Maid humihingi ng tulong dahil mahuhulog na sa condo; Amo nag-video lang

lead image

Isang domestic helper ang nakaranas ng abuse sa kamay ng kaniyang amo nang humingi ito ng tulong dahil mahuhulog na sa condo—at hindi ito tinulungan. | Photos: Daily Mail

Kilala ang Kuwait bilang isang mayamang bansa dahil sagana ito sa krudo. Mayroong humigit kumulang na 600,000 na mga domestic helper na nagtratrabaho doon mula sa iba't ibang Asian countries, kabilang na ang Pilipinas. Ngunit sa kasamaang palad, mayroong mga kaso ng abuse ang nangyayari sa mga ito—sexual, physical, pati financial dahil hindi naibibigay ang sweldo.

Sa isang viral video, makikita ang kalupitan ng isang amo sa kaniyang Ethiopian na domestic helper, isang klarong kaso ng abuse.

Humihingi ng tulong

Ayon sa ulat ng Daily Mail, isang katulong ang sinubukan na tumakas sa apartment unit ng kaniyang amo sa seventh floor ng isang condominium building.

Sa isang shocking video, makikita na nakasabit na lang ang katulong sa building gamit ang kaniyang isang kamay na nakakapit sa bintana. Nang makita ito ng amo niya, sinimulan siyang kuhaan ng video nito. Maririnig na sinasabi ng amo, "Oh, crazy, come back."

Sumagot naman ang katulong ng, "Hold me, hold me!"

Ngunit walang ginawa ang amo, bagkus nagpatuloy lang na kuhaan ng video ang katulong.

Dahil na rin isang kamay na lang ang nakakapit sa bintana at ang buong bigat nito ay nakasalalay dito, hindi na nakayanan ng katulong at tuluyan nang nahulog ng pitong palapag. Dinig na dinig sa video ang lagapak nito bubong sa ibaba. Patuloy lang kinukuhanan ng amo ang video.

Himala naman na nakaligtas ang katulong mula sa kaniyang pagkakalaglag. Dinala siya ng paramedics sa ospital. Nagtamo ito ng pagkabali ng buto sa kamay at duguan na ilong at tenga.

Domestic helper abuse

Nang magsimula ang imbestigasyon noong March 2017, inaasahan na papapanagutin ang amo dahil sa hindi pagtulong sa biktima. Ngunit sa huli ay nakasuhan it ng paglabag sa karapatang pantao na bawal kuhaan ng video at i-publish ang video nang walang pahintulot ng taong kinukuhanan.

Depensa ng amo, ayon sa Stepfeed, kinuhaan daw niya ang kaniyang katulong ng video upang maging ebidensya na hindi niya ito sinaktan.

Dahil sa kaniyang krimen, nasintensiyahan ang amo ng isang taon at walong buwan na pagkakakulong.

Narito ang video ng buong pangyayari. Babala: nakakabagabag ang video na mapapanood.

Source: Daily Mail

Basahin:
10 things to tell your maid when looking after your baby
Viral video highlights sad reality of maid abuse