Ellen Adarna may maikling pahayag kung bakit pinili niyang itago sa publiko ang mukha ng kaniyang baby.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ellen Adarna sa pagtakip sa mukha ng kaniyang baby girl sa mga social media post niya.
- Bakit mahalagang hindi isapubliko ang mukha ng iyong baby sa social media.
Ellen Adarna sa pagtakip sa mukha ng kaniyang baby girl sa mga social media post niya
Makikita sa Instagram profile ng celebrity mom na si Ellen Adarna kung gaano siya kasaya sa pagdating ng baby girl nila ng mister na si Derek Ramsay. Ito ay pinangalanan nilang si Liana. Bagamat sa mga post niya, pinili parin ng aktres na itago sa publiko ang mukha nito.
Sa latest Instagram post nga ng aktres tampok ang kanilang family photo ay isang netizen na ang hindi napigilang magtanong kung bakit naka-cover ang mukha ng kaniyang baby.
“Why cover the babe face”, tanong ng netizen.
Si Ellen, naging maikli ang sagot dito.
“To avoid evil eye”, sagot ng aktres.
Bakit mahalagang hindi isapubliko ang mukha ng iyong baby sa social media
Ayon sa mga eksperto, mainam na hindi i-share sa publiko ang mukha ng iyong baby sa social media. Ito ang mga dahilan kung bakit.
- Ang kanilang mga larawan ay maaaring maabuso o magamit ng ibang tao. Ito ay maaring gamitin sa identity theft o panloloko.
- Ang pagpapakita ng mukha ng mga bata sa social media ay nagdaragdag ng kanilang pagiging target ng online predators o stalkers.
Alternatibong paraan ng pagbabahagi sa social media ng larawan ng iyong baby
Bilang proud parent, mahirap talagang pigilan ang iyong sarili na mag-share ng update tungkol sa iyong anak. Narito ang ilang alternatibong paraan na maari mong gawin.
Gumamit ng malikhaing paraan upang magbahagi ng larawan ng iyong baby nang hindi inilalantad ang mukha:
- Mga perspective shot (hal., larawan mula sa likod o gilid).
- Mga partial shot (hal., kamay, paa, o buhok).
- Pag-blur o pag-pixelate ng mukha.
- Mga artistic representation (hal., guhit o animation).