Mula sa isang 6 na buwang gulang na sanggol hanggang sa 5 taon 8 buwang gulang na bata, patuloy kang ginugulat ng iyong anak sa mga kaya niyang gawin.
Sa article na ito, tatalakayin natin ang mga karaniwang milestones na maaabot ng iyong 5 taon 8 buwang gulang. Alalahanin na walang mga bata ang pareho. Dahil dito, ang iyong anak ay nade-develop sa sariling bilis, umaabot ng milestones nang mas-maaga o mas-late sa mga ka-edad.
Development ng 5 Taon 8 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Ang iyong 5 taon 8 buwang gulang ay kaya nang magbihis at maghubad mag-isa, pati magsintas ng sapatos na nagpapakitang na-develop na ang kanyang fine motor skills. Napaka-halaga ng pisikal na laro. Hikayatin siyang maglaro sa labas, imbes na manatili sa loob sa kanyang gadget.
Kung siya ay nagpapakita ng interes sa sports, magandang ipakilala siya lalo dito. Hindi lang natataguyod ng sports ang pisikal na development, nagtuturo din ito ng kakayang mamuno at iba pang positibong ugali sa anak.
Mga tip:
- Tulungan siyang patibayin ang motor skills sa pamamagitan ng pakikipaglaro sakanila ng mga pisikal na aktibidad. Sumubog ng masasayang laro tulad ng pagbalanse ng lemon sa kutsara. Magandang bonding din ito.
- Hikayatin ang pag-hasa ng fine motor skills sa pamamagitan ng pagsusulat. Ang pagkakaroon ng diary ay magandang paraan pata dito, at nakakalutong pa sa pagdevelop ng literacy skills.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
- Kung siya ay hindi nakakatakbo nang hindi natitisod
- Hindi siya nakakapag-balanse sa isang paa o nakakapagbato ng bola
- Siya ay nahihirapang humawak ng lapis nang maayos
Kognitibong development
Sa ngayon, ang iyong anak ay medyo marunong nang bumasa at sumulat, at magbasa hanggang 50 o higit pa. Ang mga tanong ay magpapatuloy at ang pagkausisa ay mananatiling senyales ng developing na kognitibong skills.
Alagaan ang kanyang pagmamahal sa pagbabasa at math dahil ito ang magiging pundasyon ng literary at numeracy skills – parehong mahalaga sa maayos na kognitibong development. Sa ngayon, ang iyong anak at naiintindihan ang konsepto ng kahapon, ngayon at bukas. Kasabay nito, naiintindihan niya narin ang pinagkaiba ng nangyari, nangyayari, at mangyayari.
Mga Tips:
- Ikuha siya ng STEAM (Science, Tech, Engineering, Arts, Maths) na mga laruan upang lalong mapaganda ang kognitibong development. Kasama dito ang mga pala-isipan, blocks at sining na aktibidad.
- Maglaro ng mga masasayang laro na nangangailangang mag-isip. Isang halimbawa ay treasure hunt.
- Ang pagkatuto sa mga aktibidad ay dapat masaya. Halimbawa, maganda ang paglalakad sa kalikasan para sa Science, ang pagkain ng pizza ay magtuturuan siya ng maths, at ang pagbisita sa museyo para sa kasaysayan.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung hindi siya nakakabilang hanggang 20
- Hindi siya nakakabasa ng mga pangungusap na may 3 hanggang 4 na salita. Halimbawa, “Mataba ang pusa.”
- Siya ay hindi nagpapakita ng interes sa mundo at pagkatuto
Social at emosyonal na development
Ang iyong 5 taon 8 buwang gulang ay may maayos nang social at emosyonal na kakayahan. Nakakapag-laro na siya nang maayos sa mga kaibigan at bihira nang mag-tantrums.
Pinapakita niya ang kanyang nararamdaman at umiiyak pag nabibigo. Normal itong bahagi ng emosyonal na development sa kanyang edad. Paginhawain siya sa ganitong mga panahon at hikayating sabihin ang dahilan ng pag-iyak.
Siya na ay madaling nagpapahiram. Maaari rin na gustuhing niyang sumali sa usapan ng matatanda, maganda ito para sakanyang social na development.
Mga tip:
- Practice what you preach. If you ask your child to not lie, and then lie in front of your little one, it will give your child the wrong message.
- Never belittle your child’s emotions. Validate them, and find out what is upsetting your child. Don’t forget to label the different emotions: “Are you feeling sad because Grandma went home?”
- Avoid promoting stereotypes when it comes to gender and emotions, for example, “boys don’t cry.” Boys do cry, and this is perfectly okay.
- While teaching manners to your child is great, never force them to hug people (known or unknown) if they don’t want to.
- Understand that sometimes, your child might not want to play with others. This is fine and give your little one the alone-time he needs.
- Gawin ang itinuturo. Kung sabihan siyang huwag magsinungaling, ngunit magsinungaling ka sa harap niya, iba ang mensaheng matatanggap niya.
- Huwag maliitin ang kanyang emosyon. Tanggapin ang mga ito at alamin ang ikinasasama ng kanyang loob. Huwag kalimutang panggalanan ang mga emosyon: “Nalulungkot ka ba dahil umuwi na si Lola?”
- Huwag magtangkilik ng stereotypes sa kasarian at emosyon. Ang mga lalaki ay umiiyak, at ayos lang ito.
- Sa pagtuturo ng tamang asal, huwag siyang pilitin yumakap sa iba (kilala man o hindi) kung ayaw nila.
- Intindihan na minsan ay ayaw niyang makipaglaro sa iba. Normal lang ito at nagbibigay siya ng oras sa sarili.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung may biglaang malaking pagbabago sa kanyang kaugalian. Halimbawa, biglang takot na siyang pumasok sa eskuwelahan, o pumunta sa ibang playdates.
- Kung nagpapakita ng mali at bayolenteng pagsabog ng emosyon.
- Ayaw niyang makipag-laro sa mga bata.
Pagsasalita at wika na development
Ang iyong 5 taon 8 buwang gulang ay nagsasalita na parang matanda. Ang mga nasa ganitong edad ay magaling nang magsalita ng mga kumpleto at kumplikadong pangungusap. Hayaan lang ang mga paminsang mali sa grammar. Kusa din itong aayos.
Sa ngayon, naiintindihan niya na ang sinasabi mo, pati mga tagubilin. Maaari ring mapansin na inuutusan niya ang mga masnakakabata sakanya gamit ang kanyang malawak na bokabularyo.
Mga tip:
- Hikayatin siyang kausapin ang sarili sa salamin. Magandang ensayo ito na makita niya ang kanyang sarili na nagsasalita at nagpapakita ng emosyon sa ilang salita at ideya.
- Ginagaya niya ang iyong ugali at pagsasalita. Tandaan na gumamit ng mga salitang “please” at “salamat” at subukang kontrolin ang tono ng boses kapag galit o masama ang loob.
- Patuloy na hikayatin ang kanyang pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng pagbigay ng mga angkop na libro. Maaari ring magbigay ng simpleng pambatang diksyunaryo at turuan siyang gamitin ito.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung siya ay na-uutal
- Kung siya ay hindi nakakabuo ng tama at simpleng salita.
Kalusugan at nutrisyon
Habang patuloy siyang mabilis na lumalaki, mahalaga na bigyan siya ng masigla at balanseng diet para suportahan ang paglaki. Siyempre, ang paminsang pizza o ice cream ay ayos lang. Mapapansin na mababawasan ang pagiging pihikan sa pagkain at magpapakita na siya ng mga gustong tipo ng pagkain.
Siya dapat ay nakakakuha ng nasa 1,200 hanggang 2,000 na calories sa isang araw, at umiinom ng sapat na tubig para sa hydration. Ito ang kailangang nutrisyon ng iyong anak sa edad na 5 taon 8 buwang gulang.
Daily Nutrient/ Ingredient | Inirekumendang laki ng bahagi | Ano ang ipapakain (nutrient/mineral value) |
Calories | 1,200-2,000, depende sa antas ng paglaki at aktibidad | 2 hiwa ng tinapay na may mantakilya/keso, o maliit na tasa ng fortified cereal na may gatas |
Protein | 0.5 tasa | 2-3 maliliit na tipak ng karne/ 1 itlog/ 1 maliit na tasa ng legumes |
Prutas | 1-1.5 tasa | 1 saging + 1 mansanas, o isang mangkok ng halo halong prutas, maaari ring ihalo ang prutas sa pancake |
Gulay | 1.5-2.5 tasa | 2 magkaibang tipo ng gulay kada araw, mga halaman tulad ng spinach, isang mangkok ng jacket potatoes, mga gulay na binake sa pasta o kanin |
Grains | 3/4th tasa | Kanin isang beses sa isang araw + tinapay |
Dairy | 2.5 tasa | 2 maliit na tasa ng gatas kada-araw + ibang produkto ng gatas tulad ng mantakilya, keso, buttermilk, ice cream |
Mga tip:
- Patuloy na alagaan ang kanyang ngipin. Dalhin siya sa dentista kung hindi pa nakakapunta.
- Turuan siya na maging maingat upang maka-iwas sa injury at aksidente. Siguraduhing maintindihan niya ang panganib ng pagtawid sa kalsada, paglalaro ng apoy at saksakan ng kuryente.
- Isama siya sa paghahanda ng mga simpleng pagkain sa iyong pagbabantay. Hindi lamang ito nakakapagturo ng halaga ng sustansya, nagtuturo din ito ng mga mahahalagang kakayahan sa buhay.
- Ipakilala siya sa iba’t ibang prutas, gulay, grains at karne para sa balanseng nutrition.
- Iwasan ang pagbibigay ng mga mabula at matamis na inumin na walang nadudulot na sustansya.
Mga bakuna at karaniwang sakit
Karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.
Pagdating sa sakit, asahan ang sipon at trangkaso dahil nagpapalakas pa siya ng immunity.
Sources: WebMD
Previous Month: 5 years 7 months
Next Month: 5 years 9 months