Diego Loyzaga sa anak niyang si Hailey: “I hope you don’t judge me for my past.”

Aktor sisikaping hindi danasin ng anak ang mga pinagdaanan niya noon.

Diego Loyzaga may pangako sa daughter niyang si Hailey. May pakiusap din ito sa anak sa oras na ito ay magkaroon na ng sariling pag-iisip.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Diego Loyzaga message to daughter Hailey.
  • Pangako ni Diego sa anak.

Diego Loyzaga message to daughter Hailey

diego loyzaga with baby daughter

Larawan mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

Sa isang panayam ay natanong ang aktor na si Diego Loyzaga kung paano siya bilang ama sa anak na si Hailey. Ayon sa aktor, gusto niyang maging present father sa anak at maging supportive partner rin sa ina nito.

“I want to be a present father. In the back of my head, I always have this thinking that it’s not just about Diego anymore. It’s about Diego and Hailey and of course, my baby’s mama also.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Diego.

Matatandaang kamakailan lang ay may pasabog sa social media ang partner nitong si Alexis Suapengco. Ayon sa kaniya, ang aktor ay hindi parin naayos ang sarili niya at isa paring alcoholic. Ibinahagi rin nito na pinalayas sila ng kaniyang anak sa bahay ng aktor para sa ibang babae. Si Diego nanatiling tahimik sa mga alegasyon sa kaniya.

diego loyzaga girlfriend alexis suapengco

Larawan mula sa Instagram account ni Alexis Suapengco

Bagamat sa mensahe niya sa anak ay may pakiusap siya dito. Partikular na sa madidilim na bahagi ng kaniyang buhay.

“I guess, I’d say, ‘Anak, in life, people make mistakes. I think when you don’t make mistakes, you don’t really grow.”

“‘I hope you don’t judge me for my past. I hope you don’t look at me differently for the mistakes I’ve done and maybe, might still do in the future.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Diego sa anak.

Pangako ni Diego sa anak

diego loyzaga with baby daughter

Larawan mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

Kasunod nito ay ang pangako niya sa anak bilang isang mapagmahal na ama.

“But just know that I love you and I promise that I’ll give you a life that I never had.’ I know my parents did the best they could for me pero ako for myself, I will do everything in my power.”

Ito ang mensahe pa ni Diego Loyzaga sa anak niyang si Hailey.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!