Doug Kramer to husbands: "Date your wife"

lead image

Nagbigay ng advice si Doug Kramer para sa mga mister, "Date your wife." Iyan daw ang sikreto ng pagsasama nila ng misis na si Chesca Kramer.

Noong Sabado, nag-post ang basketball player na si Doug Kramer sa kaniyang Instagram. Dito sinabi niya ang sikreto ng kanilang pagsasama ng asawang si Chesca Kramer.

Doug Kramer: Sikreto sa pagsasama

1. "Never let a day pass when you argue and fight"

Sinabi nito na sa 16 na taon nilang pagsasama ni Chesca, hindi raw nilang hinahayaang lumagpas ng isang araw ang kahit ano mang pagtatalo nila.

2. "Take down your pride."

Huwag daw mag-atubiling unang mag-sorry. Dagdag pa ni Doug Kramer, aminin ang sariling pagkakamali at iwasan magturuan ng pagkukulang.

3. "Work on what you need to do rather than trying to change your partner's attitude."

Imbis daw na pilitin magbago ang asawa, tignan ang sarili at ang mga kailangang baguhin sa sarili.

4. "Date your wife."

Hindi lamang sa mga special occasions dapat nagde-date, dapat kahit walang okasyon, siguraduhing napapanatili pa rin ang romance sa pagsasama.

5. Compliment your wife

Tuwing magde-date daw silang mag-asawa, sinisiguro daw ni Chesca na magpaganda para kay Doug.

"Chesca never stops to look amazing for me. She makes sure I'm 'tempted' to date her. ? She always tells me, 'I wanna look good only for you baby.' So the times I forget to compliment her, it's World War Kramers."

Kaya naman daw sinisiguro rin ni Doug Kramer na purihin ang effort ng kaniyang misis sa pagpapaganda.

Doug Kramer and Chesca Garcia anniversary

Noong Oktubre ng nakaraang taon, nag-celebrate ng ika-10 wedding anniversary ang mag-asawang Chesca and Doug. Para i-celebrate ito, sinurpresa ni Chesca ang kaniyang mister ng isang vow renewal ceremony.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Pat + IG patdytravelsandeats (@patdy11) on

Panoorin ang kanilang wedding renewal dito:

Basahin: 5 ways para magtagal ang pagsasama ng mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!