Epekto ng Diane pills at iba pang dapat malaman tungkol sa contraceptive pills na ito

undefined

Narito kung paano ang tamang pag-inom ng Diane pills bilang isang contraceptive at pampaganda ng kutis sa mga kababaihan.

Ang Diane pills ay isang brand ng oral contraceptive. Ito ay may taglay na progestogen at estrogen hormone na nagsisilbing pampapigil ng pagbubuntis. Ano nga ba ang epekto ng Diane pills sa isang babae? Alamin dito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Diane pills.

Epekto ng Diane pills

Ang medication na ito ay naglalaman ng dalawang ingredients na kung tawagin ay cyproterone at ethinyl estradiol. Ang cyproterone ay nabibilang sa uri ng medication na tinatawag na antiandrogens habang ang ethinyl estradiol naman ay uri ng medication na tinatawag na estrogens. Kapag pinagsama ang dalawang ingredients na ito, makatutulong ito sa paggamot sa severe types ng acne sa mga babae. Lalo na ‘yong uri ng acne na hindi kayang gamutin ng antibiotics at iba pang treatment. Nareregulate ng diane pills ang mga hormones na nakaapekto sa balat.

Benepisyo ng pag gamit ng Diane pills

Bukod sa birth control, mayroon pang iba’t ibang benepisyo ang makukuha sa pag-inom ng Diane pills. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Mas regular at mas light na regla na nakakatulong para mabawasan ang tiyansa ng anemia o iron deficiency
  • Nakakabawas sa pananakit na dulot ng regla o dysmenorrhea (menstrual cramps)
  • Nakakatulong para mapigilan ang pagiging oily ng balat at buhok
  • Nagpapabawas ng tiyansa ng pagkakaroon ng pelvic inflammatory disease, ovarian cysts, ectopic pregnancy, lumpy breasts at cancer sa uterus at ovaries

Maliban sa pagpipigil ng pagbubuntis, madalas na nababanggit ng mga kababaihan ang Diane pills bilang pampaganda. Ito ay dahil marami ang nagpapatunay ng naging magandang epekto nito sa kutis at katawan nila.

Hindi nga lang ito patok para sa mga babae kung hindi pati narin sa mga trans woman. Ito ay dahil ginagamit ito para mabawasan ang signs ng physical male characteristics na dulot ng male sex hormone na androgen. Tulad ng pagkakaroon ng severe acne at excessive growth ng facial o body hair na tinatawag na hirsutism.

epekto-ng-diane-pills

Image from The Star

Side effects ng Diane pills

Ngunit, ang Diane pills ay hindi puwedeng gamitin nang pangmatagalan ng mga babae lalo na para makaiwas sa pagbubuntis. Dahil ayon sa US National Library of Medicine National Institutes of Health, ito ay nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng venous thromboembolic disease. Isang sakit na nakaaapekto sa ating dugo at ugat na maaring magdulot ng seryosong komplikasyon sa kalusugan. Kaya naman ang recommended usage nito ay 3-4 menstrual cycle.

Maliban sa pagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng venus thromboembolic disease, ang ilan pang side effects na maaring maranasan sa pag-inom ng Diane pills ay ang sumusunod:

  • Nausea
  • Stomach pain o discomfort
  • Pagbabago sa timbang
  • Headache at migraines
  • Mood changes kabilang na ang depression
  • Breast tenderness o pananakit ng suso

Kung makakaranas naman ng sumusunod sa pag-inom ng Diane pills ay agad na magpunta sa doktor:

  • Pananakit ng dibdib o sa ibaba ng breastbone
  • Hirap sa paghinga
  • Pamamaga o pananakit ng isang binti
  • Biglang panghihina o pamamanhin o kaya naman ay may tila tumutusok na pakiramdam sa mukha, braso at legs lalo na isang parte lang ng katawan
  • Hirap sa paglalakad ng biglaan dahil sa pagkahilp at pagkawala ng balanse at koordinasyon
  • Matinding pananakit ng tiyan
  • Mas matinding pananakit ng ulo at migraines
  • Hirap sa pagsasalita o hirap sa pag-intindi ng sinasabi ng iba

Ang mga nabanggit na sintomas ay palatandaan ng blood clot o thrombosis na kailangan agad maipaalam sa iyong doktor.

epekto-ng-diane-pills

Diane 35 pills instruction in tagalog | Image from Unsplash

Maliban sa nabanggit, sa paggamit ng Diane pills ay maari ring makaranas ng sumusunod:

  • Jaundice o paninilaw ng balat at mata
  • Pag-ubo ng dugo
  • Bukol sa suso
  • Hindi maipalawag na vaginal bleeding

Kung makaranas ng anuman sa mga side effects na ito ay agad na magpunta at ipaalam sa doktor. Ito ay para maagapan at hindi na magkaroon ng komplikasyon.

Ang mga nabanggit ay naitalang side effects ng Diane pills at hindi lahat ng gumamit nito ay nakaranas ng mga nasabing masamang epekto.

Tamang pag inom ng Diane pills

Para naman masubukan ang magandang epekto ng Diane pills sa katawan ay dapat alam mo ang tamang paggamit nito. At higit sa lahat, dapat ay mayroong reseta mula sa iyong doktor na kakailanganin mo ang gabay sa pag-inom ng pills na ito.

Sa halagang P690.00 ay makakabili ka na ng isang pakete ng Diane pills. Ito ay mayroong 21 tablets na kailangan mong inumin araw-araw. At kailangang tumigil o magpahinga ng 7 araw bago simulan ulit ang panibagong pakete.

Ang pangunahing sangkap o content ng Diane pills ay ang Cyproterone Acetate at Ethinyloestradiol na maaring magdulot ng allergic reaction sa mga taong hindi hiyang o allergic rito. Muli, mahigpit na pinaalala na magtanong at magpakonsulta muna sa doktor bago gamitin ito.

Diane-35 pills instruction tagalog

Narito ang mga dapat tandaan sa tamang pag inom ng diane pills.

Diane-35 pills instruction tagalog

  • Tulad ng ibang oral contraceptive, ang Diane pills ay dapat iniinom araw-araw sa parehong oras. Hindi mahalaga kung iinumin ito pagkatapos o bago kumain basta ang pag-inom nito ay nasa tamang oras at susundan ng isang basong tubig.
  • Kung gagamit ng Diane pills bilang kapalit ng combined oral contraceptive pills ay dapat simulan ang pag-inom nito matapos inumin ang huling active tablet ng dating pill pack. Asahan na ang iyong regla ay maaring madelay o dumating kapag naubos mo na ang unang pakete ng Diane pills.
  • Ang active pills ay ang unang 21 tablets na makikita sa iyong pill pack na madalas ay kulay dilaw. Ngunit para makasigurado ay magtanong tungkol dito sa iyong doktor dahil naiiba-iba ang kulay ng pills depende sa brand name nito.
epekto-ng-diane-pills

Diane 35 pills instruction in tagalog | Image from Freepik

  • Para naman sa gumagamit ng vaginal ring ay dapat simulang inumin ang unang pill ng Diane pills sa mismong araw na tinanggal ang vaginal ring.
  • Sa minipill users’ o progesterone-only pill ay puwedeng ihinto ang paggamit nito kahit anong araw saka naman simulan ang paggamit ng Diane pills.
  • Kung gumagamit naman ng injection, implant o intrauterine device o IUD, ay dapat simulan ang paggamit ng Diane pills sa susunod na schedule ng injection o sa mismong araw na tinanggal ang implant at ang IUD sa iyong pwerta.
  • Para makasigurong makakaiwas sa pagbubuntis ay dapat gumamit ng ibang contraceptive precautions tulad ng condom sa unang beses na gagamit ng Diane pills.

Paano kung hindi makainom sa tamang oras

Mahigpit na pinaalala para makasigurong makakaiwas sa pagbubuntis inumin ang pills sa tama at parehong oras araw-araw. Ngunit kung makakaligtaan ay dapat mainom agad ang missed pill sa loob ng 12 oras mula sa regular na oras na iniinom ito.

Saka inumin ang susunod na pill sa regular na oras. Ito ay nangangahulugan na maaring uminom ng dalawang pills sa loob ng isang araw.

Muli mahigpit na ipinapaalala na bago gumamit o uminom ng kahit anong gamot o medikasyon ay ipaalam muna ito sa iyong doktor. Ito ay para mabigyan ka ng tamang impormasyon at gabay sa paggamit nito.

Basahin:

Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!