Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 5 taong gulang

Find out what your feisty five-year-old is going to amaze you with this month!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malaki na ang anak mo ay siya ay 5 taong gulang na! Ang anak mo ay mas malaya na kaysa nung nakaraang taon, madaldal at social butterfly, at ginugulat ka sa kanyang pisikal at kognitibong paglaki. Alamamin natin ang developmental milestones na aabangan mula sa iyong 5 taong gulang na anak.

*Tandaaan na ang developmental milestones ay hindi nakatakda, at ang bawat bata ay made-develop sa sariling bilis. Kung nag-aaalala tungkol sa development ng anak, magpa-konsulta agad sa duktor. 

Development ng 5 Taong Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?

Pisikal na development

Hindi na malamyang bata, ang iyong 5 taong gulang ay nagpapakita ng liksi at bilis, lalo na sa pag-takbo sa palaruan o sa bahay! Ang paningin ay malinaw na sa 20/20. Siya ay bibigat ng halos 2kg ngayong taon, at tatangkad ng nasa 6cm.

Hindi lang ang kanyang kabuuan na motor skills ang nade-develop, kundi pati ang fine motor skills. Suriin natin ang pisikal na development ng iyong 5 taong gulang na anak ngayong buwan.

  • Has better coordination — he is able to make his limbs and body work together
  • Hops, skips and jumps with good balance
  • Peddles a tricycle
  • Balances on one foot with eyes closed
  • May start growing adult teeth
  • Can use eating utensils more proficiently
  • Holds a pencil with a good grasp and can copy a triangle
  • Can use a knife to spread soft foods
  • May mas maayos na koordinasyon – kaya nang kontrolin nang maigi ang mga kamay, paa at katawan
  • Lumulukso, lumalaktaw at tumatalon na may magandang balanse
  • Pumapadyak ng tricycle
  • Nakakapag-balanse sa isang paa nang nakapikit ang mga mata
  • Maaaring tubuan na ng permanenteng ngipin
  • Mas kaya nang gumamit ng mga kobyertos
  • Nakakahawak ng lapis nang maayos at nakaka-kopya ng tatsulok
  • Kayang gumamit ng kutsilyo pangkalat ng malalambot na pagkain

Mga tip:

  • Dahin ang bata sa palaruan o dalampasigan at hayaang tumakbo at maglaro. Ito ang pinaka magandang pisikal na aktibidad para sa magandang paglaki at kalusugan.
  • Hikayatin siyang bihisan ang sarili. Ang gawain tulad ng pagsara ng butones at at zippers ay nakaka-hasa sa fine motor skills.
  • Turuan siya ng tamang paraan ng pagsisipilyo. Hikayatin siyang gawin ito mag-isa habang binabantayan mo.
  • I-ensayo sa laro ang mga pisikal na kakayahan na mayroon siya. Halimbawa, ipag-balanse siya sa isang paa nang 20 segundo kung 10 segundo palang ang kaya niya.
  • Pag-isipan na ipasok siya sa swimming class kung hindi pa nagagawa. Ang paglangoy ay magandang sport na nagtuturo ng survival skill at nag-eehersisyo ng buong katawan.
  • Siguraduhing nakakakuha siya ng sapat na tulog, mahalaga ito sa pisikal na development. Kailangan niya ng 8-10 na oras ng tulog kada gabi.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Hindi nakakapag-balanse sa isang paa nang higit sa 10 segundo
  • Nahihirapan makakita o makadinig
  • Patuloy na nadadapa o natitisod habang tumatakbo
  • Hindi makahawak ng lapis o ibang gamit
  • Hindi interesado sa pagtakbo o kahit anong pisikal na aktibidad
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image courtesy: Shutterstock

Kognitibong development

Ang iyong 5 taong gulang ay sobrang mausisa at matanong sa lahat ng bagay. Ang pangangailangan na matuto at maka-alam ay senyales ng magandang kognitibong paglaki. Siya ay magtatanong kung paano gumagana ang mga bagay. Magugustuhang maghiwa-hiwalay ng gamit sa hugis, laki o kulay, na magpapakita ng kanyang brain process.

Ito ang ilang kognitibong development na maaasahan sa iyong 5 taong gulang:

  • Naiintindihan ang konsepto ng oras
  • Kayang tumuon sa isang gawain nang hindi bababa sa 10 minuto
  • Nakakakilala at kayang panggalanan ang hindi bababa sa 4 na kulay
  • Kayang magbilang hanggang 10 o higit pa
  • Nskikilala ang karamihan sa mga letra
  • Pangapangalanan ang mga hayop tulad ng “pusa,” “aso” at “isda”
  • Maaaring kayang isulat ang panggalan, ibang letra at ilang numero

Mga tip:

  • Huwag pilitin magbasa o magsulat kung hindi pa handa. Magagawa ito ng bata sa sarili niyang oras.
  • Huwag umasa sa nababasa at malinis na pagsusulat. Purihin siya para sa pagtatangkang magbasa/sulat.
  • Ipagpatuloy ang pagbabasa sa kanya. Gawing interactive at nakakasigla ang pagbabasa sa pamamagitan ng pagtatanong, at hikayatin siyang tumuro sa mga iba’t ibang hugis at kulay sa libro.
  • Dalhin siya sa mga museyo, parke at ibang kawili-wiling mga lokasyon hangga’t maaari. Gawing masaya at nakakasigla ang mga lakad na ito. Halimbawa sa parke, turuan siya ng mga bahagi ng puno o bulaklak.
  • Bigyan siya ng mga lalaruing pala-isipan. Maganda ang mga ito sa pag-hasa ng kognitibong skills.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi nakakapagbilang hanggang 10
  • Hindi masabi ang panggalan
  • Hindi makilala ang panggalan ng mga kulay
  • Nahihirapan tumuon sa isang gawain nang ilang minuto

Social at emosyonal na development

Ang iyong 5 taong gulang ay natutuwa kapag binibigyan ng atensyon. Ang kanyang social skills ay umusbong nung mga nakataang taon at ngayon, gustong-gusto niya sa maraming tao at makipaglaro sa mga kaibigan,

Sa edad na 5 taong fulang, maaaring mayroon pa siyang “matalik na kaibigan” at masgustong makipaglaro sa mga ka-edad. Kailangan niya ng iyong pagmamahal, atensyon at pag-apruba. Gagawa siya ng mga bagay para pasayahin ka at makakuha ng emosyonal na katiyakan mula sa’yo – ang pinaka-importanteng tao para sa kanya!

Habang kumonti na ang mga tantrums, maaari parin siyang magwala kasabay ng pagsigaw ng “Hindi tama!”  at may pagdadabog pa. Okay lang ito, at mapapansin na mababawasan din sa mga susunod na buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano pa ang mga maaasahan sa social at emosyonal na development niya?

  • Maaari siyang maging bossy, lalo na sa mga kaibigan
  • Handang magpahiram kahit pa ang paboritong laruan
  • Maaaring mag-sinungaling para mapasaya ka
  • Gusto parin mag-laro mag-isa minsan
  • Sobrang madaldal, at kayang makipag-usap sa kahit sinong makikinig
  • Gustong gustong lumabas kahit para lang magpunta sa tindahan
  • Natutuwa sa kathang-isip na laro at maaari pang kausapin ang sarili

Mga tip:

  • Ito ang oras para magtakda ng mga playdates sa kanyang mga kaibigan. Ikakatuwa niya ang pagkakaroon ng kasama habang natututo ng mga importanteng social skills.
  • Ipaalala ang kahalagaan ng magandang asal. Kahit pa sabik na siyang magkuwento, ipaalalang hindi dapat mang-gambala ng mga naguusap. Ituro sa kanya ang “excuse me.”
  • Kahit pa ang pagiging bossy ay normal, kapag napansing sumosobra na, kausapin siya nang mahinahon na hindi na ito tama. Sa mga playdates, maghikayat ng laro kung saan lahat ng lumalahok ay nagiging “leader.”
  • Lagi siyang bigyan ng buong atensyon kapag kinakausap ka. Kung kailangan tumututok sa ibang bagay, huwag lang siya basta hindi pansinin. Sa halip, sabihan siyang babalikan mo siya.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Ayaw nakikipagaro sa ibang bata
  • Mas pinipiling makipaglaro sa mas matatandang bata
  • Agresibo sa salita at/o gawa habang naglalaro
  • Madalas parin mag-tantrums na parang toddler
  • Ayaw lumalabas ng bahay

Pagsasalita at wika na development

Ang kakayahan sa pagsasalita at wika ng iyong 5 taong gulang ay malaki ang iginanda. Maaari mong isipin an hindi siya tumitigil sa pagsasalita at laging gustong makipag-usap. Hindi ito malabong mangyari dahil sa ganitong edad, may alam na siyang nasa 2,000 salita.

Ito ang ilan sa mga maaasahan na developments:

  • Nagsasagawa ng maayos na pakikipag-usap sa iba
  • Nagsasabi o nagsasalita nang malinaw sa mga pagkwento
  • Kayang magbasa ng dalawa o tatlong mga salita
  • Madalas na naiintindihan ng ibang tao
  • Gumagamit ng future tense: “Punta tayo ng parke bukas!”
  • Gumagamit ng panghalip (“ako,” “ikaw,” “siya,” “tayo”) nang tama
  • Nakaka-intindi at sunod sa utos na may tatlong bahagi. Halimbawa, “Sabihan mo ang kapatid mo na bumaba, maghugas ng kamay, at kumain ng hapunan.”
  • Nakaka-intindi ng pagkakasunod-sunod ng istorya (ano ang una, gitna at katapusan ng istorya)

Mga tip:

  • Hikayatin siya na mag-kwento tungkol sa kanyang araw, at magbigay ng mga tanong.
  • Maglaro ng mga word games tulad ng “I Spy.”
  • Habang binabasahan ang anak, tumuro sa mga simpleng salita habang binabasa. Matutunan niya dito ang pag-ugnay ng tunog at itsura ng salita. Masmadadalian siyang matutong magbasa at mag-sulat ng mga salitang ito.
  • Ipakwento sa bata ang istorya matapos niyong basahin. Nakakatulong ito sa wika at kognitibong development dahil kailangan niyang alalahanin sa memorya para masabi ang istorya.
  • Turuan siya ng mga bagong kanta at rhyme.

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi talaga naiintindihan
  • Hindi masyadong nagsasalita sa iba
  • Hindi nakakaintindi ng utos o tanong
  • Nagkakamali sa paggamit ng tense
  • Nagpapakita ng pagbalik sa mga alam na niya

Kalusugan at nutrisyon

Mahalaga na ang iyong 5 taong gulang ay makakuha ng magandang nutrisyon upang mai-angat ang kanyang kalusugan ay development. Kasing halaga nito ang sapat na pahinga at tulog. Kahit pa hindi na nagse-siyesta ang iyong anak, kailangan niya ng 9-10 oras ng tulog sa gabi.

Madalas na iba-iba ang tangkad at bigat ng mga nasa ganitong edad dahil naaapektuhan ng genetics. Kadalasan ang timbang nila ay nasa 18kg habang ang tangkad naman ay nasa 109cm.

Ito ang halimbawa ng kung ano dapat ang kinakain ng iyong 5 taong gulang:

Daily Nutrient/ Sangkap Dami na kailangan Maaaring ipakain
Calories 1,200-2,000, depende sa antas ng paglaki at aktibidad Cheese sandwich at isang maliit na mansanas, isang maliit na mangkok ng home-made chicken fried rice, kaunting cheesy tuna pasta, 1 tasa ng gatas
Proteins 0.5 na tasa Steamed fish (kasing laki ng palad ng bata), isang maliit na mangkok ng beans 0 1 boiled egg
Prutas 1-1.5 na tasa Chopped mixed fruits na may cereal, o mixed fruits sa yoghurt
Gulay 1.5-2.5 na tasa Magsama ng fibre at iron rich  na gulay tulad ng spinach, carrots, beetroots
Grains 3/4th na tasa Kanin  noodles/ pasta
Gatas 2.5 na tasa 1 tasa ng gatas + keso/mantikilya/yogurt sa buong araw

Mga bakuna at mga karaniwang sakit

Sa buwan na ito, walang kailangang bakuna ang iyong anak. Basahin ito upang masigurado na nasusunod ang schedule ng bakuna para sa iyong 5 taong gulang. Kausapin ang pediatrician tungkol a pagbibigay ng flu shot.

Ang mga karaniwang sakit ng mga bata sa edad na ito ay Hand, Foot and Mouth disease, pati na sipon at trangkaso. Kahit hindi ito mapipigilan, maaaring mapatibay ang immunity dito sa pagbigay ng balanseng diet na maraming tubig, prutas at gulay. Ang kalinisan sa katawan tulad ng paghugas ng kamay ay malayo ang mararating sa pag-iwas sa sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:

Kung ang iyong anak ay:

  • Is severely underweight or stunted in height
  • Develops very high fever (39 degrees Celcius and above)
  • Has unusual rashes, lumps or bruises on his body
  • Lubos na kulang sa timbang o hindi na tumatangkad
  • Magkaroon ng malalang lagnat (39 degrees Celcius o higit pa)
  • May kakaibang rash, bukol o pasa sa katawan

Previous month: 4 years 11 months

Next month: 5 years 1 month

Reference: Web MD

Written by

Nalika Unantenne