Elisse Joson on pregnancy: "Hindi ko mapakita 'yong excitement ko because I'm also scared"

McCoy to Elisse and their baby: “Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo.”

Elisse Joson baby dahilan umano para magtuloy-tuloy ang pagsasama nila ni McCoy de Leon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • McCoy de Leon and Elisse Joson baby face.
  • Mensahe ni McCoy sa kaniyang mag-ina.

McCoy de Leon and Elisse Joson baby

Nitong Linggo ay ginulat ng real-life couple at ex-PBB housemates na sina McCoy de Leon at Elisse Joson na sila ay may anak na. Ito ay kanilang inanunsyo sa programa kasabay na pag-iimbita kay Pinoy Big Brother na maging ninong ng anak nila.

“Kuya puwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin?”

“Kuya, kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl.”

Ito ang nakakagulat na pahayag ni McCoy de Leon at Elisse Joson sa programang Pinoy Big Brother sa ABS-CBN.

Ayon pa kay McCoy at Elisse ay naisip nilang i-anunsyo sa magandang balita sa PBB house dahil dito sila nagsimula.

“Nagpapasalamat kami na makabalik dito at i-share sa inyo ang magandang balita namin. Naisip po namin na dito kami nagsimula sa inyo at malaki po ang utang loob namin.

Ito ang sabi ni Elisse.

Para naman kay McCoy ang programa ang naging daan para mabuo ang pamilya ngayon nila ni Elisse.

“Ang alam namin na hindi expected, pero ito ‘yong programa na nagtadhana sa amin papunta dito na may pamilya na kami.”

Elisse magkahalong takot at excitement ang naramdaman ng malamang siya ay buntis

Kahapon sa latest vlog ni Elisse sa kaniyang YouTube channel ay nagbahagi siya ng video ng kaniyang naging pregnancy journey. Sa video ay ipinakita rin ang mukha ng napakagandang baby nila ni McCoy.

Ayon kay Elisse, noong malaman niyang buntis siya ay very happy siya. Bagama’t natatakot din siya dahil sa bago at alam niyang mabigat na responsibilidad ng pagiging ina.

“Actually ‘di pa rin ako makapaniwala. ‘Yong tummy ko is parang busog, parang bloated pero meron palang baby inside.

But siyempre ‘di ko rin mapakita ‘yong excitement ko rin masyado because I am also scared. I don’t know how to be a mom. I bet its hard but kaya to. ”

Ito ang naluluhang sabi ni Elisse matapos malamang ang ipinagbubuntis niya ay isang babae.

Elisse to her baby Felize: “Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.”

Elisse Joson baby

Image screenshot from YouTube video

Sa kaniyang Instagram ay nagbigay ng mensahe si Elisse sa anak nila ni McCoy na pinangalan nilang Felize McKenzie. Ayon sa kaniya ay sisikapin niyang maging best mommy para dito.

“Life was uncertain before you came. I didn’t know which path to take, the choices to make. I didn’t know what to be, what I want to be.. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.”

Kahapon si McCoy naman ang nagbigay ng mensahe hindi lang para sa anak na si Felize kung hindi para narin sa partner na si Elisse.

Ayon kay McCoy hindi lang basta isang magandang regalo ang pagdating ni Baby Felize sa buhay nila. Ito umano ang dahilan para magpatuloy pa ang pagsasama nila ni Elisse at napakasaya niya sa pagdating nito sa mga buhay nila.

BASAHIN:

LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!

LOOK: Elisse Joson at McCoy De Leon ipinakilala na sa publiko ang kanilang Baby Felize

REAL STORIES: “To my baby angel, you will always be a part of me and you will always be my favorite ‘what if.’”

McCoy to Baby Felize: “Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sayo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito.”

Elisse Joson baby

Image from McCoy de Leon Instagram account

“Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag-asa ng nanay mo.

Nagtuloy-tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa ‘yo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin.”

Sa parehong mensahe ay pinasalamatan ni McCoy ang partner niyang si Elisse sa hindi pagbitiw nito sa lahat ng pagsubok na dinaanan ng relasyon nila.

“Para naman sa ina ng anak ko, maaaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako…kaya salamat Elisse ko.”

Sa huli ay pinangako ni McCoy sa kaniyang mag-ina na gagawin niya ang lahat para maging mabuting asawa at ama.

“At sa aking mag-ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

Elisse Joson baby

Image screenshot from YouTube video

Elisse Joson and McCoy de Leon love story

Taong 2016 ng magsimula ang pagtitinginan ng dalawa ng sila ay maging housemates sa PBB Lucky Season 7. Doon sila ay nagkaroon ng relasyon na sinubok noong taong 2018 kung kailan napabalitang sila ay naghiwalay na ng sumunod na taon.

Pero taong 2020 ay nagkabalikan ang dalawa. Sinundan ito ng pangingibang bansa ni Elisse na kung kailan nagsimula ang usap-usapan na buntis siya.

Source:

ABS-CBN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!