Divine Lee, nag-eexpect ng baby girl!

lead image

Celebrity mom na si Divine Lee at asawang si Blake Go ay nage-expect ng baby girl soon!

Inanunsyo ni Divine ang kasarian ng kanilang magiging pangalawang anak sa kanyang Instagram nitong ika-26 ng Abril.

Quick pictorial bilang anunsyo

Si Divine, Blake, kasama ang kanilang panganay na si Baz ay nag-stage pa ng isang quick pictorial at inedit ang litrato bilang isang mock movie poster na pinamagatang "Then Comes Another Baby" tapos may kasama pa itong nakalagay na "It's a...girl"

Sinabi ng future momma of two sa kanyang caption, "This is it! #LEEttleGO number two is a GIRL! #FamiLEEGOals"

Unang pag-anunsyo tungkol sa pangalawang baby

Unang ipinahayag ni Divine Lee ang magandang balita na siya ay nagbubuntis sa pangalawa niyang baby noong ika-25 ng Marso. Divine first shared the news that she was pregnant with her second baby last March 25.

Ang hiling nga ng host at blogger ay maging ina ng apat na chikiting by 40 di-umano. Ngayon nga'y 37 na siya at marahil mapilitang magka-baby bawat taon para makamit ang hiling.

Kwento nga niya, "I really want a happy, magulo family...Gusto ko talaga marami para masaya."

Siya ay naka-due na manganak ngayong taong 2019 ng Oktubre.

Source: Divine Lee

Basahin: Nadine Samonte nanganak na!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!