X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Effective ba talaga ang pag-inom ng Probiotic drinks?

4 min read
Effective ba talaga ang pag-inom ng Probiotic drinks?

Siguradong palagi mong naririnig ang benepisyo ng pag-inom ng Probiotic drinks. Bukod sa pagiging refreshing na flavored drink, mapapayos pa nito ang takbo ng ating sikmura. Kaya naman siguradong nasubukan mo na rin kung talagang effective nga ang pag-inom ng mga Probiotic drinks. 

Ngunit, isa ka rin ba sa mga uminom nito at napasabi ng, “Parang wala namang nangyari, effective ba talaga ito?” Pwes, hindi ka nag-iisa. Sa dinami-dami ng mga nagtanong, narito ang magpapalinaw ng isip mo sa kung ano nga ba talaga ang dapat na mangyari kapag kumain o uminom ka ng mga bagay na mayaman sa Probiotics. 

Ano ba ang ginagawa ng Probiotics?

Sa katawan natin, mayroong “bad bacteria”, at mayroong “good bacteria”. Alam na natin na kapag masyadong maraming bad bacteria ang ating katawan, mas prone tayo sa komplikasyon at sakit. 

Dito ngayon papasok ang good bacteria o ang probiotics. Ang mga ito ay tumutulong na i-balance ang bilang ng good at bad bacteria para tayo ay makaiwas sa mga sakit. At dahil malaki ang epekto ng kalusugan ng ating tiyan sa ating pangkabuoang immune system, importante ang pagkakaroon ng healthy diet. 

how do probiotics and prebiotics work

Photo source: tincture.io/probiotics-are-mostly-powerless-heres-why-you-should-try-prebiotics-instead-4ba5ef545dd

Pero kung walang Prebiotic Fiber, wala ring silbi ang Probiotics!

Para iyong lubusang maunawaan, isipin mo na ang Probiotics ay parang mga sundalo sa ating tiyan na nagpapanatiling maayos ang ating digestive system. Dahil halu-halo na ang kinakain natin sa araw-araw, pinapanatili ng mga Probiotics ang malinis at maayos na kapaligiran sa ating tiyan

Ngunit kung walang Prebiotic Fibers, para silang mga sundalong hindi nakakain. Ang Prebiotic Fiber ay isang plant-based food na kinakain ng Probiotics para sila ay mas magtagal sa kabila ng harsh environment ng mga tiyan natin. 

Sa madaling salita, hindi magtatagal ang mga sundalong ito – o ang Probiotics, kung wala silang kagamitan – o Prebiotics. Hindi rin nila lubusang makakatulong sa pag absorb ng nutrients na kinakailangan ng iyong katawan dahil wala silang equipment para gawin ito.

Kaya sa susunod na bibili ka ng Probiotic drink siguraduhing hanapin ang Symbiotic combination ng Pre + Pro. Tandaan na ang Pre + Pro ay magkaagapay laban sa mga “bad bacteria” para mapanatiling healthy ang iyong digestive system.

Foods rich in prebiotics

Anong magandang source ng Prebiotics?

Para matulungan ang iniinom mong Probiotic drink, dapat mo ito sabayan ng mga pagkain o inuming mayaman sa Prebiotics. Ang ilan rito ay maaaring ipansahog sa ulam o kaya naman ay kainin o inumin nang mag-isa.

  • Bawang

Bukod sa ibang health benefits nito kagaya ng pagiging antioxidant at pampababa ng risk sa pagkakaroon ng sakit sa puso, nakakatulong rin siya sa ating digestive system. Tumutulong ito sa pagpapadami ng Bifidobacteria — isang uri ng Probiotic sa ating tiyan.

  • Sibuyas

Ang pagsama ng sibuyas sa ating pagkain ay nakakatulong rin sa digestive system. Ito ay mayaman sa inulin na nagpapalakas sa ating gut health at FOS na isang uri ng Prebiotic. 

  • Dahon ng sibuyas

Kagaya ng sibuyas, mayaman din ito sa inulin fiber. Pero bukod sa kanyang benepisyo pagdating sa ating digestive system, mayaman rin ito sa Vitamin K. Nagdadagdag pa ito ng masarap na lasa sa ulam ng buong pamilya! 

  • Saging

Alam na nating maganda ito para sa puso. Ngunit bukod dito, may Prebiotic function rin ito na nakakabawas ng pagiging bloated at tumutulong sa paglago ng good bacteria sa tiyan.

  • Oats

Bukod sa fiber, maari rin makatulong ang pagkain ng oats sa mga Probiotics na nasa tiyan natin. Kaya naman ugaliing kumain ng oatmeal tuwing umaga upang mas palakasin ang healthy bacteria sa ating tiyan.

  • Mansanas

Kagaya ng Oats at saging, mayaman din ito sa fiber na tumutulong sa ating digestive tract. Ang mansanas ay naglalaman rin ng Pectin na nagsisilbing Prebiotic upang tulungan ang mga probiotics na labanan ang pagdami ng bad bacteria sa tiyan. 

  • Probiotic drinks

Tandaan, hindi lahat ng Probiotic drinks ay may Prebiotic Fibers. Kaya kadalasan, kailangan mo parin itong sabayan ng inumin o pagkaing mayaman sa Prebiotics. Buti nalang, ang Dutch Mill Delight ay may DUO ACTIVE combination ng Probiotics at Prebiotic Fibers. Kaya naman kahit ito lang ang inumin mo, talaga namang kuha mo na ang sustansyang kinakailangan para sa healthy digestion araw-araw

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Audrey Torres

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Press Releases
  • /
  • Effective ba talaga ang pag-inom ng Probiotic drinks?
Share:
  • Ligtas ba ang Yakult sa buntis? Mga benepisyo ng probiotics kay mommy at baby

    Ligtas ba ang Yakult sa buntis? Mga benepisyo ng probiotics kay mommy at baby

  • Probiotics and prebiotics reduce infection rates in infants, study says

    Probiotics and prebiotics reduce infection rates in infants, study says

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Ligtas ba ang Yakult sa buntis? Mga benepisyo ng probiotics kay mommy at baby

    Ligtas ba ang Yakult sa buntis? Mga benepisyo ng probiotics kay mommy at baby

  • Probiotics and prebiotics reduce infection rates in infants, study says

    Probiotics and prebiotics reduce infection rates in infants, study says

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.