya mag-rason (imbes na mag-tantrum) kapag mayroon siyang gusto, o nakakasagot pa siya ng mga math problems, tulad ng pag-add ng 1 at 2.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malapit nang mag 6 taong gulang, siya’y marami nang tanong na nagiging kumplikado, na nagpapakita ng kagustuhang matuto tungkol sa mundo. Nagagawa niya nang tumuon sa isang aktibidad, kahit pa ito ay pagbabasa o pagsagot ng pala-isipan. Maoaoansin din na nagsisinungaling siya. Ngunit ayon sa pagaaral, tanda ito ng pagiging matalino.

Ito ang ilang kognitibong developments na aasahan ngayong buwan:

  • Kayang kaya niya nang magbuo ng puzzle
  • Kaya niyang tumingin sa simpleng larawan at gayahin ito
  • Kayang tumuon sa isang gawain nang 10-15 minuto
  • Mayroon na siyang opinyon sa mga bagay-bagay

Mga Tips:

  • I-respeto ang kanyang sense ng sariling katangian at huwag maliitin ang mga opinyon at ideya. Sa halip, hikayatin siyang magkaroon ng diskusyon sa mga hindi pagkaka-unawaan upang mahikayat ang kapasidad ng critical thinking.
  • Kung bibigyan siya ng screentime, pumili ng mga programa at apps na edukasyonal imbes na bayolenteng laro at cartoons. Laging bantayan ang kanyang screentime.
  • Palaguin ang kanyang pagiging handa sa paaralan sa pagtatag ng pundasyon para sa masaya pero epektibong pagaaral sa pamamagitan ng: libro, simpleng math challenge, pagpunta sa museyo o iba pang interesanteng lugar.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Hindi siya nakakabuo ng simpleng puzzle
  • Hindi siya nakakabilang hanggang 20
  • Hindi siya nagpapakita ng interes sa pagtatanong o pagtuto sa mga bagong bagay

Social at emosyonal na development

Ang iyong 5 taon 7 buwang gulang ay mas nakakapag-kontrol na ng emosyon kumpara nung nakaraang taon. Ang mga tantrums niya ay nawala na, ngunit maaari parin siyang umiyak o ngumawa kapag mayroon siyang gusto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa edad na ito, gusto niyang nakikipaglaro sa mga kaibigan at maaaring may bestfriend na, Gusto niya ring nakakasama ka, kaya sulitin ito bago maging isang teenager na gustong lumayo.

Siya ay sobrang pala-kaibigan, kahit sa mga hindi kilala. Ito ang dahilan kung bakit importanteng turuan siya tungkol sa “stranger danger” at kung paano makipag-usap sa hindi kilala.

Maaaring mapansin ang mga sumusunod na katangian sa kanyang social at emosyonal na development ngayong buwan:

  • Magpapakita siya ng independence, na nais gumawa ng mga bagay mag-isa
  • Mapapansin na masgusto niyang makipaglaro sa kapareho ng kasarian
  • Maaaring magpakita ng pagiging bossy, lalo na habang nakikipaglaro sa mga mas bata
  • Sasabihin niya na ang mga nararamdaman, imbes na ipakita ito sa pisikal na paraan
  • Mas-matutulong sa mga gawaing bahay dahil gusto kang mapasaya

Mga tip:

  • Tulungan siyang maintindihan at makilala ang maskumplikadong emosyon tulad ng pagkalito at pagkainggit. Gabayan siya sa kung paano ito aayusin.
  • Kapag may nagagawa siyang mabuti sa iyo o sa iba, bigyan siya ng sapat na papuri.
  • Patuloy siyang turuan ng mabubuting asal at ugali pag nasa labas.
  • Kahit pa mas pinipili niyang makipaglaro sa mga kapareho ng kasarian, magsama parin ng hindi katulad ng kasarian sa mga playdates at parties.
  • Kung may nagawa siyang mali, iwasan ang malulupit na parusa. Sa halip, kausapin siya tungkol sa nagawa, ipaliwanag kung bakit mali ito, at magbigay ng angkop na kalalabasan.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Mayroon siyang malubhang separation anxiety
  • Madalas na nagiging agresibo kapag nakikipaglaro sa ibang bata (sa salita o/at sa gawa)
  • Ayaw makipaglaro sa ibang bata

Pagsasalita at wika na development

Sa 5 taon 7 buwang gulang, siya ay magsasalita na tila maliit na bersyon mo o ng iyong asawa, na may kasamang sass. Maging ma-ingat sa mga salitang gagamitin, pati na kung paano magsalita sa at tungkol sa iba. Ginagaya ng bata ang iyong kaugalian at pagsasalita.

Kung magsasalita nang 2 o masmaraming lengwahe sa bahay, siya rin ay dapat sanay sa mga ito. Kahit pa magkamali minsan sa grannar at tense, ang iyong 5 taon 7 buwang gulang ay nagsasalita nang maayos at naiintindihan.

Alamin ang mga iba pang pagsasalita at wika na development:

  • Nagsasalita ng buong pangungusap na gumagamit ng 7-8 na salita
  • Nagbabasa ng mga simpleng libro nang malakas
  • Nagsusulat ng maiikling pangungusap
  • Nagpapakita ng emosyon sa pagpalit ng tono at lakas ng boses

Mga tip:

  • Makipag-usap sa kanya hangga’t maaari. Sa paggawa nito, mas made-develop ang kanyang skills sa pakikipag-isap at wika.
  • Hikayatin siyang magbasa dahil ito ang pinaka-magandang paraan upang mapalakas ang kanyang skills sa wika.
  • Bigyan siya ng pambatang diksyunaryo at turuan siyang gamitin ito.
  • Sa paglaki ng kanyang skills sa wika, lalo siyang gumagaling sa pag-lalarawan ng mga pangyayari, nararamdaman at iniisip. Hikayatin siyang ipahayag ang mga ito.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Hindi karaniwang pagkahiyang makipag-usap sa mga kaibigan o ibang tao
  • Nagsisimula nang ma-utal
  • Ayaw makipag-usap sa ibang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kalusugan at nutrisyon

Ito ay magandang punto sa paglaki at pagdevelop sa lahat ng aspeto – pisikal, mental at emosyonal. Ang masigla at balanseng pagkain ay makakatulong dito. Subalit, ang mga bata sa edad na ito ay hindi laging alam ang makakabuti sakanya, kahit sa pagkain! Dahil dito, maaaring mahirapan na ilayo siya sa junk food. Huwag mag-alala, kailangan lang ng pagtiya-tiyaga.

Ang iyong 5 taon 7 buwang gulang ay may mga gusto nang pagkain at sasabihin kung may hindi siyang lasa. Habang ang ilang bata ay hindi pino-problema ito, ang iba ay nananatili sa kung ano ang alam at gusto nilang kainin. Normal lang ito.

Sa average, ang mga bata sa edad na ito ay may bigay na 19 kg at tangkad na 45.5 na pulgada.

Sa puntong ito, ang iyong anak ay mangangailangan ng balanseng diet na naglalaman ng protina, bitamina, minerals, carbs at iba pang importantent nutrients.

Daily Nutrient/ Ingredient Inirekumendang laki ng bahagi Ano ang ipapakain (nutrient/mineral value)
Calories 1,200-2,000, depende sa antas ng paglaki at aktibidad Chicken and cheese sandwich, mangkok ng cereal na may gatas, chicken soup
Proteins 0.5 tasa Ihihaw na manok, 1 mangkok ng lentils o 1 pinakuluang itlog
Prutas 1-1.5 tasa Chopped mixed fruits na may cereal, o mixed fruits sa yoghurt
Gulay 1.5-2.5 tasa Araw-araw na 2-3 gulay. Magsama ng maraming fibre at iron tulad ng spinach, carrots, beetroots, atbp.
Grains 3/4th tasa Ang araw-araw na 3/4th na tasa ng kanin/noodle ay makakabuti
Dairy 2.5 tasa 1 baso ng gatas + keso/mantakilya/yogurt para sa araw

Mga bakuna at karaniwang sakit

Karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kanyang immune system ay nade-develop pa. Dahil dito, madali pa siyang magkaroon ng mga karaniwang sakit tulad ng sipon. Patibayin ang kanyang immune system sa paghikawat na kumain siya ng maraming prutas at gulay, habang umiinom ng sapat na tubig buong araw.

Tandaan, ang iyong anak ay kakaiba at ispesyal. Hindi mo siya maaasahang maging katulad mo o ng iba na tingin mo ay perpekto. Suportahan siya sa kanyang paglaki. At huwag kalimutang mag-relax, huminga at mag-enjoy sa pagiging magulang.

Sources: WebMD, MayoClinic

 

Written by

Amrita