Dimples Romana, may surprise gift para sa kaniyang ina—isang bagong bahay!

lead image

Ginulat ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang buong pamilya matapos niya silang bilhan ng isang bago at napakagandang bahay!

Kamakailan lang ay binigyan ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang buong pamilya ng isang napakagandang regalo! Sa isang Instagram video na pinost ng aktres, tuwang-tuwa ang kaniyang pamilya matapos nilang malaman na niregaluhan niya sila ng bagong bahay!

Dimples Romana niregaluhan ng bagong bahay ang kaniyang pamilya!

Nagpadala daw ng mga anghel ang kaniyang ama

Naikwento ni Dimples sa caption na matagal na raw nakatira ang kaniyang ina sa bahay na tinitirhan nila noong buhay pa ang kaniyang ama.

Ngunit nakapag-usap daw sila ng ina niya mga 2 taon na ang nakalipas, at napansin niya na parang "ready" na ang kaniyang ina na mag move-on.

Kaya't nang nagkaroon ng bagong proyekto si Dimples na "Kadenang Ginto," naisipan niyang gamitin ang kanyang kikitain upang bilhan ng bahay ang kaniyang ina.

Ayon kay Dimples, ang bawat bagong proyekto daw niya ay inilalaan niya para bumili ng bahay, o investment sa negosyo. At sa pagkakataong ito, pumunta raw siya sa puntod ng namayapang ama, at humingi ng gabay upang malaman kung saan niya dapat ilaan ang pera.

At dun niya naisip na bilhan ng bagong tahanan ang kaniyang ina pati na ang mga kapatid.

Sinorpresa pa niya ang mga ito at sinabi na bibisita lang daw sila sa bahay ng kanilang mga inaanak. Ngunit pagdating sa bahay ay sinabi niya na regalo niya ito sa kaniyang pamilya.

Kitang-kita ang galak sa mata ng kaniyang ina, at halos hindi ito makapaniwala sa regalo ni Dimples sa kaniya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

 

Tuwang-tuwa ang kaniyang pamilya

Dahil sa ipinamalas na kabaitan ng aktres, abot-langit ang galak ng kaniyang mga kapamilya. Halos hindi makapagsalita ang kaniyang ina sa sobrang tuwa, at mangiyak-ngiyak silang mga magkakapatid.

Tuwang-tuwa rin ang mga netizens sa ipinakitang kabaitan ni Dimples, at hindi niya nakalimutan ang kaniyang pamilya. Talagang ipinamamahagi niya ang kaniyang nakukuhang mga biyaya, kaya't balik lang ng balik ito sa kaniya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Sa tagapagtanggol ko @bamromana ❤️ Maraming Salamat sa pinaka-awkward na yakap kagabi ☺️ awkward pero tagos puso naman. I wont have it any other way. Lahat ng pamilya may pinagdadaanan, lahat may ipinaglalaban, pero pag Sama sama, walang hindi makakaya. We only have 1 family, 1 lifetime. Don’t let the days pass you by. For when it comes to family, every victory shared will never feel empty and every failure and sorrow will never feel permanent ❤️ mahal na mahal ko kayo. And what a treat it would’ve been if Papa and Pebbles were here. My birth month is about to begin and my cup is already full ❤️ Salamat Panginoon. Ikaw to lahat

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

 

 

Source: ABS-CBN

Basahin: Son says ‘thank you’ to his hardworking mom by taking her on an Asian tour!