Mommies na naghahanda na sa pagdating ng inyong little one, kumpleto na ba kayo sa mga gamit? Excited na siguro kayo sa pagdating ni baby kaya naman walang humpay ang dating ng inyong online orders sa inyong bahay.
Mula sa crib, toiletries, mga damit, at kung anu-ano pang essentials ni baby ay ma-oorder na halos lahat online. May diaper bag na ba kayo?
Isa ang diaper bag sa mga dapat na bilhin para hassle free ang doctor’s appointment, travelling, at lakwatsa ng buong pamilya kasama si baby. I-add to cart mo na agad mommy ang magugustuhan mong available na diaper bag sa Pilipinas!
Kahalagahan ng pagkakaroon ng diaper bag
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget
Pansin niyo ba Mommy, na kapag aalis kayo kasama ang inyong mga chikiting ay nawawalan na kayo ng space sa inyong bag? Lalo na kapag gamit ni baby ay dinadagdag pa.
Hindi naman pwedeng iwanan ang ilang essentials na gamit ni baby lalo na kung may family affair na kailangang puntahan o mahabang oras na lakwatsa ng pamilya.
Kaya ang isang solusyon na dapat gawin ay bumili ng diaper bag. Kapag sinabing diaper bag, hindi lamang diaper ang maaari mong ilagay dito.
Maaari mo rin itong lagyan ng baby bottles, formula, baby pump (para kay mommy), damit ni baby, vitamins, baby book (kung pupunta sa pedia), wipes, alcohol, at iba pa na dapat palaging bitbit ni mommy kapag kasama si baby.
Hindi mo na rin kailangan pang bumili ng separate na bag para sa iyo mommy. Dahil ang karamihan ng mga diaper bag sa Pilipinas ngayon ay may pocket na nakalaan para naman sa gamit ni mommy. Ang iba ay may secret pocket na kung saan pwede ilagay ang cellphone at wallet ng ni mommy o daddy.
Available na rin ang mga diper bag sa Pilipinas na gawa sa unique design na aangkop sa personality ni mommy o daddy. Meron plain at classy.
Mayroon ding may unique design at colors para sa playful style at child friendly characters. Sa dami ng choices na pwedeng pagpilian, mapapa-add to cart ka talaga ng hindi lamang isa!
Mga uri ng diaper bag na available sa market
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget
May mga available na diaper bag sa Pilipinas na may iba’t ibang style at gamit, depende sa mapipili mo. Ang ilan sa kanila ay ang mga sumusunod:
Backpack
Ito ang madalas style ng diaper bag na nauuso ngayon. Handy at maigi dalhin ng mga nanay na may baby carrier sa harap.
Messenger-type bag
Ito ay may long strap na maaring gamitin ilang crossbody o ‘yong tinatawag natin na bodybag.
Waist bag o belt bag
Ginagamit naman ito kung limited lang naman ang dapat dalhin na gamit ng baby. pwede itong gamitin habang namamasyal sa mall o na namamasyal sa park.
Madalas na gumagamit nito ang mga magulang na may mga sasakyan para iwanan nalang sa loob ang ibang pang gamit ng baby.
Tote bag
Ito ay may dalawang katamtamang haba ng strap na sinusuot lamang sa balikat.
Best diaper bags in the Philippines
Ito na mommy ang ilang sa mga list ng available na diaper bag sa Pilipinas na maari mo ring bilhin thru online. Pwede mo i-add to cart ang mapipili mo at i-checkout kung may extra budget.
Best Diaper Bags
| Mama’s Choice - Multifunction Diaper Bag | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Sunveno Multifunction Diaper Bag Best bag with insulation pockets | | View Details | Buy Now |
| Lekebaby Maternity Tote Bag Diaper Bag Most spacious | | View Details | Buy Now |
| Babybee Nappy Bag Best water resistant | | View Details | Buy Now |
| Bebear Bennett Diaper Backpack Best for mommy and daddy | | View Details | Buy Now |
| Insular Baby Diaper Bag Most affordable | | View Details | Buy Now |
| Tender Luv Carter's Large Quilted Tote Diaper Bag Best tote bag | | View Details | Buy Now |
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget | Mama’s Choice
Bakit ito ang dapat mong piliin?
Ang Mama’s Choice Multifunction Maternity Diaper Bag ay magagamit mo mula sa pagbubuntis hanggang sa pagdating ni baby. Ang backpack diaper bag na ito ay mayroon ng mga sumusunod:
- Capacity – Ito ay may large capacity at may 15 compartments para ma-organize ang gamit ni mommy at ni baby. May zipper din ito sa likod para madaling ma access ang mga kinakailangan sa loob ng bag.
- Bigat/Timbang – Dinisenyo ang bag para maging lightweight at kumportable dalhin. Adjustable at malapad ang straps para hindi masakit sa balikat.
- Disenyo – Ito ay multifunctional bag na pwedeng maging backpack o handbag. Elegant ang mga kulay at unisex ang disenyo.
- Presyo – Ito ang pinakasulit na Diaper Bag sa halagang Php 899 para sa Regular version at Php 999 para sa Limited Edition version.
Best bag with insulation pockets
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget | Sunveno
Bakit ito ang dapat mong piliin?
Kung quality at budget-wise ay pasok na pasok ang backpack ng Sunveno Multifunction Diaper Bag. Classy ito tignan at pwedeng pwede rin dalhin ni Daddy. Mayroon itong mga sumusunod:
- Capacity – Ito ay spacious at may 13 storage pockets. Kasya ang mga gamit ng baby at pati ang gamit mo mommy. Ito ay large size kaya naman madadala mo lahat ng kailangan ni baby.
- Bigat/Timbang – Ang bigat nito ay tamang tama lamang para sa kanyang laki. Sinisuguro ng produktong ito na matibay ang kanilang diaper bag kaya naman naaayon ang bigat nito sa materyales na ginamit.
- Disenyo – Ito ay classy at may modern style kaya naman love ito ng karamihan ng mommy at daddy. Mayroon itong tatlong available na kulay, blue, gray, at pink.
- Presyo – Mas mura ito sulit kaysa sa ibang brand na same rin ng quality at purpose. Para ito sa mga mommy na gusto ng pangmatagalan na diaper bag na magagamit habang lumalaki si baby.
Bukod sa mga nabanggit na katangian ng ang Sunveno Multifunction Diaper Bag, ito rin ay madali linisin. Mayroon rin itong tatlong insulation na pocket para manatiliung malamig o mainit ang bottle ni baby sa loob ng dalawa hanggang apat na oras.
Most spacious
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget | Lekebaby
Bakit ito ang dapat mong piliin?
Ang Lekebaby Maternity Tote Diaper Bag ay 2in1 bag na pwedeng tote bag o crossbody bag. Tamang tama ang bag na ito sa mga mommy na mas gusto ang tote bag style. Kasyang kasya ang gamit maski kambal ang iyong baby.
- Capacity – Katulad ng karamihan sa modern diaper bag, ito ay spacious. Mayroon itong 17 pockets kaya naman kering-keri mong dalhin lahat ng gamit ni baby. Hindi ka na mahihirapan pang hanapin kung saan mo nailagay ang gamit ni baby dahil sa dami ng bulsa nito para sa easy access.
- Bigat/Timbang – Ang kabuuang diaper bag ay umaabot ng 1-kilogram ang bigat dahil may kasama itong changing pad at sa dami ng bulsa nito.
- Disenyo – Ito rin ay stylish kung ikukumpara sa makalumang style ng diaper bag. Mayroon itong arrow na design na nagbibigay ng unique na disenyo ditto. Ang kabuuan nito ay kulay gray.
- Presyo – Abot-kaya ang presyo nito kung susumahin ang magagandang benepisyo na maibibigay sayo ng bag na ito.
Ang Lekebaby Maternity Tote Bag Diaper Bag ay maroon din 1 tissue pocket, 2 insulated milk bottle pockets, at built in na metal clips para pwedeng isabit sa stroller ni baby. Ito rin ay water resistant kaya naman easy to clean at pwedeng gamitin kahit tag-ulan.
Best water resistant
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget | Babybee
Bakit ito ang dapat mong piliin?
Alam ko may mga mommy pa rin na nag-aaalangan bumili ng diaper bag dahil kapos sa budget. Isipin n’yo na lang mommy na para sa inyo rin ni baby ang bibilhin ninyo.
Kung may kaunting budget ang mayroon ka na lamang, ito ang diaper bag na para sa iyo, ang Babybee Nappy Bag. Kung quality lang din ang pag-uusapan, pasok na pasok ang bag na ito. Marami rin itong pockets at matibay ang materyales na ginamit sa paggawa nito.
- Capacity – Ito ay multifunction kaya naman marami itong bulsa na pwedeng lagyan ng essential needs ni baby kapag nagtatravel.
- Bigat/Timbang – Ang timbang nito ay hindi nalalayo sa mga karaniwang diaper bag sa Pilipinas dahil gawa ito sa fabric na oxford na may makakapal na hibla.
- Disenyo – Ito ay backpack style na bagay na bagay sa mga mommy o daddy na laging nagmamadali. Classy din tignan at plain ang colors na nakikipagsabayan sa mga bag sa market. may apat na available na color ito; black, navy blue, maroon, at teal.
- Presyo – Abot-kaya ito ng mga mommy na kinokonsidera lagi ang budget.
Ang Babybee Nappy Bag rin ay may waterproof, easy to clean kapag natapunan ng milk o pagkain ni baby, at may side pocket para sa baby wipes. Mayroon rin itong compartment para sa towel at hidden pocket na may zipper para lagayan ng susi.
Best for mommy and daddy
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget | Bebear
Bakit ito ang dapat mong piliin?
Kung madalas na may backache si mommy dahil sa pagbubuhat ng mabigat o hindi pa masyadong magaling ang kanyang tahi dahil sa post cs operation, ito ang perfect bag for you. Pwedeng-pwede rin ito gamitin ni daddy dahil sa masculine style nito.
Hindi rin dumihin dahil sa waterproof na fabric nito.
- Capacity – Mayroon itong 15 pocket na pwedeng lagyan ng feeding bottles, toys, snacks, extra clothing at diapers. May lalagyan din ito para sa tri fold cushioned changing pad na included sa bag.
- Bigat/Timbang – Gawa ito sa lightweight materials, kaya naman hindi nakakadagdag ng bigat sa mga gamit ni baby. Sigurado pa rin itong matibay kahit gawa ito sa lightweight materials.
- Disenyo – Classy ang disenyo nito na bagay na bagay sa mga minimalist na parent.
- Presyo – May kamahalan kung ikumkumpara sa mga naunang mga nabanggit na diaper bag. Worth it ito kung pagbabasehan ang quality at tahi.
Ang Bebear Bennett Diaper Backpack ay mayroon ring 2 insulated bottle pockets para sa baby bottles, hook para sa car o house keys, at secret pocket para sa gamit ni mommy at daddy. May external pocket din ito para sa wipes o tissue.
Gawa rin sa memory foam ang back at shoulder strap nito para masiguro ang comfort ng may dala.
Most affordable
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget | Insular
Bakit ito ang dapat mong piliin?
Ang Insular Baby Diaper Bag ay isa sa high quality na diaper bag sa market na abot-kaya ang presyo. Ito ay backpack style kaya naman mas economical gamitin lalo na kapag nagbe-babywearing.
- Capacity – Mayroon itong maraming pocket na mapapaglagyan ng baby essentials at pati na rin extra clothes ni mommy o daddy kapag nagtatravel.
- Bigat/Timbang – Ito ay gawa sa lightweight material kaya naman hindi dagdag ang bigat nito gamit ni baby.
- Disenyo – Ang disenyo nito ay hango sa mga nauusong backpack ngayon. Ito ay sleek at compact kaya naman magugustuhan ng mga modern na mommy at daddy.
- Presyo – Hindi man ito ang pinakamura sa market, ito pa rin isa sa abot-kaya ng mga budgetarian na mommy o daddy.
Sa sobrang sulit ng diaper bag na ito, may kasama pa itong diaper changing mat at stroller straps para baby stroller na madaling gamitin habang namamasyal.
Best Tote Bag
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget| Carter’s
Bakit ito ang dapat mong piliin?
Ang Tender Luv Carter’s Large Quilted Tote Diaper Bag ay isa sa mga paboritong tote bag ng mga mommy. Bukod kasi sa malambot nitong fabric, handy rin ito at spacious.
- Capacity – Spacious ito at kasya maging ang baby formula o baby pump. Ang space nito ay tamang tamang para sa short travel ni baby at mommy.
- Bigat/Timbang – Gawa ito sa nylon polyester fabric kaya naman ito ay magaan dalhin.
- Disenyo – Ang disenyo nito ay nahahawig sa mga usong bag na pang minimalist style. Very handy at comfortable na dalhin.
- Presyo – Sa presyo nito, hindi ka na lugi mommy kung quality lang din ang pag-uusapan.
May kasama ang produktong ito ng diaper changing pad at stroller straps para hassle free ang pamamasyal gamit ang baby stroller.
Price Comparison Table
|
Brand |
Price |
Mama’s Choice Multifunction Maternity Diaper Bag |
Php 999.00 |
Sunveno Multifunction Diaper Bag |
Php 1,950.00 |
Lekebaby Tote Diaper Bag |
Php 1,399.00 |
Babybee Nappy Bag |
Php 999.00 |
Bebear Bennett Diaper Backpack |
Php 2,799.00 |
Insular Baby Diaper Bag |
Php 650.00 |
Tender Luv Carter’s Large Quilted Tote Diaper Bag |
Php 1,000.00 |
Katangian ng diaper bag na dapat mong ikonsidera sa pagbili
Diaper Bag: Best Brands In The Philippines Na Swak Sa Budget
Kung ikaw ay fashionista na mommy, marahil magdadalawang isip ka kung bibili ng diaper bag o hindi. Dahil ang mga tradisyunal na diaper bag sa Pilipinas noon ay may iilan lamang design at style na hindi mo magustuhan.
Worry no more, mommy! Sa ngayon, ang diaper bag na available sa market ay nakikipagsabayan na rin sa pag-usad ng panahon. Merong modern at classy na rin.
Mayroon din pang minimalist style. Pero bago ka bumili. May mga ilang bagay ang dapat mong ikonsidera. Tara at alamin kung anu-ano ang mga bagay na ito.
Maraming space para sa gamit ni baby
Dahil ang ito ay diaper bag, dapat marami talaga itong espasyo para sa mga gamit ni baby. kailangan may sariling lagayan ang baby bottle, formula milk, damit ni baby at kung anu ano pa.
Waterproof at madaling linisin
May mga pagkakataong na nagkakaroon ng leakage ang mga nilalagay natin sa loob ng bag. Lalo na ang baby bottles na may laman na tubig, mga pagkain na may liquid, at iba pa na nag-iiwan ng mantsa. Kapag may matsa, malaking abala para sa atin ang labhan ito kaagad. Kaya pumili ng waterproof at madali linisin.
Ergonomic
Kapag sinabing ergonomic, dapat kumportable dahil kahit saan kahit na punung puno ito ng laman ng gamit ni baby.
May changing pad
Hindi lahat ng diaper bag ay may changing pad. Bonus ito sa ating mga mommy kapag may changing pad na kasama para hindi na bibili pa ng nakahiwalay.
Mas convenient din ito para sa ating mga mommy kapag may stroller clips na kasama. Hindi mo na kailangan pang bitbitin kapag dala mo si baby gamit ang kanyang baby stroller habang namamasyal.
Maraming bulsa at lalagyan
Ito ang main reason kung bakit dapat mong bilhin ang diaper bag. Bukod sa madadala mo ang mga importanteng gamit ni baby, dapat lahat nasa kanyang lalagyan para hindi mahirap kunin at hanapin sa loob ng bag. Mas maraming bulsa, mas maganda.
Affordable
Kung budget ang pag-uusapan, dapat i-check mo rin mommy kung budget-wise ba ang bibilhing diaper bag. May diaper bag na mahal pero dekalidad at tumatagal ng ilang taon.
Magagamit mo pa bilang travelling bag. May diaper bag din na mura pero maganda at hindi sasakit ang inyong bulsa. The choice is yours to make. Kung saan ka masaya, doon ka.