Andi Eigenmann at Jake Ejercito nagsama sa birthday ng anak na si Ellie

lead image

Muling nagsama sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa celebration ng 7th birthday ng kanilang anak na si Ellie Eigenmann.

Matapos ang mainit na palitan ng salita sa social media noong nakaraang taon, muling nagsama sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa birthday celebration ng kanilang anak na si Ellie Eigenmann nitong Sabado, December 1.

Tilang isang masayang pamilya sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann sa isang Instagram post ng kanilang anak na si Ellie sa kaniyang gymnastic themed 7th birthday party.

 

View this post on Instagram

 

?

A post shared by Ellie Eigenmann Ejercito (@ellieeigengirl_) on

Ellie Eigenmann nag-celebrate ng 7th birthday

Nagpost naman ng isang picture si Jake Ejercito sa kaniyang Instagram account kasama sina Andi at Ellie na nakasuot ng varsity jacket na may nakalagay na Team Ellie sa likuran. Isa itong tanda ng kanilang suporta sa anak na si Ellie sa pagkahilig nito sa sport na gymnastics.

 

View this post on Instagram

 

Team Ellie! ??

A post shared by Jake Ejercito (@teamunoemilio) on

Dinaluhan ang birthday party ni Ellie ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na masayang-masaya rin sa muling pagsasama nila Jake at Andi. Isa na nga sa hindi matago ang kasiyahan ay ang kapatid ni Andi na si Gabby Eigenmann na binati si Ellie pati narin si Andi at Jake dahil sa ginawa nilang pagkakaisa para sa anak.

"Happiest bday @ellieeigengirl Loveyou!!! #damikogustoihashtagperowagnalang apir @andieigengirl @unoemilio kudos to you guys!!!"

 

View this post on Instagram

 

Happiest bday @ellieeigengirl Love you!! #damikogustoihashtagperowgnalang ?? apir @andieigengirl @unoemilio kudos to u guys!!

A post shared by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on

Sinundan din ito ng kaniyang pang-aasar sa dalawa sa  kaniyang IG story post kung saan isinulat niya na “So 2013” na may hashtag na #sentisabado at #nostalgic.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/12/gabby stories.jpg Andi Eigenmann at Jake Ejercito nagsama sa birthday ng anak na si Ellie

Samantala nagbigay din ng isang simple ngunit makahulugang message si Jake Ejercito sa kaniyang anak na si Ellie sa pamamagitan parin ng isang Instagram post.

Sa isang Instagram post din idinaan ni Andi ang kaniyang kasiyahan at message sa 7th birthday ng kaniyang anak na si Ellie noong November 23.

 

View this post on Instagram

 

In a few hours, I will have a 7 YEAR OLD.? well, you know what they say: time sure flies by so quickly when you are having fun!lol. I figured since she is old enough for birthday cards, I’ll save the thank you’s and I love you’s for that, but of course, she still deserves an appreciation post! Every 23rd day of November is an opportunity to celebrate that very moment you came into this beautiful world! Each year, it just becomes more and more meaningful to me. I sure feel so blessed to have my favorite human being to share this super awesome life with! I am excited for what’s in store for this girl! And you are all witness to my promise that I will be there to guide her as she reaches for the stars! [maybe even give her a boost, if needed! Just like in this picture?]

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Matatandaang nagkasagutan sa social media sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann noong nakaraang taon kaugnay sa kustodiya ng kanilang anak na si Ellie Eigenmann. Ito ay matapos kumpirmahin sa pamamagitan ng isang DNA Test nitong 2016 na si Jake Ejercito ang ama ni Ellie at hindi si Albie Casino na unang itinuro ni Andi.

Kaya naman maliban kay Ellie Eigenmann, sumaya rin ang mga social media followers nila Jake at Andi dahil nagsama muli sila at tila isang masayang pamilya.

 

Sources: ABS-CBN News, GMA News

Photo: @ellieeigengirl_ Instagram

Basahin: Andi Eigenmann admittedly worried about Jake Ejercito's joint custody petition for their daughter Ellie

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!